CHAPTER - 6

981 56 100
                                    

Liane's

+++

Nandito ako ngayon sa may corridor at pinanonood ang mga estudyante ng CCST sa school ground.

Nakapatong ang chin ko sa mga palad ko habang nag-iisip kung saan pa namin kukunin ang kulang na pera para sa Foundation Day lalo na at dalawang linggo nalang ay magsisimula na iyon.

Okay naman talaga yung naging suggestion ni Ms. Eurwen pagdating sa pera na gagastusin, malaking tulong na din yung nakolekta naming 92,000 pesos.

Pero kasi simula nung pag-usapan namin ni Ms. Treasurer Aguilera yung mga iba pang gastusin ay kulang pa kami ng 39,000 pesos.

Nabayaran naman na namin yung bills sa Isla Del Amor tapos natuwa kami kasi binigyan kami ng 50% off nung may-ari na si Mrs. Sydney Faulkner Green, hindi niya na din pinabayaran yung sa rancho tapos libre na din daw yung mga yate na sasakyan namin papunta at pabalik sa mismong isla.

Si Ms. Eurwen yung nakipag-usap sa may-ari at bilib nga ako sakaniya kasi ganon nga yung naging resulta ng pakikipag-usap niya.

Malaking tipid na din iyon kung tutuusin pero kasi, doon na din namin kinuha sa pera yung gagastusin para sa mga uniforms ng mga participants sa basketball at volleyball, ayaw ko na kasing sila pa yung magbabayad at magpapagawa ng mga uniforms nila.

Tapos yung mga gagamiting goggles at swimwear ng mga participants para sa swimming contest ay kinuha na din namin doon sa naipong fund.

Nakatipid na din kami sa part na mga P.E. Instructors nalang ang magiging judge sa contest na yon para hindi na din kami maghire ng mga professional swimmers.

Yung tungkol naman sa mga money prizes ng mga magiging winners ay kinuha na din namin doon at naitabi na.

Ang pinoproblema ko ngayon ay yung perang gagamitin namin para sa mga pagkain kasi as much as possible ay gusto kong busog lahat ng CCST students. Ayaw ko na merong hindi makakakain kasi kasama din yung mga Professors.

Lalo naman yung mga magiging judges sa dancing, singing, horse racing competitions at sa magiging judges ng Miss CCST 2022.

Binayadan na din namin yung rent ng mga gagamitin sa iba't ibang sports na kasama din sa mga palaro tapos kulang na din yung pera dahil lahat ng CCST Students ay nagrerequest ng Foundation Day T-shirt kaya balak din naming magpagawa pati na din sa mga officers at mga Professors.

Kung tutuusin nga ay mas malaki na ang iniambag na pera ng mga SSC Officers na may magandang katayuan sa buhay, nagbigay na din yung ibang mga Professors pero kulang pa din talaga.

Kung gagamitin naman namin yung funds ng SSC Officers ay kulang pa din kasi 10,000 pesos lang 'yon.

Nakakailang buntong hininga na ako at sumasakit na din yung ulo ko kakaisip hanggang sa may maramdaman akong tao sa likod ko.

"President Laurio?", tawag nito at nang tignan ko siya ay agad siyang yumuko.

"What is it Ms. Spokesperson Garcia?", tanong ko dito.

"I-ipinapatawag po kayo sa conference room", magalang na sagot nito kaya napakunotnoo ako, hindi naman ako nagpatawag ng meeting?

"B-bakit? Anong meron?", tanong ko at nang mag-angat siya ng tingin ay may nakita akong takot sa mga mata niya at alam ko na kaagad kung anong nangyayari.

"L-let's go", hindi ko na siya hinintay na sumagot at naglakad na ako pero habang tinatahak namin ang daan papunta sa conference room ay grabe na yung kabang nararamdaman ko.

Pagkapasok namin ng conference room ay nadatnan ko ngang nakaupo doon ang taong inaasahan ko at kompleto din yung mga SSC Officers na nakaupo din ngayon.

Crossed PathsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon