Chapter 7: Covered Pathway

31.1K 894 71
                                    



Chapter 7





"KD? You mean iyong kinukuwento mo dati?"



"Exactly."



"Are you sure?"



"Of course I am." Muli kong nilingon ang direksyong iyon. Tahimik pa rin siyang nagbabasa at sobrang seryoso.



Naka-complete uniform siya ng Meyer High University and he looked so clean on that. May suot siyang reading glass kaya mas nagmukha siyang masungit. Although totoo naman.



"O. M. G." Pigil na pigil nito ang sarili na mapalakas ang boses dahil nasa loob kami ng library. "He's really here. So ano? Are you gonna talk to him?"



"No." I flipped the page of the book I was holding.



"Luh! Sayang naman, sissy. Ilang years kayong hindi nagkita oh tapos kahit 'hi' man lang wala?"



"He don't know me naman eh. Limot na ako ng isang iyan, ano ka ba?"



"Paano kung naaalala ka pa pala niya? Who knows, 'di ba?"



"Kahit naaalala pa ako n'yan wala pa ring saysay iyon. Hindi naman niya ako makikilala dahil never naman niya akong nakita."



"Ay, bulag nga pala siya dati." Nakagat nito ang dulo ng daliri. "Pero malay mo naman, 'di ba, makilala ka niya o kung hindi man edi magpakilala ka."



"Ako? No way. Hindi naman pati kami close na dalawa kaya bakit ko gagawin iyon? Sa ngayon masaya na ako na makita siya ulit— na malaman na successful ang naging operation niya. At least hindi ko na iisipin ang tungkol doon." Ngumiti ako nang tipid at muling binalingan ang lalake.



Tumayo na ito at naglakad palabas dala ang libro. He can read now. Nakakatuwa.



"So what's your plan now?"



"Plan? Plano ko ng lumabas sa lugar na ito. Hindi ko kaya ng ganito katahimik." Tumayo na ako at naglakad palabas.



"OMG, don't tell me susundan mo siya?" kinikilig nitong tanong habang pilit nakikisabay sa hakbang ko.



"Hindi 'no. Pupuntahan na natin si Ilaria. Baka namumuti na ang mata ng isang iyon kahihintay sa atin."



"Naku oo nga pala. Nakalimutan ko na rin siya."



Nagmadali na kami sa pagpunta sa building nila. Napag-usapan kasi namin na aabangan namin siya sa labas ng classroom niya. Pero mukhang siya pa yata ang mag-aabang ngayon. Hindi nga kami nagkamali dahil nadatnan namin siyang nakalupagi sa sahig habang nakasandal sa pader ng classroom at nagbabasa ng libro. Binalingan kami nito ng masamang tingin nang makita kami.



"Tagal n'yo."



"Sorry, beh."



Tumayo na ito at pinagpag ang sarili. Sinakbit nito ang bag at nauna na sa paglakad.



"Galit ka ba?" tanong ko habang kinakapa ang mood niya.



"No," malamig nitong sagot. "Don't mind me. Wala itong kinalaman sa inyo. Pagod lang ako."



"Okay, pahinga ka pag-uwi. Anyway, gusto ba ninyong kumain? Treat ko kayo," I invited to lighten the mood.



"Sakto, babe, nagugutom na ako."



Reminiscing the Cold Wind (Conzego Series 3✓)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon