NAPATAAS ang kilay ni Enigma nang sumalubong sa kaniya ang masasamang tingin ni Nero. Nakakalat na ulit ang mga laruang niligpit niya pero himala yata at wala itong patibong ngayong araw.
Nakapagtataka kaya maingat pa rin siyang pumasok sa kuwarto nito at dahan-dahang inilagay ang tray ng pagkain sa kama.
"Good morning po," bati niya sabay ngiti.
Lalayo na sana siya pero hinawakan nito ang kaniyang pulso para pigilan siya. Kinuha nito ang tablet nagsulat.
'Why are your eyes a little tired today?'
Nagulat naman siya sa tanong nito.
"Concern ka po ba sa 'kin, sir?" nakangiti niyang tanong at ngumiti nang kay tamis-tamis kay Nero.
Attracted talaga 'to sa akin. Nararamdaman ko na.
"Nako, sir. Kahit type po kita, huwag po kayong magkakagusto sa akin." You will not like it when you find out who I am.
Isa pa, ang ama nito ay sangkot sa mga illegal na gawain at malaki ang posibilidad na kasali rin ang anak. Pero sa mga araw na nananatili siya rito, bukod sa pagiging maobserbahin nito, wala siyang makitang ibang ginagawa ni Nero. Nasa loob lang ito ng kuwarto palagi.
Umirap ito sa kaniya.
'Just answer my question.'
"Hindi ba inutusan mo 'kong dalhan ka ng pagkain kagabi? Pagbalik ko tulog ka na. Lalabas na rin dapat ako agad but you were having a nightmare. You are even crying." Nakapamaywang siya habang sinasabi ang mga kataga. "Pinahid ko lang naman ang mga luha mo pero bigla mo 'kong hinawakan at hindi binitawan kaya hindi rin agad ako nakaalis. 2 A.M na yata bago mo pa ako bitawan kaya wala akong tulog ngayon."
Napaiwas naman kaagad ng tingin si Nero matapos marinig ang kaniyang sinabi. Napayuko ito at nag-umpisa nang kumain. Namumula ang tainga ng lalaki kaya bahagyang natawa si Enigma.
He's being shy now, huh?
Tumalikod na siya at maglalakad na sana papunta sa pintuan pero may lumipad na namang stylus pen sa kaniyang ulo. Inis niya itong pinulot bago lumingon sa lalaking bumato sa kaniya.
"Yes po?"
Tinapik nito ang kama kaya lumapit siya ro'n at umupo sa tabi ng lalaki.
Muli itong nagsulat.
'I want to go to the mall.'
Enigma remembered the last time she asked him about going to the mall. Kailangan pa pala umabot ng ilang araw bago ito magdesisyong lumabas.
"Nagbago po yata ang isip niyo? What made you change your mind?"
'Huwag kang magtanong, white lady. I just want to. Get dressed. You will be coming with me.'
Tinago niya na lang sa ngiti ang inis bago tumayo. "Okay po."
'What's your name?'
Natigilan si Enigma sa pagtayo at nakangangang tinignan ang nakasulat sa tablet. Really? Sa ilang araw niyang nanatili rito hindi pa siya kilala ni Nero?
Well, hindi rin naman siya nakapagpakilala.
"I'm Enisha, sir." Enisha was the name she was currently carrying as a concealing identity.
'Drop the sir. Nero will do.'
Muling napataas ang kaniyang kilay. Ano kayang nangyari dito at parang mabait ngayong araw ang lalaki? Nakakalibot. Dapat pala palagi na lang itong magkaroon ng masamang panaginip kasi parang bumabait.
BINABASA MO ANG
Agent Series 7: Lady Rogue and the Pandora's Box
БоевикAbilio Cryptic is an exclusive agency made for women. It is founded by the government with the purpose of training and raising expert agents who will be assigned to dangerous jobs. They are expected to excel in any field, completing their job faultl...