Nicholas
"Matutulog na ako, maiwan na kita dito." sabi ni Milo, paakyat ng hagdan. Tiningnan ko lang siya, walang imik.
Hindi pa ako inaantok, kaya naglibot-libot muna ako sa bahay. Habang naglalakad, may napansin akong isang silid na hindi ko pa napuntahan. Palagi kasi akong nasa kusina o umaalis agad kaya hindi pa ako masyadong familiar sa buong bahay. Pumasok ako sa kwarto at pagbukas ko ng pinto, bumungad sa akin ang dami ng alak—may wine, vodka, tequila. Namangha ako sa dami ng koleksyon.
Napahinto ako at napaluha nang makita ko ang isang bote ng alak na pamilyar sa akin. Napangiti ako ng bahagya, kahit may kirot sa dibdib.
"Ito yung iniinom namin ni Dad." bulong ko sa sarili ko. Hindi ko napigilan, kinuha ko ang bote at binuksan ito. Matagal na rin mula nang uminom ako, at tila hindi pa rin ako sanay—unti-unti nang umiikot ang paningin ko. Kasabay ng hilo, biglang tumulo ang mga luha ko.
"Dad... anong gagawin ko? Hic. Sinaktan nila ako. Iniwan mo ba ako kasi ang tanga ko? Hic. Pati si Mommy... iniwan rin ako,." pabulong kong sambit sa hangin. "Masaya na ba kayo diyan? Hic. Kasi ako... hic... hindi. Dad, Mom... kunin niyo na ako, hic... ayoko na dito."
Alam kong hilong-hilo na ako at inaantok na rin, kaya nagpasya akong umakyat at magpahinga. Pagpasok ko sa kwarto, bumungad sa akin ang isang malaking litrato na nakakatuwa—paano nagka-picture ng ganito sa kwarto ko? Natawa ako nang kaunti at nahiga na sa kama. Sa wakas, nakatulog na rin ako.
Biglang narinig ko ang isang boses. "What the f..." Galit na galit ang boses. Naiinis ako, natutulog ang tao eh.
"Bakit nagsasalita ang unan ko?" tanong ko, yakap-yakap pa rin ang unan. Ang sarap kasi nitong yakapin. "Please... inaantok pa ako. Tahimik, hic."
Narinig kong nagsalita ang unan ko ulit. "Kuya Nic, ano ba!"
Ayaw paawat. Napangiti ako, parang kaboses ni Milo ang unan ko. "Ang kulit naman nitong unan ko." pabulong kong sinabi, sabay higpit sa yakap.
MILO
"What the! Ano bang nangyari sa kanya?" napaisip ako habang naaamoy ang hininga ni Kuya Nic. Mukhang nakainom siya.
"Kuya Nic, please let go!" sambit ko, pilit na nilalayo ang sarili. Ngunit aksidenteng natamaan niya ang sensitibong bahagi ko, kaya napamura ako "Sh*t ang junjun ko! Fvck!!" Napangiwi ako sa sakit, lalo na't galit itong tumingin sa akin at bigla na lang pumatong sa akin.
"Ang init," bulong niya, sabay hubad sa harap ko. Kunot-noo ko siyang tiningnan, hindi makapaniwala sa nangyayari. Pagkatapos, niyakap niya ako, tila ba walang pakialam sa paligid. Ramdam ko ang init ng katawan niya at namula na ako. Hinila ko siya sa gilid ng kama, pinilit na huminahon kahit na may nararamdaman akong kakaiba.
"The heck!" napamura ako nang mahina. "Please, Milo, matulog ka na lang." bulong ko sa sarili ko. Nakaharap ako sa kanya habang nakahiga, at napansin kong nakaharap rin siya sa akin. Tahimik na tumulo ang mga luha niya. Pahid ako ng palad sa pisngi niya at marahang sinabi, "Alam kong masakit at mahirap kalimutan, Kuya Nic. Ako rin, nasaktan. Hindi ko alam kung makakaya nating kalimutan sila, kasi ako, hindi ko pa kayang kalimutan."
Kinabukasan, nagising ako sa ingay at nakita ko si Kuya Nic na nahulog sa kama. Gulat siyang tumingin sa akin. "Milo, sorry." bulong niya, sabay labas ng kwarto.
Lumabas din ako at nasalubong ko si Sali.
"Sir, kayo po ba ang uminom kagabi?"
"Bakit?"
"Dapat po tinawagan niyo ako para nakatulong ako. Ito po ang susi, sir, kung gusto niyo pang uminom. Di ko kasi nailock kagabi."
"Bakit mo naman ilolock yun?"
YOU ARE READING
PRETENDING AS A PREGNANT - ( MPREG )
RomanceMARKED MATURE: There are words and scenes that are not appropriate for the minor readers. READ AT YOUR OWN RISK! Ang kwentong ito ay hindi po para sa lahat. This story is about a man who falls in love with a man, sa maikling salita it's about Man...