PROLOGUE

4.6K 78 14
                                    

+++

"Oh my god! Louise! You're back! I miss you beshy!", agad akong niyakap ni Molly nang makita niya akong naglalakad habang itinutulak ang pushcart na kinalalagyan ng mga bagahe ko.

Si Molly ang kalog at nag-iisang bestfriend ko dito sa Pilipinas since I was 7 years old.

At hindi natigil ang pagiging mag bff namin kahit pa umalis kami ng bansa kasama ang pamilya ko 7 years ago dahil meron namang social media at cellphone na magagamit namin kahit pa malayo kami sa isa't isa.

Si Molly ang sumundo saakin ngayon kasi hindi alam ng mga kamag-anak ko na nandito sa Pilipinas na umuwi ako galing ng Barcelona, Spain, lumayas lang kasi ako sa bahay ng mommies ko sa Barcelona. Yep, parehong babae ang parents ko.

Bukod kasi sa ayaw ko na sa bansang iyon ay nasasakal na rin ako sa pagiging over protective ng mommies ko kahit na nasa tamang edad naman na ako.

Ako nga pala si Hermione Louise Eurwen Faulkner ang panganay at tanging anak ng mommies ko na hindi nagmula sa surrogation.

A/N : Hindi niya alam na bunga siya ng isang kasalanan pero kahit na ganon ay hindi siya kailanman kinamuhian ng Mommy Lea niya bagkus ay itinuring pa sya nitong prinsesa gayundin ng pamilya niya.

"Teka? Nasaan nga pala ang mga mommies mo? Pati na yung mga cute mong kapatid?", excited na tanong ni Molly pagkatapos niya akong yakapin.

"Tsaka bakit wala kang sundo ngayon? Impossible naman yatang hindi sunduin ng pamilya niya ang isang Hermione Louise?", natawa naman ako sa tanong niya habang naiiling.

"Let's just talk about it later, Molly. Anyways, where's your car?", I asked.

"Ehh, nasaan nga kasi sila? Tsaka—"

"Let's go beshy.", hindi niya na naituloy pa yung sinasabi niya nang hilahin ko na siya palabas ng airport.

Nagtataka nga ako kung bakit sa Taxi kami sumakay ngayon at hindi sa kotse nila Molly. Wala pang aircon at pinagpapawisan na ako kaya hinubad ko na yung suot kong maong na jacket.

Tanging black sando nalang ang suot ko ngayon kasi ang init talaga, naninibago ako sa klima.

Gustuhin ko man na lumipat nalang kami sa may aircon ay hindi pwede kasi wala din akong dalang peso bills ngayon.

Puro cards like ATM at Euro bills lang ang laman ng wallet ko. Syempre nahihiya naman ako sa kaibigan ko na gagastos pa siya ng malaki para sa pamasahe namin eh siya na nga ang sumundo saakin ngayon.

Hays, good luck nalang talaga sa magiging buhay ko dito sa Pilipinas.

+++

Crossed PathsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon