CHAPTER - 3

881 51 49
                                    

Molly's

+++

Pabalik na kami ngayon sa Hospital kasama ko ang kambal na kapatid ni Louise, galing kasi kami sa isang convenience store, saktong papasok na kami nang may nakita akong dalawang tao kaya natigil ako sa paglalakad.

"Oye hermana Molly, ¿por qué te detuviste?", muli akong napangiwi nang magsalita itong si Hettie, grabe kanina pa halos dumugo yung ilong ko kasi kanina pa niya ako ini-Spanish.

Kagaya kasi ni Louise ay mga english spokening dollars din itong mga kapatid niya kaya malapit na talagang mapulbos ang braincells ko, my gosh!

"Ha? I'm sorry baby Hettie, I don't understand", sabi ko dito tapos tinawanan ba naman ako.

"She's asking, why did you stop", bigla namang nagsalita itong si Harriet kaya lihim akong nagpasalamat sakaniya.

Babae si Hettie at lalake naman itong si Harriet.

Bahagya naman akong umupo para mapantayan ko silang dalawa.

"Okay, listen to me babies. I actually forgot to buy something at the convenience store so I have to go back...", paninimula ko at pilit na pinag-iisipan kung paano ko pa ieexplain sakanila.

"Are you saying that we should go back to my sister's private room first?", biglang singit ni Harriet kaya nakahinga na ako ng maluwag

"Ah! Yes yes! That's right", nakangiting sabi ko na ikinangiti niya din bago niya hawakan sa kamay ang kakambal nito.

"Okay hermana Molly, take care!", sagot ni Harriet.

"I will and take care you two", sabi ko naman at ginulo ang mga buhok nila.

"¡Vamos! Hettie!", sabi naman ni Harriet at nagsimula na silang naglakad. Safe naman na kasi nandito na din kami sa Hospital at alam nila kung nasaan yung kwarto ni Louise.

Pinanood ko lang sila at naiiling nalang ako kasi kahit mga simpleng Spanish words lang ang banggitin nila ay wala talaga akong maintindihan.

Nang mawala na sa paningin ko yung kambal ay dali-dali akong lumapit sa mga taong nakita ko kanina na naglalakad patungo sa parking lot nitong Cuervas Hospital.

Syempre hindi ako nagpakita sakanila at nagtago ako sa isang sasakyan pero siniguro ko na maririnig ko kung anuman ang pinag-uusapan nila.

Napansin ko na mukhang nagtatalo sila ngayon, alam ko naman na mali 'tong ginagawa ko pero curious ako eh.

Sila nga pala ang mag-asawang Cesora at kasama na nila ngayon ang anak nilang si Zavy.

"你真是个白痴! (Nǐ zhēnshi gè báichī!)", rinig kong sigaw ni Vice Governor at napasinghap ako nang bigla niyang sinampal ang anak nito.

"蜂蜜! 不要伤害我们的儿子! (Fēngmì! Bùyào shānghài wǒmen de érzi!)", sigaw naman ni Mrs. Cesora at niyakap nito si Zavy kasi sasampalin nanaman sana siya ng tatay nito.

Dahil sa nasasaksihan ko ngayon ay napapahilot nalang ako sa ulo ko. Pano ba naman kasi? Kanina lang ay halos dumugo na ang ilong ko sa pag i-Spanish saakin ni Hettie, iniEnglish pa ako ni Harriet tapos ngayon Chinese naman?

"对不起爸爸 (Duìbùqǐ bàba)", biglang nagsalita si Zavy at umiiyak na ito.

"Ano bang nagyari sayo ha!? Sa lahat ng babae si Liane pa talaga ang gusto mong gahasain!? Gago ka!", muli akong napatakip ng bibig ko nang biglang sinuntok ni Mr. Cesora ang anak nito sa mukha.

Crossed PathsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon