ITMOT 24

398 8 2
                                    

MESSAGE

HINDI na mawala ang ngiti sa kaniyang mga labi habang palabas ng clinic.

Marahan niya hinahaplos ang kaniyang tiyan, kahit hindi pa na man halata ang umbok r'to.

Excited na siya ipaalam kay Xoren na nagdadalang-tao siya.

Mayro'n siya nakasalubong na mag-asawa sa hallway ng hospital. Ang babae ay nakasakay sa wheelchair, habang kalong ang bagong silang na sanggol, sa mga bisig nito.

Samantala, ang lalaki na man ay nasa likuran nila, na siya'ng nagtutulak ng wheelchair.

Makikita mo sa kanilang mga mata at labi, ang labis na kasiyahan bilang bagong magulang.

Na-i-imagine na man niya na gano'n din sila ni Xoren, 'pag nanganak na siya.

Nahihinuha na niya na todo alaga si Xoren sa kanilang mag-ina. Kaya na man sobra galak na siya na malaman ng kasintahan ang good news, baka nga mapauwi kaagad 'to 'pag nalaman na.

She received an international video call, she answered it right away.

“Hello?”

“Hello, dear!” Her bestfriend laughed.

“Baliw!” tawa niya. “Kumusta ka na, bebs?”

“Mukha tatanggapin na yata ako sa langit, bumait na ako d’to. Bantay-sarado ako d’to,   wala na nightlife...gosh! Ang boring d’to bahay at school lang ako d'to...gusto ko na umuwi d’yan.”

“‘Wag ka na umuwi, tahimik na buhay ko nang umalis ka...d'yan ka na lang, sabi mo nga bumait ka na, so ipagpatuloy mo na lang ‘yan...”

Kainis ka...ayaw mo na sa ‘kin, ‘di porket may bago ka kaibigan sina Einstean,  Louise at Anarose...itinatakwil mo na ako.”

Siya’y mahina humalakhak, nakasimangot na ang kaniyang kaibigan. Alam nito ang pakihahalubilo niya sa iba at masaya ang kaniyang kaibigan tungkol d’to.

“I miss you, bebs...kaibigan ko lang sila, but you're my one and only bestfriend.”

“Ah, you're so sweet dear...I miss you, too...and love you.”

“Yucks!”

Nga pala, ano ganap mo ng life mo r’yan?”

“Ahm...” She bit her lower lip. “may boyfriend na ako...”

Ngayon niya lang naamin sa kaibigan ang ukol kay Xoren, kahit na madalas sila mag-usap ng kaniyang bestfriend, simula ng pag-alis n’to.

“What?! Omg!” kinikilig na bulalas ni Fea. “Who’s that malas guy?”

“Si Xoren...”

“Omg! Omg! Acy! Really!” Hindi na maawat kasisigaw ang kaniyang bestfriend. Dalaga...at tao ka na bebs. I'm so proud of you. Gaga ka, marunong ka na lumandi. Stay strong sa inyo!”

“Salamat, bebs,” tugon niya sa huli phrase na sinabi ni Fea. “Sige na, bye...may sasabihin pa sana ako, kaso pag-uwi mo na lang... naiirita na kasi ako sa boses mo.”

“Hoy! Ano nga?! Gaga hindi ako makapuslit na makauwi ng Pinas, hawak ni grandma ang passport at pera ko...h'wag mo ako bitinin sa chismis...ano nga sasabihin mo?”

IN THE MIDST OF TEMPESTTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon