Chapter 1

226 4 0
                                    

Aria P.O.V

Huminga ako ng malalim bago ko buksan ang coffee shop, panibagong araw na naman upang mag-aral at magtrabaho. Hindi naman ako nagrereklamo dahil sanay na naman ako at medyo na e-enjoy ko naman ito.

"Ang aga-aga nakasimangot ka jan?" Tanong ni Serene. Siya yung may-ari ng coffee shop na ito pero hindi siya katulad ng ibang boss na masyadong masungi at bossy. Kaibigan ang turing niya sa akin at mapagkumbaba siyang tao. Bagay talaga sa kanya yung pangalan niya, calm and peaceful.

Maliit lang yung coffee shop na pinagtratrabahuan ko at kami lang dalawa ni Serene ang nagratrabaho dito. Hindi ganon kalaki ang sweldo pero sakto lang sa akin. Hindi naman kasi ako naghihirap talaga, may nagpapaaral sa akin at nagbibigay ng allowance buwan-buwan. Nagtrabaho lang ako para may income ako kahit konti. Minsan kasi kulang yung allowance at nakakahiya namang humingi ng dagdag.

"Naisip ko lang, kailangan kaya magkakaroon ng plot twist yung buhay ko?" bahagyang natawa naman siya sa sinabi ko. Nakasanayan na namin ito na magkwentuhan habang binubuksan at nag a-arange ng shop.

"Bakit ayaw mo ba nito? Medyo boring pero payapa" napaisip naman ako sa sinabi niya. May point siya pero medyo nakakasawa na kasi eh. Paulit ulit lang yung nangyayari araw araw, bahay-coffeshop-eskwelahan-bahay.

Pagkatapos namin sa aming ginagawa ay, pumwesto na ako sa may casher area. Walang masyadong costumer kasi ang aga pa. Sa umaga ako nagtratrabaho kasi hapon yung sched ko sa school. Magsisimula ang klasi ko ng 1 sa hapon hangang 6. Malapit na din kasi ako grumaduate, 4th year college na ako sa kursong Business Management. OJT ko narin pala sa susunod na linggo, syempre excited ako kasi natanggap ako doon sa isang malaking kompanya.

Ang ganda tignan ng coffee shop ng ganitong oras, payapa at napaka aesthetic din ng design. Sana balang araw magkaroon din ako ng sarili kung negosyo. Hindi naman ganoon kabigat yung buhay ko pero parang may kulang eh. Well nasanay naman ako, I am the exact example of mediocre. Hindi pangit pero di rin maganda, hindi matalino pero di rin bobo at ito pa, marunong lang pero hindi magaling.

"Alam mo wag mo na kasing laliman ang mga bagay-bagay" sabi ni Serene. Well tama naman siya kasi kung ano-ano na naman ang iniisip ko. Kung may paligsahan lang ng sa pag o-overthink, panalo na ako walang duda.

"Hello gorgeous!" napangisi naman ako dahil alam na alam ko kung kaninong boses yun. Sa kaibigan ko na maganda pero makulit at ubod ng kapilyahan.

"Ang aga mo naman mang- istorbo Abbey" kaklasi ko siya at siya lang ang nag-iisang kaibigan ko sa school. Pumupunta siya dito tuwing umaga dahil bored daw siya sa bahay nila at upang mang-istorbo narin sa akin. Madalas niyang trip na makipagharutan kay Serene. Hindi naman siya pinapansin nito at tinatawanan lang.

"Syempre gusto ko makita ang aking mylabs" sagot niya habang nakatingin kay Serene. As always tumawa lang si serene at napailing pero nagtaka kami ng bigla siyang natahimik ng may pumasok na costumer sa coffee shop.

Pati kami ni Abbey ay napatulala ng makita ang isang babae na sobrang ganda. Nakaslacks ito at nakawhite polo. Halatang mayaman at ang bigat ng aura na nakabalot sa kanya. Parang galit? pero bakit naman? Wala naman akong atraso, hala baka silang dalawa?

"Long time no see, my wife" sabi ng babae habang nakatingin kay Serene. Wife? A-ano daw? Nakakakilabot ang boses nito, kaya nanigas kaming tatlo sa kinatayuan namin.

"Stop flirting with my wife kung gusto mo pang mabuhay" Pagbabanta nito kay Abbey. Nakita ko naman na natakot ang kaibigan ko. Pati ako ay napalunok dahil sa kaba. Tiningan ko si Serene at di na ako nagtaka ng doble ang kabang nakita ko sa kanyang mga mata pero nanatili parin siyang kalmado. Jusko paano niya yan nagagawa? Kung ako siguro sa lugar niya kanina pa ako umiyak o tumakbo.

Her Possession Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon