~*~
“ma? nandito na po ako” may kalakasang saad ni Gabb ng makarating siya sa loob ng bahay nila, kasalukuyan niyang hinuhubad ang kanyang sapatos na sout
“ma?” muli pa niyang pag tawag dito ng hindi siya makakuha ng tugon, karaniwang namang uwi niya ng ganong oras ay laging gising ang ina, dahil alam nito ang oras ng pag uwi niya.
Nang matapos sa pag tatanggal sa kanyang sapatos ay agad siyang nag tungo sa kusina nag babakasakaling nandun ang mama niya, ngunit bigo siyang matagpuan ito doon
Kaya naman sinunod niyang pinuntahan ay ang kwarto ng mga magulang niya, nadaanan pa niya ang kuna ng anak
Nakaramdam siya ng kaba sa kadahilang wala siyang naririnig na kahit anong ingay tulad na lamang ng electric fan
Nangunot ang noo ni Gabb kasabay ng malakas na pag tibok ng kanyang puso ng buksan niya ang pintuan ng kanyang mga magulang, wala ang kanyang mama at papa maging ang kanyang anak sa loob, nag mamadaling pumunta siya sa kanyang kwarto nag babakasaling andun ito ngunit muli ay wala ito dito, kaya naman nag mamadali siyang lumabas ng bahay kahit na may kadiliman dahil alas dose na ng umaga, kahit na imposible ay iniisip pa rin ni Gabb na baka lumabas lang ang mga ito. halos libutin na ni Gabb ang palibot ng kanilang bahay ngunit bigo pa rin siyang makita ang kanyang ina. alas dose ng madaling araw, wala maging ang kanyang ama pati na rin ang kanyang anak na si Gabb, kung may importante naman ang mga itong pupuntahan ay hindi naman ng mga ito nakakalimutan na mag iwan ng notes o mag text at tumawag sa kanya.
Muli ay naisipan niyang pumasok sa loob ng kanilang bahay para kunin ang kanyang cell phone nang sa ganun ay matawagan niya ang kanyang ina
Nag mamadaling kinuha at tinawagan niya ang kanyang ina, ramdam niya ang panginginig ng kanyang kamay, na prapraning na siya, ganun talaga si Gabb pag dating sa anak niya.
Halos mapa mura si Gabb ng hindi ito sinasagot ng mama niya, paikot ikot na siya sa kanyang pwesto habang hawak hawak pa rin ang kanyang cell phone, gusto niyang sumigaw dahil sa kanyang mga iniisip, hindi siya mapakali, sino ba naman ang mapapanatag kung hindi mo alam kong bakit wala sa bahay niyo ang mga magulang mo o ang anak mo, ang malala pa ay sa alas dose ng umaga?
Natigilan lamang siya ng biglang nag ring ang hawak niyang cell phone kaya naman dali dali niya itong sinagot
“Hello?” tanong ni Gabb, halata sa boses nito ang panginginig, bahagya pa siyang tumingin sa screen ng cell phone niya para malamaan kong sino ang caller
“H-Hello ma?” pag tawag pa niya sa ka bilang linya, nang makilala niya kung sino ang tumatawag
“hello nak?-” bati ng ina sa kabilang linya ngunit naputol ito ng muling mag salita si Gabb
“nasaan po ba kayo ma?” may kalakasan man ang boses ni Gabb e halata mo pa rin ang respeto nito sa kausap
“nandito kami sa Hospital” tugon ng ina ni Gabb sa kanya, saglit na natigilan si Gabb hindi agad na propeso ang sinabi ng kanyang ina, nang makabawi ay agad niya itong tinanong kung saang opistal ang mga ito
“saang ospital ma?” tarantang tanong ni Gabb sa ina.
“sa Doctors..” tugon ng ina sa kabilang linya kasunod noon ay narinig na lamang ni Gabb ang ibang boses sa sa kabilang linya, siguro ay kinakausap na ng doctor ang kanyang ina
Dali dali kumilos si Gabb dinampot niya lamang ang bag niya kanina at saka nag mamadaling muling sinout ang hinubad na sapatos.
