Nicholas
"Kompleto na ito—mula one month hanggang nine months!" sabi ni lea habang pinapakita sa akin ang silicone fake belly na binili niya.
" Alam mo, besh, natry ko ngang gamitin 'to nung nag-grocery ako. Akala nila buntis talaga ako, kaya pinapila ako sa priority lane! Hahaha." Baliw talaga, napailing na lang ako at tiningnan ang silicone fake belly sa kanyang kamay. Napangiwi na lang ako habang iniisip kung ano kayang hitsura ko kung isuot ko ito."Kailan ka ba babalik sa restaurant? Dalawang linggo ka nang wala! Alam mo bang hinahanap ka na ng mga tauhan mo?" tanong niya, bahagyang nag-aalala.
"Hindi ko pa alam, Lea. Sa totoo lang, kailangan ko pang ayusin ang mga bagay-bagay sa buhay ko. Pumupunta ba doon si Richard?" tanong ko, kinakabahan sa sagot.
"Yung gagong 'yun? Aba, subukan lang niyang pumasok! Pag nakita ko siya, talagang tatapunan ko ng mainit na tubig sa mukha. Wala akong pakialam kahit makulong ako." sabi niya, galit na galit. Hindi ko maiwasang matawa nang kaunti—si Lea talaga, palaban pagdating sa akin.
"Buti na lang nandito ka, lea salamat." sabi ko habang niyayakap siya. Sobrang nagpapasalamat talaga ako dahil may kaibigan akong katulad niya.
"Walang anuman, ano ka ba! Pero hey, alam mo bang may bago tayong kusinero sa restaurant? At ang gwapo, besh!" sabi niya, may kilig sa boses.
"Sino 'yan? Parang hindi mo nabanggit sa akin. Talaga bang gwapo?" ngiti kong tanong, na curious na rin. Kilala ko si Lea, magaling siyang pumili ng gwapo, pero hindi siya na-impress kay Richard noon.
"Oo, besh! Matangkad, gwapo, maganda ang katawan, tapos magaling magluto. Siya si Chef Gabriel." sagot niya habang nagduduyan ang mga mata sa kilig at parang teenager na kinikilig.
"May bago tayong chef?" tanong ko, nagulat. "Lea, sabi ko di na ako kukuha ng chef! Ang dami ko nang utang kaya ayoko nang magdagdag ng empleyado."
"Ayy, umalis na kasi si Chef Allan! Na-approve na yung Canada visa niya. Pangarap niya talaga 'yun, kaya tuwang-tuwa siya." sagot ni Lea, proud para kay Chef Allan.
"Talaga? Wow, mabuti naman kung ganun! Pangarap na niya 'yun dati pa. Gusto ko ngang makilala yang Chef Gabriel na yan. Baka next week pa ako makakabalik sa restaurant." sabi ko.
"Tsk, ang tagal naman niyan! Ngayon kaya tayo pumunta? Siguradong matutuwa silang makita ka." sabi ni Lea, sabay hila sa kamay ko, nagpupumilit na ihatid ako sa restaurant. Hindi pa ako ready na makita silang lahat, lalo na pagkatapos ng mga nangyari sa akin.
"Wow, besh, may driver ka pala ngayon, ha! Sosyal ka na talaga!" biro ni Lea, natawa.
Napailing na lang ako. "Driver ni Milo 'to, hindi ko talaga driver. Ayoko nga sanang ipahatid, pero ayaw ni Manong Dan na iwanan ako." sagot ko.
Sumakay kami sa sasakyan, at sa daan pa lang, biglang sumagi sa isip ko ang lahat ng masasayang alaala ko sa restaurant. Ang mga araw na wala akong iniisip kundi paano magpapasaya sa mga customer namin, paano pagagandahin ang lugar, paano haharapin ang mga orders. Ngayon, ibang-iba na. Parang may hadlang na ang bawat hakbang ko pabalik doon.
Pagdating namin, nakita ko na agad ang ilang staff na nakatingin mula sa bintana. Nang mabuksan ang pinto ng sasakyan, nagkagulo sila, at tumakbo si Lea papunta sa kanila, masaya at tuwang-tuwa sa muling pagsasama-sama namin.
YOU ARE READING
PRETENDING AS A PREGNANT - ( MPREG )
RomanceMARKED MATURE: There are words and scenes that are not appropriate for the minor readers. READ AT YOUR OWN RISK! Ang kwentong ito ay hindi po para sa lahat. This story is about a man who falls in love with a man, sa maikling salita it's about Man...