Chapter 21
DarknessGalene
Ang pangalan niya kaagad ang unang pumasok sa isip ko matapos mabasa iyon. Muli kong tiningnan ang direksyong tinungo niya. Mukha namang imposible. Baka nagkataon lang. Bumuntong hininga ako at isinilid sa bulsa ang panyo.
Naglakad-lakad na lang ako sa tabing dagat, pinagmamasdan ang magandang paligid. Napagaan ng alon ang bigat na nararamdaman ko kahit papaano. Sa aking paglalakad ay dinala ako ng mga paa ko sa resort na malapit dito.
"Aww," daing ko nang may matapakan akong kung anong matalas.
Naupo ako sa bato upang tingnan ang paa ko. Dumudugo na iyon.
"Hija, ayos ka lang?" tanong ng ginang na may suot na apron. Bumaba ang tingin nito sa paa ko. "Naku may sugat ka pala. Halika, roon tayo sa loob. Kailangang magamot iyan." Ikinawit nito ang braso ko sa leeg niya at inalalayan ako.
"Salamat po," sambit ko matapos ako nitong iupo sa kawayang sofa.
"Kukuha lang ako ng gamot."
"What happened here?" tanong ng pamilyar na boses. Hindi nga ako nagkamali dahil nakita ko ang lalake kanina. May nakadikit na phone ito sa tainga. "I'll talk to you later. May emergency lang." Is he pertaining to me. Binaba na nito ang cellphone at ibinulsa iyon. Naglakad siya palapit sa akin upang tingnan ang lagay ko.
"Nanay Roseth, iyong medicine kit po please."
Umalis ang ginang kaya kami na lang ang naiwan. Nakatayo lang ito at ilang segundo akong tinitigan. Medyo nakaramdam ako ng hiya dahil sa suot ko.
"Naglaro ako ng volleyball," sagot ko kahit hindi siya nagtanong. Alam ko naman na iyon din ang nasa isip niya.
Ngumiti lang ito at humatak ng bangkito upang maupo roon. Inabot lang ng babae ang medicine kit tapos ay umalis na rin ito. Hinawakan nito ang binti ko at ipinatong ang paa ko sa ibabaw ng kaniyang hita. "You should be more careful next time," he said softly while cleaning my wound.
Nakatulala lang ako rito, pinapanuod ang kaniyang ginagawa na puno ng pag-iingat. Hindi ako makapaniwala na makikita ko siya ulit. Tinalian nito ng benda ang paa ko matapos magamot ang sugat.
"Salamat. Pasensya na rin naabala ko pa kayo."
"Nah, you're not." Tumayo ito at isinilid ang mga kamay sa bulsa. "You better stay here for a while habang nagpapagaling. You can't walk properly with that."
"Kaya ko naman." Sinubukan kong tumayo at maglakad ngunit nakakadalawang hakbang pa lang ako ay bigla na lamang akong naliay. Muntikan na akong matumba mabuti na lang at naalalayan ako ng lalake.
"I told you." He chuckled sexily. I gasped some air when he carried me in his arms. Mabilis akong napayapos sa leeg nito sa takot na baka mahulog. "You should listen to me next time or else pareho tayong mapapagalitan."
Ipinasok ako nito sa isang kuwarto at maingat na inihiga sa malambot na kama. Gawa sa kawayan at raw materials ang buong resort kaya naman sobrang gaan sa pakiramdam ng paligid. It was giving me a province vibe. He turned on the ceiling fans and managed my pillow after.
"Are you a guest here?" He shook his head. "Staff?"
"Hmm... parang ganoon na rin." Tumayo ito nang tuwid at namulsa. "Kapag may kailangan ka, gamitin mo iyon." Itinuro nito ang telepono sa bedside table.
BINABASA MO ANG
Reminiscing the Cold Wind (Conzego Series 3✓)
DragosteSofie, a vet-med student from Conzego College of the South was a huge fan of fairytales and contented with the boys in books. But everything changed when she met Kaezar, a student pilot from Meyer High University. Date Started: June 28, 2022 Date Fi...