Chapter 3
"What?" he asked with his furrowed brows.
"What. Wa-wa-wa-wa-wa, watawat.
'Di na magpapa-(what?)-paawat.
Iwawagayway ang watawat!" pagkanta ko bilang sagot sabay takbo palayo."Bakit ka tumatakbo? May tinatakasan ka ba? Hinihingal ka tuloy."
"Wala po, Mommy. Uhm, Ma'am Azcarra, saan po iyong kusina. Nauuhaw po kasi ako."
Itinuro nito iyon at mabilis naman akong nagtungo roon. Namangha ako sa laki ng kusina nila. Madali ko lang namang nahanap ang refrigerator dahil malaki iyon. Binuksan ko ang pinto at bumungad sa akin ang mga pagkain. Pero hindi iyon ang sadya ko rito. Kinuha ko ang glass pitcher at isinara iyon.
"Ay pusa!" Napahawak ang isang kamay ko sa aking dibdib nang bumulaga pagkasarado ko iyong lalake kanina. "Bakit ka naman nanggugulat?"
"I didn't do anything, Miss."
"You scared me. Duh!"
My eyes rolled and walked to the counter top. I placed the glass pitcher on the marble counter and put some water on the clear glass. Good thing it was a purified water.
"What's your name?"
Pumihit ako paharap dito at sumandal sa counter top habang hawak sa isang kamay ang baso.
"Bakit mo tinatanong? Crush mo na 'ko?"
"Assuming."
Napaawang ang bibig ko dahil sa sinabi niya. Wow huh! Sa harap ko pa talaga. Hindi ko alam na ganito pala siya kaprangka.
"I won't tell you my name then. Hmm! Bahala ka d'yan." Nag-marcha ako papunta sa lababo at inilagay roon ang baso.
"Okay."
Natigilan ako nang marinig kung gaano kalungkot ang boses niya at kasunod niyon ay ang paghakbang ng kaniyang paa palayo. Bigla tuloy akong na-guilty. Pumihit ako paharap sa lalakeng nakatalikod sa akin na handa ng lumabas.
"Wait!" Mabilis akong tumakbo palapit dito at pumwesto sa harapan nito.
Tulad ng palagi ay malayo na naman ang tingin nito at wala akong mabasang emosyon sa mukha niya. Basta ang hirap niyang basahin. Huminga muna ako bago inabot ang kamay rito.
"Cazsiopeia Amari Conzego."
I proudly introduced myself with diction and poise. He just stood there and after a while a teasing smile curved on his lips.
"So your nickname is probably... Siopee."
"No, it's not. It's Sofie. So-fie."
"Where's the 'f' sound in Cazsiopeia, Miss? The phoneme is 'f' not 'p'. So it should be Siopee with 'i' vowel sound on the second syllable that emphasizes the 'sh' sound not 's', Miss."
"But my nickname is Sofie. That's how everyone addressed me."
"Siopee."
"Sofie sabi!"
"It's Siopee. Well, it's sounds good naman and... familiar." Naningkit ang mata ko sa sinabi nito at mas lalo lang kumuyom nang mariin ang kamay ko. "Sa Siopee pee-pee-pee-pee. Ang dami-mi-mi-mi-mi. Bumili-li-li-li-li. Sa Siopee!" pagkanta nito at nilampasan ako.
BINABASA MO ANG
Reminiscing the Cold Wind (Conzego Series 3✓)
RomanceSofie, a vet-med student from Conzego College of the South was a huge fan of fairytales and contented with the boys in books. But everything changed when she met Kaezar, a student pilot from Meyer High University. Date Started: June 28, 2022 Date Fi...