chapter 8

1.6K 102 3
                                    

~*~

Kinabukasan, balisang nag paalam si Gabb sa ina, humalik muna siya sa pisnge ng anak na natutulog bago siya tuluyang lumabas ng kanilang bahay at mag abang nag masasakyan

Balisang balisa siya, wala rin siyang tulog kakaisip sa kanyang bracelet na nawawala, kagabi niya lamang ito napansin ng mag punta siya sa kwarto para mag pahinga, nang na patingin siya sa kaliwa niyang kamay ay wala ang ang kanyang bracelet na iniregalo ng isa sa mga importanteng tao sa buhay niya, si Zach ang kanyang kababata na naging ka M.u rin niya, bago lumipat ng lugar na matitirhan sila zach ay ibinigay nito ang bracelet na pinag kakaingatan niya, at ngayon nga ay nawawala ito.

Nang makarating siya sa school ay lakad takbo ang kanyang ginawa para mag tungo sa una niyang klase, nag babakasakaling nakita ito ng kanyang mga kaibigan

"Good morning" bati sa kanya ni Bea ng makapasok siya ng classroom

"Good morning din, si kevin?" tanong niya sa dalaga, si Kevin lang naman kasi ang kasabay niyang bumaba sa rooftop kahapon, baka napulot ito ng binata at nakalimutan lamang isauli sa kanya

"Ako ang nandito, si Kevin ang hinahanap mo" pag dradrama ng kaibigan niya, natawa siya sa inasal ng kaibigan bago siya muling nag salita

"Sira, may itatanong lang ako" sagot niya dito at saka bahagya pang tumawa sa huli

"Hindi ko pa napansin, siguro parating na rin 'yun" saad ni Bea sa kanya, tumango siya dito, ilang saglit lang din naman ay dumating ang binata kaya naman agad itong tinawag ni Bea

"Kevin Lougain, tawag ka ng may crush sayo"  natatawang tawag ni Bea kay Kevin

"Sino?" naka kunot na tanong ni Kevin kay Bea bago umupo sa upuan nito

Ngumuso si Bea at tinuro si Gabb gamit ang nguso

"Tawag mo daw ako?" tanong ni Kevin sa kanya

"May itatanong lang ako, baka may nakita ka kahapon na bracelet" saad niya dito

Umiling ang binata sa kanya, "wala eh" saad ng binata

"Ahh, sige salamat" saad niya dito, umasa pa naman siyang nasa binata ang bracelet niya, hindi na niya alam kung saan pa niya ito hahanapin, ilang saglit pa ay naisip niya ang rooftop, baka doon niya ito nahulog

Tumayo siya kaya agad siyang napuna ng kaibigan na si Bea

"Saan ka pupunta 'teh?" tanong nito sa kanya

"Hahanapin ko lang ang bracelet ko" saad niya sa kaibigan at saka nag madaling nilisan ang silid na 'yun, kailangan niyang mag madali kung doon
nga nahulog ang bracelet niya, baka may mapapunta doon at mapulot ito

patakbo siyang umakyat papunta sa rooftop nang makarating ay agad siyang nag tungo kung saan sila nag usap ni Theon

Busy siya sa kakahanap ng may biglang nag salita sa likuran niya

"Ito ba ang hinahanap mo?" tanong ng lalaki sa kanya, agad siyang napaharap ng makilala niya ang boses, si Theon ang nasa likuran niya

Pag kaharap niya ay hindi nga siya nag kamali, si Theon ito

Kinunutan niya ng noo ang binatang kaharap, "anong sabi mo?" tanong niya dito, hindi niya kasi ito masyadong narinig dahil sa nagulat siya sa boses nito

"Sabi ko kako kung ito ba ang hinahanap mo?" pag uulit ni Theon sabay taas ng kamay na may hawak na bracelet

tiningnan niya ang kamay nitong may hawak na bracelet, tumango siya ng makilala ito

"Oum, 'yan nga" saad niya at saka agad na kinuha ang bracelet nang iabot ito ng binata sa kanya

"Paano napunta sayo 'to?" tanong niya sa binata habang sinusuri ang bracelet niya, sira ang lock nito kaya naman pala nahulog ito sa kanya

"Napulot ko ng itinapon mo sa akin 'yung pera" saad sa kanya ng binata naka ramdam siya ng hiya dito.

"Sorry" saad niya dito

"Okay lang" saad sa kanya ng binata, ilang saglit silang natahimik, hindi siya maka alis sa puwesto niya dahil hindi niya alam kung paano siya mag papa alam sa binatang kaharap, hindi niya alam kung paano niya tataposin ang pag uusap niya, at saka ramdam din niya na may gustong sabihin ang binatang kaharap niya kaya lalong hindi muna siya umalis

Maya maya pa ay narinig niya ang pag tikhim ng kaharap niya bago niya marinig ang boses nito

"Mukhang importante sayo ang bracelet na 'yan" tanong sa kanya ng binata dahilan para matatango siya, tama ito importante para sa kanya ang bracelet dahil importante sa kanya ang nag bigay nito sa kanya

"Ahh Oo, ibinigay sa akin 'to ng kababata ko" sagot niya dito, tumango ang binata sa kanya

"I see"

"Ahm, sige una na ako, salamat ulit" saad niya sa binata at saka mabilis na tumakbo pababa ng rooftop, ewan ba niya simula ng inamin niya sa binata na may anak sila ay kinakabahan siya kapag kaharap niya ito

Nang makarating sa room ay agad na sinalubong siya ng tanong ng kaibihan

"Gaga ka 'teh saan ka ba galing?" tanong ni Bea sa kanya at saka bahagya pa siyang pinalo sa braso

"Hinanap ko lang ang bracelet ko" saad niya dito sabay pakita ng bracelet niya, sinabi naman niya sa kaibigan kanina bago siya umalis sa classroom na hahanapin niya ang bracelet niya tapos ito babatohin siya ng mga tanong

"Buti nakita mo" saad na lang sa kanya ni Bea

"Oo nga e, napakahalaga pa naman nito sa akin" saad niya sa kaibigan at saka niya nilagay sa loob ng bag niya ang bracelet, pag karating niya mamaya sa bahay ay ipapayos niya ito sa kanyang papa, may alam kasi ang kanyang ama sa mga pag rerepair

"Sino nga ulit nag bigay sayo n'yan?" pag uusisa sa kanya ng kaibigan

"Ahh si Zach, 'yung kakabata ko" sagot niya sa kaibigan

"Ahh, akala ko bigay ni Kevin" natatawag saad sa kanya ng kaibigan

"Gaga!" saad niya sabay palo sa braso nito, nagagaya na siya sa kaibigan na kapag masaya o nagugulat ay namamalo.

Lumipas ang mga oras heto siya nag lalakad pauwi sa kanilang bahay, naisip niyang mag lakad na lang, plano rin niya kasi mag hanap ng trabaho, maliit lang ang sinasahod ng kanyang ama mula sa pagiging karpentero habang ang kanya namang ina ay nasa bahay lang pag minsan ay kumukuha ng mga labahin sa kapitbahay.

Napatigil siya sa pag lalakad ng mapatingin siya sa isang coffe shop na nag hahanap ng waiter

"Z's Cafe" mahina niyang basa sa pangalan ng coffe shop, napangiti siya ito na 'yun.

A/n: boring ang chapter na 'to pero sinulat ko pa rin kasi tingin ko kailangan para sa pag pasok ng bagong karakter.

HE GOT ME PREGNANT | [B×B|Ongoing X Slow Update]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon