CHAPTER - 8

1K 41 74
                                    

Hermione's

+++


Pagkatapos ng Jetski Racing Competition ay sunod namang ginanap ang Dance Competition at habang kasalukuyan naman itong ginaganap ay nagsisimula na ding magprepare ang mga contestants para sa Miss CCST 2022.

So ayon na nga, ang group namin para sa Dance Competition ang pinakahuling sasayaw at ngayon ay ang pangawalang grupo na ang nagpeperform, I admit na magagaling nga yung mga naunang magperform, talagang pinaghandaan yung laban.

Wala sa sarili akong napatingin sa pwesto ng mga judges at ganon nalang ang panlalaki ng mga mata ko nang makita ko doon ang parents ko. Wtf are they doing here!?

Hindi ko naman binanggit sakanila na may ganap ngayon sa school? Hindi ko din sinabi na kasama ako sa mga contest? So anong ginagawa nila dito?

Tita Sydney? Oh gosh! Malamang sa malamang si Tita Sydney talaga ang nagsabi sakanila. Hays.

Pasimple akong lumapit sakanila at natutuwa naman ako kasi mukhang hindi pa din nila nakakalimutan yung pagpapanggap na ginagawa ko, why? Eh kasi hindi nila ako sinalubong or what, umaakto sila na parang hindi nila ako kilala which is good.

Naiiling nalang ako habang iniisip na kung si Tita Sydney nga ang nagsabi sakanila, nakakatuwa naman kasi bumyahe pa talaga sila from Madrid para lang panoorin ako.

Mga busy na tao kasi talaga ang mga mommies ko and knowing na naseset aside nila yung work nila for me, I feel so special.

Nga pala, grabe din kasi yung suot nilang mga pang disguise ngayon kaya hindi sila nakikilala ng mga tao, nakafacemask kasi sila ang cap pero nakikilala ko sila kaagad, eh parents ko sila eh.

"¿Qué haces aquí, Mom?", I asked habang sa stage lang nakatitig para hindi mahalatang kinakausap ko sila. Tinanong ko si Mommy Lea kung anong ginagawa nila dito.

"Estamos para apoyarte mi hija", agad niya namang sagot nang hindi din ako nililingon kaya wala sa sarili akong napangiti. Ang sabi niya ay nandito daw sila para suportahan ako. Gosh! Gusto ko silang yakapin pero hindi pwede kaya ikalma mo lang muna Hermione, okay? Okay.

"Gracias mommies, se los agradezco mucho", I smiled at mabilis silang tinignan na ngayon ay parehong nakatingin saakin at kita ko sa mga mata nilang nakangiti sila ngayon. Ang sinabi ko naman sakanila ay sobrang naappreciate ko yung pagpunta nila and nag thank you ako about doon.

"No es nada mi hija, siempre estamos aquí para apoyarte", this time ay si Mommy Sam naman ang nagsalita at sinabi niyang nandyan lang sila palagi para suportahan ako. I smiled at nag iwas na ako ng tingin.

Umalis na din ako sa tabi nila para lumapit sa mga kasama kong sasayaw, nagprepare nalang kami hanggang sa kami na ang nagperform.

Natuwa naman ako nang malakas na hiyawan ang natanggap namin pagkatapos naming sumayaw, kita ko din na talagang tuwang tuwa yung mommies ko.

Susunod na gaganapin ang Singing Competition kaya naman agad na din akong nagbihis. Walong contestants ang kasama at ako nanaman ang huling kakanta.

Kasalukuyan akong nandito ngayon sa backstage habang si kinulot na ang kumakanta ngayon at pagkatapos niya ay ako na ang susunod.

Hindi ko alam pero bigla akong kinabahan, totoo palang magaling talagang kumanta si kinulot, sumilip ako ng bahagya at nakitang sobrang daming nanonood, mas lalo tuloy akong kinabahan kaya bumalik nalang ako sa kinauupuan ko.

"Hey, are you nervous?", halos mahulog naman ako sa kinauupuan ko dahil sa gulat nang may bigla nalang magsalita at nang lingunin ko siya ay nakangiti naman siyang umupo sa tabi ko.

Crossed PathsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon