Hermione's
+++
Sa unang araw nga ng Foundation Day ay ginanap ang mga palarong basketball, volleyball at swimming competition.
Bumuo ako ng team ko para sa basketball at ako ang naging Team Captain nila and guess what? Syempre ang team ko ang naging Champion. Nagkaroon ba naman sila ng Captain na gaya ko? Hays.
Sa larong volleyball naman ay bumuo din ng team si President Laurio at isa siya sa mga naglaro, grabe nga kasi sobrang galing niya palang maglaro, kasama niya din yung ilan sa mga officers niya na magagaling din kaya nga ang team naman nila ang naging Champion tapos siya pa ang MVP!
Sa swimming competition naman ay si Treasurer Gabrielle ang 1st place at champion ngayong school year. Sobrang cool niya talaga.
Pagdating ng hapon ay saka kami sumakay sa mga nirentahang bus ng CCST para dalhin lahat kami sa isang beach na kung saan ay may mga yateng naghihintay saamin na sasakyan namin patungo sa Isla Del Amor.
Napansin ko na hindi lang mga yate ni Tita Sydney ang nandidito ngayon, nandito din ang mga yate ng mga lola ko at iba ko pang tita, may mga speedboat din.
Marahil ay naisipan na din ni Tita Sydney na hiramin yung mga yate ng mga lola ko at ibang Tita kasi nabanggit ko sakaniya na nasa 920+ ang students ng CCST tapos kasama pa namin yung 25 na Professors.
15 lang kasi ang yateng pag-aari ni Tita Sydney tapos ang bilang ko sa mga yateng nandidito ngayon ay nasa 40 na, iba pa yung mga speedboat.
Tinawagan pa ako ni Tita kanina para sabihing wag na akong makipagsiksikan pa sa mga kaklase ko at sunduin na lang daw ako ng chopper niya pero tumanggi ako, magtataka naman kasi yung mga ibang estudyande kung bakit sa chopper ako sumakay.
Nauna ng umalis yung ibang mga Professors sakay ng speedboat, yung ibang naiwan naman ay nag-aasist ngayon sa mga estudyande para makasakay ng ligtas sa mga yate at ganon din ang ginagawa naming mga officers.
Kasama ko nga ngayon sa isang Yate si President Laurio at dalawa kaming nag-aasist ngayon sa mga estudyande. Kanina pa talaga siya sumasama saakin, kahit nga kanina sa bus ay saakin siya tumabi. Nagtataka na nga ako eh pero di naman ako nagrereklamo.
Nang makasakay na ang mga estudyante sa yateng naka-assigned saamin ay umalis na din kami.
Sa may deck ng yate ko naisipang tumambay para makalanghap ng sariwang hangin at para masaksihan din ng mga mata ko ang magagandang tanawin na ngayon ko na lang ulit makikita.
Sobang excited na din akong makarating sa Isla Del Amor kasi finally makakapunta na ulit ako doon.
Seryoso lang akong nakatanaw ngayon sa dagat nang may biglang tumabi saakin at nang lingunin ko ay si President Laurio pala.
Kusa kong inilayo yung siko ko nang dumikit yung balat niya saakin kasi ewan ko ba, parang nakuryente ako na ewan tapos kinakabahan din ako, ang bilis ng tibok ng puso ko.
"Ngayon na lang ulit ako nakapunta sa dagat, ang ganda dito", mahinahong sabi niya kaya nilingon ko siya na ngayon ay medyo nakangiti habang nakatanaw lang sa karagatan, I smiled.
"Yeah, just like you", bulong ko at siniguro kong hindi niya maririnig pero ganon nalang ang pagpapanic na naramdaman ko nang bigla niya akong tignan habang nakakunot ang noo niya.