Special Chapter 1

2.1K 74 3
                                    

wintertelle's note: Hello! As promised, ito na ang special chapter. This is composed of five chapters. Nawa'y ma-enjoy niyo ang little mission ni Enigma at Nero, featuring the third wheels, Seven and Belle. Happy reading!

"EN, sige na kasi." Kanina pa nakayakap si Nero kay Enigma at ayaw siya nitong bitiwan.

"Bukas pa ako aalis kaya puwede ba." Inalis niya ang pagkakayakap nito at nilingon ang lalaki. Nakahiga silang dalawa sa kama. Hinila ni Enigma ang kumot at tinakpan ang katawan ng lalaki.

It was still too early in the morning. She didn't want to be tempted.

"Iiwan mo na naman ako, e." Nakasimangot nitong sabi at muli siyang niyakap. Siniksik nito ang mukha sa kaniyang leeg.

Sasabak na naman siya bukas sa kaniyang panibagong misyon. Kakauwi niya lang no'ng isang linggo at plano niya sanang magpahinga ngayong buwan subalit tinawagan siya ni Commander X para sa isang urgent mission.

May natanggap ang ACA na tip na may mangyayaring abduction sa unica hija ng Haybara family, ang pamilya na nagmamay-ari ng limampung mall sa bansa. At magaganap ang abduction bukas. Dahil siya ang nasa malapit at wala rin siyang iba pang misyon, siya ang inatasang bantayan at iuwing ligtas si Belle, ang unica hija ng Haybara, sa kanilang residence.

"It won't take much time. Bukas lang, Nero," sagot niya habang pinaglalaruan ang tainga nito.

"Isama mo na lang ako."

"Hindi nga puwede."

"Why not?" He groaned and bit her neck.

Mabilis niya itong tinulak at sinamaan ng tingin. "Masakit iyon, ah!"

"Let me come with you," pamimilit nito.

Umupo siya sa pagkakahiga at pinagkrus ang mga braso. "Hindi nga puwede! Don't make me repeat myself again. My mission is dangerous. Paano kapag may nangyari sa 'yong hindi maganda?"

"You can protect me, anyway." Ngumiti naman ito nang pagkatamis-tamis sa kaniya.

Ginantihan niya lang ito ng irap. As if magpapadala siya sa nakakaakit nitong ngiti. "No. I can't handle two person at once."

Her priority was to escort Belle to safety. Kapag may isa pa siyang kailangang protektahan, mahahati ang atensyon niya. Baka magkandaletse-letse ang lahat at pumalya siya pa siya. At isa pa, hindi niya pa nasasama si Nero kahit isang beses sa mga misyon niya.

"Babalik naman ako agad. It won't take a day," dagdag niya pa. Bababa na sana siya sa kama pero napatigil nang magsalita si Nero.

"But you promised me! Sabi mo hindi ka tatanggap ng misyon ngayong buwan. You promised to spend all of your time with me."

Nilingon niya si Nero. Nakasimangot pa rin ito, halatang nagtatampo sa kaniya. Yakap-yakap nito ang brown stuff toy habang hindi inaalis ang tingin sa kaniya. Hindi kompleto ang buwan niya nang wala siyang gagawing misyon at may pagkakataon ding mahaba pa ang ginugugol niyang oras sa misyon kaysa kay Nero. Kakauwi niya lang no'ng nakaraang araw at ito na naman siya, sasabak ulit sa misyon.

Napabuntonghininga siya. "I know and I'm sorry. I can't say no to this because it's urgent. The ACA needs me."

"I need you too. I still miss you."

"I won't take long. I promise."

Nero didn't respond. Sa pagkakataong ito, ito naman ang umirap at tinalikuran siya.

"Nero--"

"That is what you always say. I guess you don't even miss me."

"What? That's not true. I--"

Agent Series 7: Lady Rogue and the Pandora's Box Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon