DUMATING na si Engineer Pandora at nandoon na sa kusina, pero hindi niya pa ito nakikita. Hindi niya ito nakasalubong dahil nandito siya sa kuwarto ni Nero at hinihintay itong lumabas. Sinabihan din siya ng lalaki na huwag umalis sa kaniyang tabi mamaya habang kakain sila.
"Nero, lumabas ka na. Grabe namang pagbibihis 'yan, dinaig mo pa babae," saad niya at kinatok nang paulit-ulit ang pinto kahit hindi naman ito naka-lock.
Isang oras na siyang nakatayo at nangangawit na ang mga paa niya.
Nagbukas ang pinto at sinalubong siya ng nababahalang tingin ng lalaki. His face looked tired and restless. Namamawis din ang noo nito.
Black shirt at pants lang ang suot nito kaya nagtataka siya kung bakit natagalan itong lumabas.
Naglakad na ito papunta sa kusina kaya sumunod naman siya.
Nandoon na si Engineer Pandora at nakaupo. Nilingon sila nito nang mapansin ang kanilang pagdating.
Tinitigan niya ang pagmumukha nito at kamukhang-kamukha nga sa picture na binigay sa kaniya ni Commander X. He was the old version of Nero. May parteng pagkakaiba subalit hindi maipagkakaila na parang matandang bersyon ito ng lalaki.
Nakasuot ito ng tuxedo at nakangiti silang sinalubong.
"Good morning, Nero." Naglakad ito papalapit sa lalaki at akmang yayakapin pero tinabing ni Nero ang mga kamay nito.
Nilampasan lang ni Nero si Engineer Pandora at umupo na. Siya naman ay yumuko bilang paggalang bago sumunod kay Nero. Nauna nang kumain si Nero at hindi man lang hinintay ang ama o kahit sulyapan man lang ito.
Enigma could say that the two didn't have a father and son relationship.
"Oh, Nero. Is this how you are going to treat your cousin?" malumanay na tanong ni Engineer Pandora at umupo na rin.
Walang kahit anong bakas ng kasamaan ang makikita sa pagmumukha ni Engineer Pandora. Kung si Nero ay maitim ang aura, ito namang ama, parang napapalibutan ng liwanag. Palagi itong nakangiti. Panay rin ang pagsulyap nito sa anak na walang paki sa presensya ng ama habang kumakain.
Napunta ang tingin ni Engineer Pandora sa kaniya. Ngumiti ito sa kaniya kaya ngumiti rin siya pabalik.
"Are you my cousin's maid?"
"Opo."
Tumango-tango naman si Engineer Pandora. "I see. Thank you for taking care of him. Medyo pasaway pa naman 'to kaya sana maging mahaba ang pasensya mo."
Peke naman siyang tumawa. "Ay, opo. Kahit papaano nagagawa ko naman po 'tong pakisamahan kahit na minsan parang bata ang ugali."
Natawa naman si Engineer Pandora sa kaniyang sinabi at nagtuloy na sa pagkain habang si Nero ay inangat ang tingin at inirapan siya.
Tahimik lang ang dalawa habang kumakain. Sila lang din tatlo ang nasa kusina. Enigma could feel the air getting awkward, but she diverted her attention to the bachelor she needed to uncover. Inobserbahan niya kung paano ang mga galaw nito at ang nga ekspresyong binibigay kay Nero.
Ito ang unang pagkakataon na nakita niya ito sa personal. Kagaya ng sinabi ng tricycle driver sa kaniya dati, totoo ngang mabait ang bachelor. Pero ang tanong, mabait nga ba talaga?
"Nero," nagsalita si Engineer Pandora. "Kumusta ka naman? Mabuti naman ang kalagayan mo rito?"
Tumigil sa pagkain si Nero at nilingon ang ama. Bahagyang sinilip ni Enigma ang mukha nito. Pinukol nito ng masasamang tingin ang bachelor.
"I guess you still can't talk," malungkot na sabi ng bachelor at yumuko. "And you're still mad at me."
One of her eyebrows twitched in curiosity. Sa sinabi nito, mukhang may hindi magandang nangyari sa dalawa. He still couln't talk? Did that mean that Nero wasn't originally a mute?
BINABASA MO ANG
Agent Series 7: Lady Rogue and the Pandora's Box
ActionAbilio Cryptic is an exclusive agency made for women. It is founded by the government with the purpose of training and raising expert agents who will be assigned to dangerous jobs. They are expected to excel in any field, completing their job faultl...