NICHOLAS ONG
Nagising ako sa ingay ng cellphone sa labas ng kwarto, kaya lumabas ako upang hanapin ito. Doon ko nakita si Milo na nakahandusay sa sahig, doon na siya natulog. Agad akong lumapit para gisingin siya, pero tulog-mantika ito.
Dinampot ko ang cellphone niya at sinagot ang tawag, pero hindi ko inilapit sa tainga ko. Inilagay ko ito sa tainga ni Milo at niloudspeaker ko para marinig niya.
"MILOOOOOOOOO!" Malakas ang sigaw mula sa kabilang linya. Nagulat ako, at pati si Milo ay napabalikwas sa pagkagising. Tatawa sana ako dahil sa itsura niya, pero seryoso siyang tumingin sa akin. Nahuli ko ang sarili kong tumitingin sa hubog ng katawan niya, kaya agad akong napatayo at pumasok sa kwarto.
Ilang sandali lang at narinig ko ang katok niya sa pinto, kaya dali-dali ko itong binuksan.
"Magbihis ka na. Aalis tayo ngayon," sabi niya, na mukhang inaantok pa.
"Pero, Milo, wala akong damit," sagot ko. Suot ko pa rin ang damit ko mula kahapon. Bigla kasi siyang umalis kagabi kaya hindi ko nasabi sa kanya, at ayaw ko ring galawin ang gamit niya kaya nakatulog akong ganito. Tatawagan ko sana ang kaibigan ko, pero naiwan ko ang cellphone at wallet ko sa bahay.
"Take a bath first. I'll just call my stylist," sabi niya, tapos may kinuha siya sa bag at iniabot sa akin. "I haven't used this underwear yet, so sayo na."
"Salamat, Milo."
Pagkatapos kong maligo, wala akong suot pang-itaas, kaya kita ko sa salamin ang katawan ko. May abs naman ako dahil palagi akong nag-e-exercise. Matapos ang sandali ng pag-iisip, lumabas ako ng banyo at nagulat si Milo nang makita ako.
"Isukat mo yan. If it fits, okay na." sabi niya, inilagay ang mga damit sa kama, at saka siya lumabas.
Sinukat ko ang mga damit at tumingin sa salamin, inayos na rin ang buhok at mukha ko. Pakiramdam ko ay ibang tao ako sa bagong bihis ko dahil hindi ako nagsusuot ng ganito.
Nahihiya akong lumabas.
"Uy, Milo, may tinatago ka pala dito. Bakit hindi ko siya kilala?" wika ng kasama ni Milo.
"Ahh, Mamee, si Kuya Nic pala, boyfriend ko, at magpapakasal na kami. Kuya Nic, stylish ko si Mamee."
"Hello!" sabi ko na may ngiti.
"WHAT?!" gulat na sabi ni Mamee, pati ako ay nagulat sa boses niya.
"Buntis siya, Mamee, kaya kailangan ko siyang pakasalan." sagot ni Milo.
"So, naka-move on ka na pala sa first love mo. Good yan! Bet ko yung pinalit mo. Bagay kayong dalawa," sabi niya, halatang kinikilig. "Hay naku naman, ang gwapo ay para lang talaga sa gwapo." malungkot na dugtong niya.
Pumasok si Milo sa kwarto para magbihis.
"Alam mo ba yang si Milo? Patay na patay siya sa ex niya. Mahal na mahal niya ang taong yun. Akala ko nga, 'first love never dies,' eh." sabi ni Mamee.
YOU ARE READING
PRETENDING AS A PREGNANT - ( MPREG )
RomanceMARKED MATURE: There are words and scenes that are not appropriate for the minor readers. READ AT YOUR OWN RISK! Ang kwentong ito ay hindi po para sa lahat. This story is about a man who falls in love with a man, sa maikling salita it's about Man...