Chapter 5

354 19 7
                                    

MILO POV

"Kuya, anong pag-uusapan natin?" tanong niya.

"Itong papel na ito, ikaw ang gagawa ng paraan para mapirmahan niya. Pa-permahan mo sa kanya," sabi ko habang pinakita ang litrato ng asawa ni Kuya Nic. "Gawin mo lang yung ginawa mo dati. Tapos i-send mo sa akin. Wag kang mag-alala, ibibigay ko sa'yo yung mga s*x videos na kasama ng pagpatay mo sa teacher mo." nakangiti kong sabi.

Wala siyang nagawa kundi kunin ang papel. Napangiti ako nang paalis na siya, dala ang dokumentong binigay ko sa kanya.

Umuwi ako dahil kailangan ko pang magpahinga—may plano pa akong gumimik mamaya.

Pagpasok ko sa bahay, nasalubong ko si Kuya Nic. Kita sa mukha niya ang pag-aalala. Naisip ko, bakit nga ba siya ang napili ko? Ang dami niya namang problema.

"Ok na ba? Napirmahan na ba ng hayop na yun?" tanong niya agad.

"Hindi pa. May inutusan lang ako para doon. Nakita ko pala yung ampon mo. Cute pala siya, kaya siguro pinatulan siya ng asawa mo." pang-asar kong sabi.

"Ampon ko lang siya, hindi ko siya tunay na anak. Kung magkakaanak man ako, hindi ko siya itutulad sa batang yun." sagot niya, halatang galit.

"Nagpapatawa ka ba? Ikaw ang nag-alaga sa batang yun, kaya kung nagkaganun siya, may bahagi ka rin sa naging ugali niya. Annulment at attempted murder lang ba ang problema mo? Malapit na akong mag-graduate, kaya malapit na tayong ikasal. Baka diyan lumabas ang totoong mga problema mo."

"Yun lang talaga..."

"Ok, good." sabi ko, at akmang aalis na sana pero pinigilan niya ako.

"Gusto ko siyang makulong, gusto kong magdusa silang dalawa. Alam mo bang pinagdadaanan ko? Lahat ng pag-aari ko binenta ko dahil sa mga utang ng lalaking yun. Tapos nag-doble pa ako ng trabaho para lang sa malaking tuition ng batang yun," humagulhol siya sa harap ko. Napabuntong-hininga ako—ano bang pakialam ko sa drama niya?

"Kung hindi mo kaya, eh di sana hindi mo na lang siya pinag-aral doon." sumbat ko sa kanya.

"Dahil gusto ko maibigay ang magandang buhay para sa kanya. Hindi man siya katalinuhan, at least makapagtapos siya at rerespeto siya ng ibang tao," malungkot niyang sabi.

"Ok na, magpahinga ka nga muna. Wag ka nang umiyak, sayang lang yang mga luha mo. Alam mo bang sesex na yung dalawa ngayon habang ikaw ay nagpapakaawa dito?" Iniwan ko na siya at pumasok na sa kwarto ko.

Kenneth Pov

"Nandito na ba tayo?" tanong ko sa mga kasamahan ko sa basketball.

"Bakit ba natin ito ginagawa? Delikado ito at trespassing pa tayo." sabi ni James, halata ang kaba sa boses.

"Kung hindi natin ito gagawin, lahat tayo malalagot! Di ba mayor ang papa mo? Pag lumabas yung video, patay tayong lahat! Siguradong papatayin ako ni Daddy. Tatakbo siya bilang senador, at ayaw niyang masangkot ako sa gulo." paliwanag ko, iniisip ang magiging epekto sa amin.

"Sino ba yang pupuntahan natin?" tanong ni James, halatang takot na takot.

Pinakita ko ang litrato. Biglang nanlaki ang mga mata niya.

"Dude, lawyer to ni Daddy! Mapapahamak tayo dito. At yung mga tauhan na pinadala natin, loyal sila kay Daddy—tiyak na isusumbong nila tayo!" sabi ni James, nag-aalalang huminga nang malalim. "Alam mo, may pagka-satanas yung tatay ko."

"So lawyer siya?" tanong ni ko sa kanya.

"Oo pare. Siya ang pinagkakatiwalaan ni Daddy. Pag nalaman niya 'to, delikado tayo. Alam niya ang lahat ng pinagagagawa ni Daddy. Atras na lang tayo, hayaan na lang natin yung mga video na hawak ni Kuya Milo." sabi ni James, nanginginig ang boses.

PRETENDING AS A PREGNANT  - ( MPREG )Where stories live. Discover now