chapter 10

1.6K 100 9
                                    

~*~

Kinabukasan agad na nag tungo si Gabb sa Z's cafe, saktong sakto at wala siyang pasok ng araw na 'yun

"Good morning sir" bati sa kanya ng sekyu ng tumapat siya sa pintuan ng Z's cafe

"Good morning din po sir, may nahanap na po ba kayo?" saad niya sa sekyu sabay turo sa isang piraso ng papel na nakadikit sa may pintuan ng Z's cafe

"Ahh wala pa hijo e, bakit mag aapply ka ba?" tanong sa kanya ng sekyu

Bahagyang tumango si Gabb sa sekyu, "opo sana" saad niya at saka siya ngumiti dito

"Ahh ganun ba? sige pumunta ka na lang sa counter hanapin mo si Joyce ng maasikaso ka" nakangiting saad sa kanya ng sekyu

ginantihan naman niya ito ng ngiti at saka siya nag pasalamat dito

"Salamat kuya" pag papasalamat niya sa sekyu at saka siya pumasok sa Z's Cafe na medyo may kalakihan ng kunti wala kasi ang nakita niyang table na pang apatang tao

"Good morning sir" bati sa kanya ng counter ng makalapit siya dito, ngumiti siya dito

"Good morning din po, may nahanap na po ba kayong bagong waiter, mag aapply po sana ako" nakangiti niyang ngiti sa babae kung hindi siya nag kakamali Joyce ang pangalan nito

"Wala pa" saad nito sa kanya at saka binaling ang ulo wari mo'y may hinahanap ito

"Wait, Ian pakisamahan naman 'to kay manager Jho" saad nang babae sa lalaking papalapit sa puwesto nila

"Sige ate Joyce" saad noong Ian ilang saglit pa'y bumaling ito sa kanya

"Mag aapply ka?" tanong nito sa kanya, na kanya namang ikinatango

"Ahh oo" saad niya pag katapos niyang tumango

"Goodluck" saad nito sa kanya.
"Sige kumatok ka na lang dyan sa pinto, iiwan na muna kita medyo marami kasing costumer" saad sa kanya ni Ian na ikinatango niya lamang dito

"Sige, salamat" saad niya dito bago siya nito tuluyang talikuran

Napabuntong hininga siya ng maaiwan siyang mag isa, isa pang malalim na hininga ang pinakalwan niya bago niya katokin ang pintuan

"Pasok, bukas 'yan" narinig niyang saad ng babae sa loob, inayos niya muna ang kanyang sarili bago siya pumasok

Nang makapasok siya ay nakayukong babae ang kanyang nakita tutok na tutok ito sa kanyang laptop

"Good morning po ma'am, mag aapply po sana ako" nahihiya niyang saad sa babaeng nakayuko dahil tutok sa laptop, hindi niya alam ang sasabahin dahil katunayan ay ito ang una niyang trabahong papasokan pero buo naman ang loob niya dahil alam niya sa kanyang sarili na may alam naman siyang mga gawain at saka para saan pa't  nag Tvl-he siya noong highschool kung hindi niya rin naman pala ito gagamitin

"Ate Jhoana?" gulat na naisaad niya ng biglang humarap ang babaeng kanyang kausapa, kilala niya ito

"Gabb?" saad din ng babae sa kanya tulad niya ay bakas din ang gulat sa mukha nito

"Maupo ka" saad nito sa kanya ng makabawi ito sa pang kagulat, agad namang umupo si Gabb sa upuan na tinuro niya

"Mag aapply ka?" tanong ni Jhoana sa kanya, tumango siya dito

"Opo ma'am" saad nito sabay abot ng mga papel na inasikaso niya kahapon, hindi naman ito tinapunan ng pansin ng babae sa halip ay nag salita ito na kanyang ikinagulat

"Tanggap ka na, at saka ate na lang ang itawag mo sa akin" saad nito sa kanya, nahiya naman siya Gabb

"hindi na po ba kailangan ate Jhoana nito?" saad ni Gabb sabay angat ng kamay ng mga papel

"Hindi na kailangan" nakangiting saad sa kanya ni Jhoana

"Thankyou ate" saad niya bago siya lumabas ng silid na 'yun, katunayan ay mag tagal siya doon ng mahigit isang oras dahil nag karoon sila ng kunting kwentohan

Masaya siyang umuwi sa kanila, dahil natanggap siya sa trabaho kahit na wala siyang binigay na kung ano

____

"Sigurado ka na ba d'yan sa desisyon mo anak?" tanong sa kanya ng ina ng makauwi siya sa bahay, agad niya kasing binalita dito na natanggap siya sa trabahong kanyang inapplyan

ngumiti si Gabb sa ina, "opo ma" saad niya sa ina habang karga karga ang anak niya, pinapatulog kasi niya ito

"Kaya mo ba, baka mahirapan ka?" tanong ng mama niya sa kanya, humarap siya dito at saka siya muling ngumiti

"Ma, kaya ko po at saka para din naman po ito kay Gael" sagot niya sa ina at saka siya bahagyang humalik sa anak

"Mawawalan ka lalo ng time sa anak mo" saad ng mama niya sa kanya, alam niyang naiintindihan naman siya ng mama niya pero alam din niyang naawa at iniisip din nito si Gael, napabuntong hininga siya

"Alam ko po ma, pero kailangan ko po talagang mag trabaho at saka may weekends naman po" saad niya sa mama niya

"Ikaw bahala, kamusta naman pala kayo nang tatay ng apo ko?" tanong nito sa kanya, saglit siyang natigilan sa tanong ng mama niya, hindi pa kasi sila ulit nakakapag usap ang huling pag uusap nila ay noong inabot niya ang buhok ni Gael dito para ipadna test, napaisip siya kamusta kaya ang result ng dna?

"Hindi pa po ulit kami nakakapag usap" pag amin niya sa mama niya narinig naman niya ang pag buntong hininga nito, kaya naman naisip niyang bagohin ang usapan nilang mag ina

"Nga po pala ma, nag kita po kami ni ate Jhoana, siya po 'yung manager doon sa sinasabi kong papasokan ko" saad niya sa mama niya para maiba ang kanilang usapan

"Talaga?" halata sa mukha nito ang gulat sa sinabi niya

"Mabuti naman at mapapanatag ako na magiging maayos ka sa trabaho mo" dagdag na saad nito sa kanya, napangiti siya

"Nag kita ba kayo doon ni Zach?" tanong ng mama niya sa kanya

umiling siya dito, "hindi po ma, hindi rin naman ho nabangit sa akin ni ate Jho si Zach" pag amin niya sa mama niya

"Ganun ba? kapag nagkita kayo'y ayain mong pumarine dine sa atin" saad sa kanya ng mama niya, muli siyang napangiti

"Hayaan nyo po ma't pag nag kita kami ay papapuntahin ko dine" saad niya sa mama niya at saka siya napatingin sa anak na karga karga niya na malalim na ang tulog kaya naman napag pasyahan niyang mag paalam na sa mama niya

"Sige po ma, dadalhin ko muna si Gael sa kuwarto" paalam niya sa mama nito na ikinatango naman ng ginang

"Maiinam pa nga, sige na't matulog ka na rin" pananaboy sa kanya ng mama niya

HE GOT ME PREGNANT | [B×B|Ongoing X Slow Update]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon