Chapter 11
"Baby!" bungad ko matapos ako nitong pagbuksan ng pinto.
Gulat na gulat itong napatingin sa akin at bakas sa mukha ang pagtataka. Hindi ko na siya hinintay na mag-respond at direderetso na akong pumasok sa loob dahil may kusa naman akong tao. Inihagis ko ang bag ko at humilata sa sofa na animoy royal blood na nakaupo sa trono.
"What are you doing here?" he asked with a hint of anger in his voice.
"Naniningil," diretsahan kong sagot at kumunot naman ang noo niya. "Hindi ka pa nagbabayad sa akin, remember?"
"You don't need na puntahan ako."
Kinuha nito ang wallet at inabutan ako ng isang daan.
"Wala ka bang barya? Twenty-five lang kailangan ko."
"Just keep the change."
"Yaman naman."
"Get out of my unit."
"Ayoko nga."
"You got what you want. Leave."
"Not yet." Ipinatong ko ang mga paa ko sa center table. "Ganiyan mo ba tratuhin ang bisita mo? Why not ask me?"
"Ask you what?"
"Tea, coffee, juice, or me? Coffee. Ipagtimpla mo ako ng coffee."
"Ayoko." Dinampot nito ang sling bag ko at pinasan ako sa balikat niya.
"Uy gago!" mura ko dahil nakatiwarik ako. Isang maling galaw lang at siguradong ulo ko ang unang tatama sa sahig sa oras na mahulog ako. "Ano ba!" Pinaghahampas ko ang likod niya habang papalabas kami ng unit.
Ibinaba ako nito sa labas tapos ay pumasok na ulit at isinarado ang pinto. Napaawang lang ang bibig ko, hindi makapaniwala na magagawa niya sa akin iyon. Ngunit dahil pinalaki ako ng mga magulang ko na hindi sumusuko, tumayo ako at muling pinindot ang doorbell. Inulit-ulit ko iyon at nilagyan ko pa nga ng beat ng Jingle Bells para mairita siya. Hindi naman ako nabigo dahil ilang saglit pa at bumukas na rin iyon. Bumungad sa akin ang nakabusangot nitong mukha.
"Ano bang problema mo?"
"You should not treating your guest like this."
"You're not my visitor."
"I am," I emphasized and walked inside.
Muli akong humilata sa sofa at dinampot ang remote upang buksan ang TV. Nakapameywang ito't napailing-iling na lang na napatingin sa akin. Bumuntong hininga siya bago pumunta sa kusina na wari bang tanda ng pagsuko. Siguro napagtanto na niya na hindi niya ako mapapasunod. Napaayos ako ng upo nang ilapag nito ang tasa ng kape sa center table.
"May design pa," mangha kong sambit habang tinitingnan ang bawat detalye ng kape. "Buti na lang talaga barista ka." Tinikman ko iyon at nalampasan niyon ang expectation ko. "Ang sarap ah. Matagal ka na bang nagtatrabaho roon?"
"For the meantime lang. Tinutulungan ko lang ang kaibigan ko sa business niya."
"Okay." Sumimsim akong muli pero inom prinsesa lang dahil ayoko naman na magmukhang masiba sa harapan niya. Syempre dapat prime and proper lang. "I'll go shopping."
![](https://img.wattpad.com/cover/314611035-288-k981358.jpg)
BINABASA MO ANG
Reminiscing the Cold Wind (Conzego Series 3✓)
Storie d'amoreSofie, a vet-med student from Conzego College of the South was a huge fan of fairytales and contented with the boys in books. But everything changed when she met Kaezar, a student pilot from Meyer High University. Date Started: June 28, 2022 Date Fi...