+++
Hermione's
Simula nung inamin ko ang lahat kay President Laurio ay siya na mismo ang umiiwas sa akin. Hindi ko din naman siya masisisi at naiintindihan ko siya.
Ang hirap lang at ang sakit na yung babaeng mahal ko ay hindi ko man lang malapitan, makausap, at mayakap.
Hindi ko din maiwasang makaramdam ng selos kapag nakikita sila ni kinulot. Grabe kasi kung makadikit kay President Laurio, at parang mas nananadya pa nga. Napansin niya din siguro na hindi ako kinakausap ng huli.
Hays. Hindi ko na alam yung gagawin ko. Hindi ko pa din kinukwento kay Molly yung nangyari, alalang-alala na nga siya kasi napakatamlay ko daw, nagagalit na nga kasi hindi na din ako nakakakain ng maayos. Anong magagawa ko? Wala akong gana kumain.
Nitong mga nagdaang araw, madalas na din akong lapitan at kausapin ni Gabrielle. Si Molly nga nagsasawa na kausap ako kasi wala daw kwenta pero itong si Gabrielle, kahit na hindi na ako masiyadong nagsasalita, hindi siya tumitigil daldalan ako.
Madalas din siyang magjoke na korni naman pero kaya siya nakakatawa kasi ang korni. Mukha lang din talaga siyang cold pero she's kind and funny.
"Where are we going?", tanong ko kay Gabrielle kasi niyayaya niya ako na may pupuntahan daw kami.
Kasalukuyan kaming nasa labas ng gate ng CCST, sinabihan ko na din si Molly na mauna nalang umuwi, pumayag din naman siya basta wag daw akong magpapagabi kasi isusumbong niya ako sa Mommies ko, parang namang natatakot ako. Siyempre, natatakot ako.
"Basta, come closer", nakangiting sabi ni Gabrielle kaya lumapit pa ako sakaniya, isinusuot niya na saakin yung hawak niyang helmet.
Napansin ko din na pinagtitinginan kami ng mga estudyanteng naglalabasan ng gate, nagbubulungan din sila, mga marites oh.
"Just don't mind them, tara na?", sabi ng kaharap ko na nakakuha ng attention ko.
"Let's go, kahit na hindi ko alam kung saan mo ako dadalhin", sagot ko habang sumasakay sa motor niya.
"Trust me, mag-eenjoy ka. Gusto lang kitang tulungang kalimutan kung ano man yang problema mo", sambit nito at bahagya akong nilingon.
"Kapit ka lang sa akin, Hermione", dagdag pa nito at ngumiti. Hindi ko naman maiwasang mapatitig sa side profile niya, she's pretty talaga.
Hindi ko din napansing hindi na pala ako gumalaw kaya siya na ang kumuha sa mga kamay ko para i-hawak sa waist niya, "Hold tight, mahirap na baka lipadin ka ng hangin", sambit pa nito at natawa lang din siya sa sinabi niya. Nahawa nalang din ako.
Agad din naman niyang pinaandar yung motor niya hanggang sa makarating kami sa isang public beach. Hindi ko naman maiwasang ngumiti nang makita ko yung dagat.
"See? Nakangiti ka na kaagad", sabi ng kasama ko kaya napatingin ako sakaniya.
"I just love beaches", sagot ko na ikinangiti niya.
"Tara", sambit nito kaya bumaba na kami sa motor niya, tinulungan na din niya akong hubadin yung helmet.
Hindi ko alam kung anong nangyayari kasi mukhang nakaplano na lahat, paglapit kasi namin sa isang cottage, may sumalubong saaming dalawang lalake na may dalang mga kabayo.