NICHOLAS ONG
"WHAT?! Tama nga ang nakikita ko! Demonyo talaga ang taong yun! Wag kang mag-alala, besh, kakarmahin din yang asawa mo. Saan ka ba natulog kagabi? Sana tumawag ka sa akin," pag-aalala ni Lea.
"Nagmamadali kasi akong umalis kagabi, kaya naiwan ko ang cellphone ko sa bag. Buti na lang, tinulungan ako ni Milo."
"Sino ba yang Milo na yan? Pangalang aso naman yan, aso ba yan?"
"Hindi, si Milo William."
"Milo William? Sandali lang, yung William na sinasabi mo, kapatid ba yan ni Marcus William, yung pinakamayaman dito sa bansa? At kapatid din ni Martin William, yung mahusay na doktor na may-ari ng malaking ospital dito sa lungsod?"
Tumango ako. "Oo, tinulungan niya ako kagabi. Kapalit nun, magpapanggap akong boyfriend niya."
"Magpapanggap lang ba kayo ni Milo bilang mag-boyfriend, o may iba pa diyan?"
"Actually, nagpanggap din akong buntis, at magpapakasal daw kami ni Milo kapag natapos na siya sa pag-aaral." sabi ko nang matamlay.
"BUNTIS?! IKAW?!" napasigaw si Lea. Buti na lang nasa bahay kami, kung nasa labas pa kami, siguradong mapapahiya ako.
Napakamot ako sa batok. "Oo, pero impossible naman yun, diba? May nakita ka bang lalaking nabuntis?"
"Oo, meron!"
"Sino?"
"Si Christian Sebastian, sa TV! Trending nga siya eh. Saan ka ba galing at hindi mo alam yun?" sagot ni Lea, medyo may halong taray.
"Talaga? Hindi kasi ako naniniwala."
"Tungkol diyan sa fake boyfriend mo... Ayon sa mga chismis, may kapatid daw siyang mafia. Pwede mong ipapatay asawa mo para solved ka na sa problema mo."
"Sa tingin mo, sasaya ako nang hindi man lang siya nagdurusa? Gusto ko siyang makitang maghihirap—yung gagapang siya pabalik sa akin," sagot ko, nag-aapoy sa galit.
"Lea, kailangan kong asikasuhin ang annulment namin ni Richard. Paano ko ba sisimulan? Tiyak na pag nakita niya ako, isusumbong niya ako sa pulis dahil sa attempted murder. Ayoko sa kulungan, ang bagsak ko!" napakagat ako sa aking labi sa takot."Kausapin mo muna si Milo tungkol diyan. Baka may matulong siya sa'yo, diba mayaman naman siya? Pag nakita ka niya sa TV, talagang susugurin ka ni Richard, at malalaman pa ng kuya ni Milo na may asawa ka at hindi pa diborsyado."
"Tama ka. Sige, uuwi muna ako." Kaya nagmadali akong umuwi at hinalikan ko si Lea sa pisngi.
Pagdating sa bahay, nag-iisip ako kung paano ko sisimulan ang annulment. "Grabe, ano ba itong napasukan ko?" bulong ko sa sarili ko habang binuksan ko ang pinto ng kwarto ni Milo. Nasa akin pa rin ang kaba, dala siguro ng hinihingi kong tulong kay Milo. Kailangan ko talagang maayos ang annulment ko kay Richard.
Pagpasok ko, tinawag ko siya, "Milo?" Pero walang sagot. "Milo?" mas malakas kong ulit, at saka ko lang napansin na ang tahimik ng buong kwarto. Tinutok ko ang mata ko sa paligid, at doon ko siya nakita—lumabas siya mula sa kabilang kwarto, basa ang buhok, naka tuwalya pa ibaba lang at walang pang-itaas at may nakita akong malaking ahas na tinatago ni Milo namumula ang mukha ko. Bigla akong natigilan. Hindi ko alam kung paano magre-react. Teka, mag-isip ka, Nic! Yawa ka ba! sabi ko sa sarili ko, pilit na iniwasan ang tinatagong anaconda nito.
Mabilis ang tibok ng puso ko. Parang ang init ng paligid. "S-sorry, hindi ko inaasahan na..." hindi ko natapos ang sasabihin ko dahil nahirapan akong magsalita. Ang nakatatak lang sa utak ko ay ang katawan niya na parang isang modelong walang pakialam na ipinapakita sa akin. Mabilis kong iniiwas ang tingin ko, pero halos imposibleng hindi makita ang lahat ng linya ng katawan niya.
YOU ARE READING
PRETENDING AS A PREGNANT - ( MPREG )
RomanceMARKED MATURE: There are words and scenes that are not appropriate for the minor readers. READ AT YOUR OWN RISK! Ang kwentong ito ay hindi po para sa lahat. This story is about a man who falls in love with a man, sa maikling salita it's about Man...