Chapter 17
"I'm sorry... I'm sorry..." paulit-ulit akong humingi ng tawad sa aking sarili. I shouldn't have done that. Sana pala hindi na lang ako p-um-arty nang gabing iyon.
Hindi ko alam kung paano ako lalabas ng campus nang hindi nakikita ng ibang tao. Natatakot ako. Everything was out of my control. Gusto kong mawala iyong video pero wala akong kakayahan para gawin iyon. Hindi na rin ako halos makapag-isip ng tama. Nakarinig ako ng katok na nagpalakas sa kabog ng dibdib ko. Hindi ako umibo at hinintay lang na mapagod ang kumakatok.
"Ate, it's me... Travis." Napatunghay ako nang marinig iyon. "Don't worry I'm alone."
Tumayo ako at nanginginig ang kamay na pinihit ang doorknob. Niyakap niya kaagad ako pagkabukas ng pinto at doon na ako mas napaiyak lalo. Pumasok siya sa loob at ini-locked iyon.
"I'm sorry..." umiiyak kong paghingi ng tawad. We were sitting on the floor leaning our back onto the wall.
"You don't need to say sorry. Wala kang kasalanan, okay?" Pinunas nito ang luha ko. "Iuuwi na kita."
"But you still have class."
"Don't worry nagpaalam na ako sa teacher. They would understand it din naman for sure. Si Mom na ang bahala rito."
Hinubad nito ang jacket na may hood leaving him on his beige shirt underneath. Pinasuot niya iyon sa akin upang maitago ang suot ko na nakita na ng ibang tao kanina, ganoon din ang mukha ko. Binigyan niya rin ako ng facemask at ipinasuot sa akin ang kaniyang specs.
"Wouldn't they recognize me with these?"
"Just act normal. The more you hide yourself, the more you will be suspicious."
Tama siya. Kung tutuusin pwede niyang itaklob sa ulo ko ang jacket upang matakpan ang buong mukha ko at patago akong ilabas ng eskwelahang ito, pero kapag ganoon ay mas makakakuha lang kami ng atensyon dahil para akong kriminal na itinatakas.
"I'm scared. Paano kung makilala nila ako?"
"They won't, Ate. Trust me." He fixed his mask and stood behind me.
He separated my hair into two that made me confuse but later on I got what he was trying to do. He braided my long wavy hair and let it rest on my chest. People know me as someone with wavy hair who loves headbands, but with this kind of hairstyles... they would not recognize me.
"Where did you learn this?" I asked, amazed.
"I watched tutorials." Isinuot sa akin nito ang hood at inayos ang suot ko. "Just pretend like a normal student walking around the campus. Ready?"
"Um." Huminga muna ako bago lumabas kasama siya. Sakto naman na walang tao sa paligid malapit sa restroom. Lumakas ang kabog ng dibdib ko nang marating namin ang mataong corridor. "Travis..."
"May assignment ka na?"
Nagulat ako sa tinanong nito pero kaagad din naman akong nakabawi nang ma-gets iyon. "Oo."
"Pwede patingin? Kukuha lang ako idea."
"Sure."
"Ganda ng jacket mo ah. Saan mo nabili?"
"Aw, thanks. Nabili ko lang online. Ibibigay ko sana sa boyfriend ko kaso nagandahan ako kaya hindi ko na binigay."
Nagkuwentuhan lang kami na parang mga normal na estudyante hanggang sa malampasan namin ang mataong parte. Sa awa naman ng Diyos ay narating namin ang parking lot nang walang nakakakilala sa amin.
BINABASA MO ANG
Reminiscing the Cold Wind (Conzego Series 3✓)
RomanceSofie, a vet-med student from Conzego College of the South was a huge fan of fairytales and contented with the boys in books. But everything changed when she met Kaezar, a student pilot from Meyer High University. Date Started: June 28, 2022 Date Fi...