~*~Isang malawak na ngiti ang pinakawalan ni Gabb ng magising ito mula sa mahimbing napagkakatulog, napaka special ng araw na ito para sa kanya, April 2 araw kung saan isinilang niya ang isang anghel, araw kung saan isinilang niya si Gael, ang kanyang anak
Maingat siyang bumangon mula sa pag kakahiga, baka kasi maka gawa siya ng ingay na magiging dahilan para magising ang kanyang anak, marahan pa siyang humalik sa noo ng anak bago tuluyang lumabas sa kanilang kwarto, iniwan niya lamang na bukas ang pintuan para kung sa kasakaling magising ang kanyang anak ay agad niyang mapupuntahan at marinig agad kung sakali mang umiyak naman ito
Buti na lamang talaga at pinayagan na sila Gabb na lumabas ng hospital si Gael , sabi naman ng doctor ay maayos at hindi pa ganun ka lala o kalaki ang butas ng puso ng bata, ang payo na lamang ng doctor ay wag masyadong papagodin at gugulatin ang bata, nang malaman nga ng doctor ang nalalapit na kaarawan ng bata ay sinabihan sila nito na kung maaari ay wag pa excitedin ang bata, o ano mang emosyon na maaring maging dahilan para mahirapan itong huminga
Nag tungo lamang si Gabb kung nasaan ang lababo, balak niyang mag mumog ng sa ganun ay mapag kape na siya at magawa ang mga dapat gawin, sa pag pasok niya sa loob ng kusina ay naabutan niya ang kanyang ina na busy sa pag aayos ng mga rekado, hindi naman na sila hapos sa oras dahil nakapag luto na sila kagabi, sa tulog ng mga kapit bahay at kumare't kumpare ng kanyang mga magulang, ay maayos naman nilang nagawa at naluto ang dapat lutuin, buti na lamang ay binayanihan sila ng mga mababait nilang kapitbahay
“Gabb, ba't hindi ka pa naliligo?” tanong ng ina niya at marahan na tumingin sa relo na sout“mamaya maya ay pupunta pa tayo sa Simbahan diba?” pag papatuloy na tanong ng ina niya sa kanya, bukod kasi sa kaarawan ng kanyang anak e binyag din niya, naisip ni Gabb na pag sabayin na lamang para hindi na ganun kagastos, ang plano nga niyang magarbong hadaan ay hindi niya na lamang itinuloy sa halip itinago na lamang niya ito para sa kalusugan ng anak
“mamaya maya po ma, mag kakape po muna ako at saka po ako na po ang mag tutuloy ng ginagawa nyo, mauna rin po kayong maligo” sagot niya sa ina niya habang kumakaha ng baso para lagyan ng tubig na gagamitin niya sa pag mumumog
“hala't mabuti pa nga, umangang umaga ay ako'y lagkit na lagkit na” saad ng kanyang ina bago ito tumayo mula sa pag kaka upo nito, napangiti si Gabb pansin nga ni Gabb na lagkit na lagkit na ito sa kanyang katawan
“tulog pa ba ang apo ko?” pahabol pa nitong tanong sa kanya
“opo, hindi ko po muna ginising baka makatulog sa mesa” saad ni Gabb sa ina
Matapos ang pag uusap nila mag ina ay tuluyan na ngang umalis ang mama ni Gabb para mag tungo sa Kwarto nito para mag handa ng susuotin pag katapos nun ay tuluyan na itong nag tungo sa banyo para maligo
Samantalang si Gabb naman ay agad na nag timpla ng kape, nang matapos ay naupo ito sa inupoan ng kanyang ina para ipag patuloy ang ginagawa ng ina niya
~•~
Sakay ng tricycle ay pumaba si Gabb at ang kanyang mga magulang sa harap ng Simbahan, sinilip muna ni Gabb ang kanyang cell phone para tingnan kung nag reply na ba si Theon sa text niya kahapon na kung maari ay mag tungo sa simbahan para sa binyag ng anak nila, alam naman ni Theon na Birthday ng anak nila dahil noong minsa na tinanong siya nito kung kailan ang Birthday ni Gael ay sinagot naman niya ito ng maayos na April two ang Birthday nito, hindi lamang alam ni Gabb na baka limot na ito ng binata
Napabuntong hininga na lamang si Gabb bago tuluyang pumasok sa simbahan dahil maya maya pa ay mag sisimula na ang mesa
Hanggang sa matapos na ang mesa ay wala pa ring natatanggap na reply si Gabb nanlumo siya wala man lang bang pakealam si Theon kay Gael kahit na alam na nito na tunay niyang anak ang bata, ang naitanong na lamang ni Gabb sa sarili
Tatlong bata ang bibinyagan at pangatlo pa si Gael kaya naman naisip ni Gabb na baka maka habol pa si Theon, pinabuhat ni Gabb sa mama niya si Gael, dahil balak niya munang lumabas ng simbahan para tawagan si Theon
Nang makalabas nga ito ay agad niyang tinawagan ang binata, naka ilang tawag ito dito ngunit nag riring lamang ang cell phone nito, napa buntong hininga na lamang si Gabb, siguro nga ay walang balak pumunta ang binata, ano pa nga ba ang aasahan ni Gabb sa isang Theon?
Sa huli ay napag pasyahan na lamang ni Gabb na bumalik na lamang sa loob ng simbahan, sakto naman na tapos ng binyagan ang unang bata, lumipas ang ilang minuto ay si Gael na ang bibinyagan hanggang ngayon ay wala pa rin si Theon kaya napa iling na lamang ito, ginala niya ang kanyang paningin hanggang sa makita ng dalawa niyang mata ang tumatakbong lalakibpalapit sa pwesto nila, ang papa niya.
Samantalang inis na napahampas si Theon sa kanyang manibela dahil hindi umusad ang mga sasakyan medyo tirik na rin kasi ang araw, dapat ay kanina pa siya sa kanyang pupuntahan ngunit dumaan muna ito sa bahay nila Gabb para ayosin ang mga pina deliver niya mga pag kain para sa Birthday ng kanyang anak, nang dumating nga siya doon ay naabutan niya ang mga kapitbahay nila Gabb na nag babayanihan sa pag luluto at pag aayos, lumapit si Theon sa ama ni Gabb na kasalukuyang nag paiwan sa bahay para mag ayos
Nag mano siya dito at saka ito kinausap at kinausap na nag padala ito ng tao para ayosin ang darausan ng Birthday at binyag ng kanyang anak
Inaya pa niyang sumama ang papa ni Gabb patungo sa simabahan sinabi na lamang ng binata na ang mga tauhan na lamang niya ang mag aayos doon, pumayag naman ito sa paunlak ng binata, nang makapag bihis ang ama ni Gabb ay agad na rin silang umalis
“hijo” saad ng ama ni Gabb, tumingin siya dito nakalimutan ni Theon na kasama pala niya ang ama ng ina ng kanyang anak
Tumingin si Theon dito at saka tumingin sa kalsada na ngayon ay umuusad na kaya naman agad niya itong pinaandar
Nang makarating nga sila sa Simbahan ay pinauna na muna ni Theon ang ama ni Gabb dahil ipaparking pa niya ang kanyang sasakyan
~•~
“sino hong kasama nyo pa?” ang tanong niya sa kanyang ama hindi naman ito sumangot sa kanya sa halip ay nakangiting tumingin lamang ito sa labas ng pintuan ng Simbahan, napatingin si Gabb dito at doon niya nakita ang tumatakbong lalaki, si Theon ang ama ng kanyang anak na buong akala niya ay nakalimutan na nito ang kaarawan ng kanilang anak, sa hindi mapaliwag na dahilan ay napangiti na lamang si Gabb
“soryy late ako” saad ni Theon ng makalapit sa pwesto niya, natauhan naman si Gabb
“okay lang” namumulang sagot niya sa binata hindi man nito naabutan ang lag bubuhos sa anak ay ang mahalaga pa rin ay pumunta ito sa binyag ng anak, inabot ng ina ni Gabb si Gael, Picture picture daw, nag picture picture nga sila hanggang sa inutos ng ama ni Gabb na mag picture silang tatlo, si Gabb, Gae at Theon
Buong akala ni Gabb ay tatangi ang binata ngunit ito pa ang kusang lumapit sa kanya at saka humawak sa bewang niya, kaya pilit na ngiti na lamang ang naibigay ni Gabb dahil sa pag kabigla
BINABASA MO ANG
HE GOT ME PREGNANT | [B×B|Ongoing X Slow Update]
RomanceAng sabi nila mahirap daw maging isang ama dahil ito ang nagiging haligi ng isang, ganun din ang pagiging ina na nagiging isang ilaw ng tahanan pero ang mas mahirap sa lahat ay tumayo kang ama at ina sa anak mo 'yan ang ginawa ni Gabb Riel, sa kabil...