Nang makarating sa Doctor Hospital ay agad na sumalubong ang kanyang ama, agad siyang lumapit dito
“pa, ano pong nag yare?” tanong niya sa ama ng makalapit ngunit na sa halip na sagotin siya ng ama ay tinapik lamang siya nito sa balikat at saka inayang pumasok sa nasabing hospital, ang sabi lamang nito sa kanya ay sa mama na lamang niya tanongin ang nang yare, kaya naman mas lalong kinabahan si Gabb, dahil sa iniisip na hindi ang mama o ang papa niya ang na ospital ay baka ang kanyang anak, pakiramdam niya ay maiiyak siya sa kanyang iniisip
“ma” saad niya ng makarating sila sa labas ng room nandun ang kanyang ina at kakalabas lamang ng pintuan
“anong nag yare?” tanong niya sa ina, agad naman siyang niyakap nito sabay sabing
“si Gael, ang apo ko” kasabay noon ay ang pag tatangis ng ina ni Gabb
“ma, anong nag yare kay Gael, ma?” hindi niya maiwasang hindi maiyak ng makumpirma niya na ang kanyang anak ang nasa ospital, at base na lamang sa reaksyon ng ina ay hindi basta basta lamang ang dahilan kung bakit ito na ospital
“habang natutulog kami kanina ay narinig ko ang pag iyak ni Gael, kaya naman agad akong bumangon para kunin ito at timplahan ng gatas ngunit kahit anong pag papatahan ko ay hindi ito tumitigil sa pag iyak, hanggang sa mapansin ko na lamang ang pangingitim ng labi nito, sinubukan ko pang aloin si Gael ngunit kahit anong pag aalo ko ay hindi ito tumigil hanggang sa bigla na lamang itong nawalan ng malay kaya naman agad naming tinakbo si Gael sa Ospital.” pag kwekwento ng ina ni Gabb, napa upo na lamang si Gabb, sinisisi niya ang kanyang sarili kung nandun lamang siya nang mag yare iyon marahil kahit paano ay mapatahan niya ito, napasabot na lamang siya sa kanyang sarili pakiramdam niya ay wala siyang kwentang ama / ina sa kanyang anak.
“kamusta po ngayon si Gael ma?, Okay na po ba siya?” saad ni Gabb sa ina at saka mabilis na tumayo para buksan ang pintuan ng kwarto ng anak at doon niya lamang nabasa ang nakalagay doon ICU, ramdam niya ang panginginig ng kanyang katawan, bubuksan na sana niya ang pintuan ng pigilan siya ng ina sabay abot ng isang kasoutan na pang ospital, nanginginig ang kamay na sinout niya ito, ng matapos siya at maisout ang facemask ay agad na niya itong binuksan, tumingin pa siya sa ina bago tuluyang pumasok sa nasabing kwarto, hindi na sumunod ang kanyang ina sa kadahilanan na isang tao lamang ang maaring pumasok sa kwartong iyon.
Napatakip na lamang si Gabb sa kanyang bibig ng makita niya ang kalagayan ng kanyang anak, parang kanina lamang ng iwan niya ito ay maayos pa naman ang lagay nito, ngunit ngayon halos hindi na ito makilala dahil naka Dextrose at may oxygen na nakalagay sa bibig nito para tulungan itong maka hinga, lumapit siya sa anak, nanginginig ang kamay niyang pinatong sa higaan ng anak
“a-anak” halos walang boses na saad ni Gabb sa anak, marahan niyang hinaplos ang ulo nito, mahina siyang napa hikbi sa kadahilanang baka magising niya ang kanyang anak
“Gael, anak ko” bulong niya dito, ilang saglit lang naman ay naramdaman niya ang pag galaw ng anak niya
“Da—” hindi na natuloy ang sasabibin ng anak ng pigilan ito ni Gabb, pinigilan din niya ang balak na pag tayo nito, dahil ayaw niyang mapagod o mabigla ang katawan ng anak
Akmang iiyak na ang anak niya dahil gustong mag pabuhat, ay agad niyang inalo ang anak habang marahang hinahaplos ang ulo ng anak
“shh, baby it's okay..” saad niya sa anak at saka niya hinawakan ang kamay nito para pakalmahin
Nasa ganun silang tagpo ng biglang bumukas ang pinto at niluwa nito ang lalaking naka sout ng puting uniporme, may naka lagay din na Stetoscope sa leeg nito, kung hindi siya nag kakamali ay ito ang doctor ng anak niya
“Good morning Mr, ikaw ba ang magulang ng batang ito?" tanong ng doctor sa kanya, marahan siyang tumango sa tanong ng Doctor
“Ano po bang sakit ng anak ko doc?” kinakabahan niyang tanong sa Doctor
“base po sa mga test na sinagawa namin sa anak niyo, napag alaman po namin na may butas po ang puso ng anak niyo” sagot sa kanya ng doctor, binawi niya ang kamay niyang naka hawak sa anak at saka ito nilagay sa kanyang bibig, para pigilan ang may kalakasan niyang pag hikbi
“kaya po kung makikita nyo ay nangingitim ang labi nito, at kaya rin po ito nawalan ng malay dahil sa kadahilanang hirap itong makahinga..” pag papatuloy na saad ng doctor sa kanya
Ngunit hindi na niya ito masyadong maintidihan dahil ang pansin niya ay naka tuon na lamang sa anak niya ngayon na mahimbing ng natutulog, hindi na muling naka pag salita si Gabb hanggang sa lumabas na lamang ang Doctor.
BINABASA MO ANG
HE GOT ME PREGNANT | [B×B|Ongoing X Slow Update]
RomanceAng sabi nila mahirap daw maging isang ama dahil ito ang nagiging haligi ng isang, ganun din ang pagiging ina na nagiging isang ilaw ng tahanan pero ang mas mahirap sa lahat ay tumayo kang ama at ina sa anak mo 'yan ang ginawa ni Gabb Riel, sa kabil...