Liane's
+++
Nitong mga nakaraang araw lalo na nung umalis si Zavy sa bansa ay naging tahimik na ang buhay ko.
Nagagawa ko na ngang makapag swimming ng nakatwo-piece lang gaya ngayong hapon kasi wala na ang pinsan kong manyakis, kahit kasi dito mismo sa pamamahay ni Lolo ay nagagawa niya pa din akong manyakin.
Ewan ko din ba, nagtataka nga ako kung bakit biglang naisipan ni Tita na ilipat ng eskwelahan si Zavy at sa ibang bansa pa talaga.
Pero simula naman nang mawala ito ay mas lalo namang naging mainit ang ulo ni Tita saakin.
Sanay naman na ako kasi simula naman nung tumira ako dito nung namatay ang parents ko ay ganon na talaga ang trato nila saakin, hindi ko talaga naramdaman na pamilya nila ako, lalong lalo na kay Lolo.
Kaya hindi na din ako nagtataka kung bakit ganon din ako kung itrato ng mga pinsan ko, lalo si Lexi na sobra kung awayin ako.
Minsan nga iniisip ko nalang na baka insecure siya saakin pero ano namang dahilan? Eh sila nga itong magkapatid ang paborito ni Lolo na sa tingin ko ay kahit kailan hindi ko mararanasan pero yun talaga ang pangarap ko.
Gusto kong maramdaman yung pagmamahal ni Lolo, gusto kong maramdaman na tanggap niya ako bilang apo niya.
Kaya nga ginagawa ko lahat para lang mapansin niya, sobrang tutok ako sa pag-aaral at tuwang tuwa ako kapag nakakatanggap ako ng awards kasi sa ganong way ay binabati niya ako, sobrang cold na bati pero okay na ako doon kasi napapansin niya na ako.
Tapos sa pagiging SSC President ko ay ginagawa ko talaga ng masyos yung trabaho ko cause I wanna impress him, I want him to be proud of me. I want him to love me and make me feel that I'm part of this family.
Takot na takot talaga akong magkamali kasi pakiramdam ko ay isang pagkakamali ko lang ay babalik nanaman ako sa wala kasi alam kong mas lalong madidisappoint sakin si Lolo at ayokong mangyari yon.
Alam ko na balang-araw ay mararamdaman ko din yung pagmamahal na gusto kong matanggap mula sakaniya.
Pagkatapos kong maglalalangoy ay agad na din akong nagshower at nagbihis, sandali lang kasi akong nagrelax kasi madami pa akong gagawin gaya ng magiging meeting namin ng mga officers ko ngayong hapon.
At gaya ng inaasahan ay nagsidatingan na sila, simula sa Vice President hanggang sa mga year representatives.
Dito ko sila dinala sa likod ng mansion ni Lolo kasi may mahabang table dito sa ilalim ng mga naglalakihang puno kaya naman malilim at napakasariwa pa ng hangin.
Pagmemeetingan kasi namin ngayon ang patungkol sa gaganaping Foundation day-isang buwan mula ngayon.
And yes, kahit na isang buwan pa naman bago ang event ay pagmemeetingan na nga namin ngayon.
Gusto ko kasi talaga na lahat ng resulta ng trabaho ko ay maging pulido, ayaw na ayaw ko ang pumalpak kaya naman mas gusto kong mapagpalanuhan na ang lahat in advance.
Ang Foundation nga ang unang event ngayong school year na kailangan naming paghandaan sa darating na October.
Taon-taon namin itong ginagawa sa CCST at ginaganap namin iyon sa loob ng dalawang araw. Sa 1st day ginagawa ang iba't ibang sports, contests and activities tapos sa 2nd day naman ang awarding at pagdating ng gabi ay nagkakaroon ng Foundation night kung saan magcecelebrate na kami. It's like a party night.