~*~
“Ama... alam kung makasalanan akong tao, alam kung marami akong pag kakamali ngunit ama wag naman sana ang anak ko ang maging kabayaran ng mga ito, ama ako na lamang po ama, ama.. ako na lang w—wag ang a—anak ko amaaa.... ” mahinang saad ni Gabb habang nakaluhod, kasalukuyan siya ngayong nasa chapel ng Hospital, kanina habang kausap siya ng doctor at pinapaliwanag sa kanya kung ano ang magiging resulta kapag hindi agad naoperahan ang anak niya, ay wala siyang ibang maisip na tatakbohan maliban sa magulang niya kundi ang Diyos lamang. Alam niya sa kanyang sarili na nandyan ang Diyos na handang makinig sa atin at handang tumulong kapag tayo ay lalapit sa kanya, hindi siya pala dasal na tao ngunit ng mga oras na yun Diyos lamang ang naisip niyang mamari niyang puntahan
“anak...” rinig niyang saad ng nasa katabi niyang upuan, ramdam din niya ang pag lapat ng palad nito sa balikat niya
“ma...” umiiyak na saad ni Gabb at saka mabilis na yumakap sa ina
“shhh, magiging maayos din ang lahat okay? magiging maayos din si Gael, kilala ko ang apo ko, matapang at matatag 'yun mana 'yun sayo eh, alam kong matapang ka, at alam kong mas magiging matatag si Gael kapag nakikita ka niyang matatag” naiiyak na saad sa kanya ng kanyang ina, alam ng ina niya ang sakit na nararamdaman ni Gabb dahil ina rin siya, hindi man tunay na babae sa Gabb alam niyang naging mabuting ama at ina ito sa apo niya.
“mag b-birthday pa naman ang anak ko” patuloy na pag tangis ni Gabb, ilang araw na lamang at mag iisang taon na ito, ayaw niyang mag birthday ito sa ospital pero alam niyang wala siyang magagawa
Mas lalong napaiyak si Gabb ng naisip niya na ang mga negatibong nag yayare kapag nag bibirthday sa ospital, ayaw niya itong isipin dahil natatakot siya
“ma?” saad ni Gabb sa ina ng medyo tumahan na ito, patuloy pa rin itong naka yakap sa ina
“hmm?” tugon ng ina
“mag kano daw po ba ang kakailanganing pera para sa operasyon ni Gael?” tanong niya sa ina at saka kinalas ang pag kakayakap dito, sa ina na lamang niya ito tinanong dahil hindi niya ito natanong sa doctor kanina dahil blanko siya kanina
“around 600k daw” tugon ng mama niya sa kanyang tanong, halos manlumo at bumagsak ang balikat ni Gabb, nasa 20K lamang siguro ang perang naipon niya para sana sa Birthday ng anak niya
“saan tayo kukuha ng ganong kalaking pera ma?” nag hihinang tanong niya sa ina
“kapit lang anak, sabi naman ng doctor may tatlong buwan pa tayo bago operahan ang apo ko kaya makakapag ipon pa tayo, pero kung magkakaroon agad tayo ng sapat na pera, maganda sana kung maoperahan agad.” naluluha man ngunit nakangiting saad pa rin ng ginang sa anak
“hindi ko alam kung saan natin kukunin ang ganung pera , pero ang alam ko lang na kailangan nating mag tiwala sa nasa itaas, alam niyang kaya nating malampasan ang pag subok na ibinigay niya sa atin, at alam kung tutulungan din niya tayo”
*——————*
“Hello?” saad ni Theo ng sagotin niya ang tawag kasalukuyan siyang nag bibihis noon ng maka tanggap siya ng tawag, hindi niya sana ito sasagutin pero ng makita niya ang pangalan ng caller, si Gabb ay agad niya itong sinagot
Noong lunes pa ang huli nilang pag uusap at hindi pa naging maganda iyun hindi pa rin siya nakakabisita sa anak niya.
“hello Ashtan, pwede ba tayong mag kita? May kailangan lamang akong sabihin sayo” narinig niyang saad nito sa kabilang linya, nangunot ang noo niya dahil parang paos ang boses nito
“i'm sorry gabb, may usapan kasi kami ni Stephanie na lalabas ngayon, siguro later na lang?” tugon niya dito
“per—o” hirit pa ni Gabb sa kabilang linya
“bye” saad niya at saka binaba ang tawag
Sakto naman na tumawag si Stephanie na kanyang kasintahan
“hello, on the way na ako, sige i love you too” tugon niya at saka mabilis na binaba ang tawag at saka mabilis na sinuot ang kanyang damit at saka patakbong lumabas ng kanyang condo hangang sa maka rating ito sa kanyang kotse.
Ilang minuto rin naman ay naka rating na rin siya sa kanilang tagpuan at doon rin niya nakita ang kanyang kasintahan na nakaupo, medyo nahiya siya sa kanyang sarili mas nauna pa ang babaeng dumating sa kanya
“i’m sorry, kanina ka pa ba?” tanong niya sa dalaga ng makalapit siya, humalik pa siya sa dalaga bago ito tumugon sa tanong niya
“nah, actually kakarating ko lang din” mahinahong sagot sa kanya ng dalaga
“naka order ka na ba?” tanong na lang niya sa dalaga
“hindi pa” kagat labing saad ng dalaga, hindi pa ito umoorder dahil baka hindi dumating si Theon, wala siyang pambayad kapag nag kataon, hindi naman siya mayaman katulad ng kanyang kasintahan
“waiter” saad ni Theon sabay taas ng kanyang kamay
“anong gusto mo?” tanong ni Theon sa kasintahan
“kung ano na lamang ang sayo” mahinhin na tugon ng dalaga sa kanya
_
“isesend ko na lamang sa Bank account mo” nakangiting saad ni Theon sa kasintahan nag sabi kasi ito sa kanya na kung maari ay makahiram ulit ito ng pera dahil nasa hospital ang lolo ng dalaga
“salamat talaga Theon, thank you” nakangiting saad ng dalaga sabay halik sa pisnge nito
“wala 'yun para saan pa't naging boyfriend mo ako” nakangiting saad ni Theon sa kasintahan
“may gusto ka pa bang puntahan?” naka ngiting dagdag pa nito
“ahm sa mall sana” tugon ng dalaga dito
“sige sa mall tayo”
Samantalang, kasalukuyang nasa isang park si Gabb, naka tanaw sa kawalan, hindi niya alam kung anong pag subok ang ibinigay sa kanya ng Diyos, napapatanong na lamang tuloy siya sa kanyang sarili na 'ganun na ba ako kasama? para parusahan ako ng Diyos?'
napaiyak na lamang siya hindi niya alam kung saan siya kukuha ng pera naisip niyang ibenta ang kanyang lamang loob o kaya ang kanyang sarili, ngunit sino namang bibili?
“mukhang malalim ang iniisip mo?” saad ng lalaking bagong dating na naupo sa may tabi niya saglit niya itong tinapunan ng tingin at saka muling tumingin sa kawalan
“may problema ba?” dagdag na tanong pa nito
“pautang ako” wala sa sariling saad ni Gabb
“huh?” tanong ng lalaking nag ngangalang Kevin
“pautang ako” pag uulit ni Gabb sa una niyang sinabi
“mag kano naman?” tanong pa ni Kevin sabay kamot sa kanyang ulo
“600k” mabilis na sagot ni Gabb
“ano?” gulat na saad ni Kevin halos mahulog na ito sa kanyang kinauupuan dahil sa gulat
“wala akong ganung kalaking pera, mapapautang kita pero hanggang 50k lamang” saad ni Kevin sa kanya, hindi rin naman kasi kayamanan si Kevin kaya hindi niya talaga mapapahiram si Gabb
“sige okay na 'yun, salamat” saad ni Gabb sabay yakap kay Kevin, kinilig naman ang binata
A/n: hellooo guys sorry sobrang tagal ng update sobrang busy lang din kasi sorry din medyo magulo ang chapter na ito, forda lutang ang ferson kasi. Hehehe
BINABASA MO ANG
HE GOT ME PREGNANT | [B×B|Ongoing X Slow Update]
RomanceAng sabi nila mahirap daw maging isang ama dahil ito ang nagiging haligi ng isang, ganun din ang pagiging ina na nagiging isang ilaw ng tahanan pero ang mas mahirap sa lahat ay tumayo kang ama at ina sa anak mo 'yan ang ginawa ni Gabb Riel, sa kabil...