Chapter 15

1.6K 109 15
                                    

~*~

Nang tumigil ang sinasakyang sakyan nila Gabb ay agad din silang bumaba at nag bayad

"Sa wakas makakarating din sa bahay n'yo" saad ng kaibigan niyang babae habang bahagyang nag pupunas ng pawis sa kanyang noo

humarap siya dito, kinakabahan siyang ipaalam kay Bea ang tungkol sa anak niya pero unpair naman dito kung hindi niya ipapa alam lalo na't alam na ni Kevin ang tungkol dito, ayaw naman niyang mag tampo ito sa kanya

"Tara" pag aaya niya sa dalawang kaibigan at saka niya ito ginaya papasok sa kanilang bahay

Nang makapasok sa loob ay agad na bumungad sa kanila ang mama ni Gabb na busy-ing busy sa pag karga sa anak niya

"Dati Only Child ka lang, ngayon may kapatid ka na" biglang sabi ni Bea sa kanya, dahilan para mapalingon ang mama ni Gabb dito

"Siya ba ipapakilala mo sa amin?" tanong pa nito na ikinatango na lamang niya

"Hi po tita" pag bati nito sa mama ni Gabb ng mapansin nitong nakatingin ito sa gawi nila

Ngumiti naman ang ginang bago tumingin sa gawi ng kanyang anak

Lumapit si Bea sa mama ni Gabb para mag mano kasunod nito ay si Kevin na nag mano rin sa Ginang

"Hi Baby" pag aalo ni Kevin sa bata, ngumiti naman sa kanya ito

tumingin din si Bea sa bata

"Kyah! Ang kyutt, ang kyut po ng anak nyo tita" tuwang tuwang saad ng dalaga, nais pa nga nitong agawin at kargahin ang bata buti na lamang at napigil niya ang sarili nang maalala na hindi pala siya marunong humawak ng bata

"Apo ko 'to iha" sabat ng ginang na ikinatigil ng dalaga habang si Kevin naman ay walang reaksyon dahil alam na nito kung sino ang batang ito pag pasok pa lamang niya sa bahay nila Gabb

"Tita?" naguguluhang tanong ng dalaga, dalawang taon din naman silang nag kasama ni Gabb sa Shs at masasabi nila sa kanilang mga sarili na kilalang kilala na nila ang isa't isa kaya alam nito na Only child lamang si Gabb

Agad naman na lumapit sa pwesto nila si Gabb at saka kinuha ang anak sa mama niya

"G-Guys, anak ko pala" nakangiti niyang turan sa harap ng kanyang mga kaibigan na ikinatigil lalo ni Bea

"Nag bibiro ka ba?" ang naitanong na lamang ng kaibigang babae sa kanya dahil sa pag kagulat

Umuling si Gabb at ipinakita nito ang seryoso nitong mukha para ipahiwatig na hindi siya nag bibiro at anak niya ang batang karga karga niya ngayon

Marahan niyang sinalaysay at ipinaliwanag ang lahat kung paano siya nag kaanak pero syempre hindi niya sinabi kay Bea kung sino ang ama ng anak niya

Kinukulit pa nga siya nito pero kalaunan din naman ay tumigil na siguro ay naisip din nito na masyado na 'yung personal

"Sige, ingat kayo" pag papaalam nya sa dalawa niyang kaibigan, nang nag sabi ito sa kanya na uuwi na daw sila

"Dadalaw ulit kami" narinig pa niya saad ni Bea sa kanya bago ito tuluyang umalis sa kanilang bahay

Napabuntong hininga na lamang siya nang maalala na minsan din pala ay pumupunta dito sa kanila si Theon, baka mag pangabot sila, nangangamba siya, lalo na't hindi pa siya handa sabihin sa kaibigan ang tungkol sa ama ng bata

HE GOT ME PREGNANT | [B×B|Ongoing X Slow Update]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon