Chapter 4: Family Business

32.7K 859 71
                                    





Chapter 4




"Huwag mo na munang problemahin iyang assignment."


"Paanong huwag munang problemahin eh ipapasa na ito ngayon? Tana pa kung papatuladin mo ako eh sa akin ka nga komukopya."


"Naka-leave daw si Ma'am kaya vacant tayo ngayon. Kaya tara na sa cafeteria nang makakain na." Hinatak na ako nito palabas ng classroom.


Hindi pa break time kaya iilan pa lang ang tao sa main cafeteria. Bumili kami ng pagkain at dinala iyon sa table namin. Mas mabuti ng kumain na kami rito ngayon dahil siguradong punuan na mamaya. Palabok ang in-order ko habang spaghetti naman ang kay Jade. Um-order din siya ng cheesy egg sandwich at pineapple juice. Habang ako naman ay may lumpiang gulay at mango juice dahil hindi ako mahilig sa maaasim.


"Bakit natahimik ka? Naalala mo, sis?" tanong nito nang mapansin na nakatitig lang ako sa lumpia.


"Naalala ang ano?"


"Iyong lalakeng nagpabili sa 'yo ng lumpiang gulay dati. Ano na ngang pangalan nun? Kaezar ba?"


"Yeah."


"Kumusta na nga pala kayo nun?"


"Kami? Wala. Hindi na naman kami nagkausap ng lalakeng iyon simula noong lumipad sila pa-America kaya wala akong balita sa kaniya."


"Bakit hindi mo hinanap?"


"I'm not interested. Saka hindi ko nga alam full name niya."


"Pero siya he knows your full name, 'di ba?"


"Oo, bakit?"


"Ay! Hindi ka man lang hinanap kahit sa soc-med. Hayst, kawawa ka naman. Sabi ko sa 'yo eh sa Wattpad na lang talaga iyong may ganiyan na hahanapin ka."


"Sira. Talagang hindi ako hahanapin ng isang iyon. Wala rin namang rason para hanapin namin ang isa't isa. Hindi kami friends ng lalakeng iyon. And we weren't close in the first place. We were just a young teenagers who met in an unexpected time. He was just like other people I met in daily basis."


"Nothing special?"


"Sa Rebisco at Monde Mamon lang mayroong ganoon."


Natawa ito sa sinabi ko. "Kumusta na kaya siya?"


"Ewan ko. Pero sana naging successful ang operation niya. And kung oo man, sigurado ako ngayon na pinu-pursue na niya ang pangarap na maging piloto." Hinalo ko ang juice gamit ang straw.


"Magkikita pa kaya kayo?"


"Kung gugustuhin ng tadhana. Pero ewan ko ba. Sa stories lang yata iyong may mga ganiyan. Mukhang malabo na eh. He had told me na hindi na siya babalik. And that was two years ago na rin. Baka nga limot na ako ng isang iyon."


"Hindi naman siguro."


"Bakit ba natin pinag-uusapan ang tungkol sa lalakeng iyon eh matagal na naman 'yon? Kumain na nga lang tayo. Oh sa 'yo na, 'to." Itinulak ko palapit sa kaniya ang platito kung saan ko inilagay ang giniling na karne ng baboy.


Hindi ko naman kakainin iyon kaya ibinukod ko na. Ngumiti lang siya at bumalik na kami sa pagkain. Nagkuwentuhan pa rin kami pero iba na ang topic. As usual tungkol sa mga binabasa namin ngayon. Nasa kalagitnaan kami ng pagkain nang may tumapik sa balikat ko.


Reminiscing the Cold Wind (Conzego Series 3✓)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon