"HOY! Bumangon ka na," tawag niya kay Nero habang tinatayo ang nakatumbang drawer.
Binuksan niya ito at nakita ang binigay niyang toy gun sa lalaki. Kinuha niya iyon at lumapit kay Nero na nakahiga pa rin sa kama.
"Bumangon ka na sabi." Tinapik niya ang ulo nito gamit ang toy gun. Kanina pa ito walang kibo. "Hoy! Buksan mo na ang passcode. Ano ba!"
Hindi pa rin ito sumagot at parang singtigas ng semento na hindi gumalaw kahit anong lakas na niya ng pukpok ng toy gun sa ulo.
Huminga siya nang malalim upang pigilan ang umuusbong na inis.
Argh. Ngayon pa talaga tinupak 'to.
"I thought you want your father to go in jail?" She crossed her arms while indian sitting on the bed.
Hindi pa rin ito sumagot dahilan para tuluyan na siyang mainis. Idagdag pa ang ingay ni Alex na kanina pa sigaw nang sigaw.
"Will you stop sulking? If you keep acting like a kid, we will going to get caught." She raised her voice. The veins in her forehead were starting to show up.
Nilingon naman siya ng lalaki. Nakasimangot pa rin ang mukha nito. "I'm . . . not a kid."
"Then, act like your age!"
"You mad?"
"Oo! Kaya bumangon ka na r'yan!" Hinagis niya sa dibdib nito ang toy gun at umalis na ng kama.
Pumunta siya sa kabilang side ng kama upang lapitan ang maingay na Alex sa sahig. Bago pa siya makarating sa kinaroroonan ng lalaki, narinig niya si Nero na bumulong.
"Tsk. White lady."
She glared at him but he just rolled her eyes. Bumangon na rin ito sa kama at sinuot ang damit. Bumaba na ito ng kama at naglakad papalapit sa passcode.
Hinila niya na rin ang kuwelyo ni Alex upang maitayo. Nakatanggap siya ng suntok dahilan para suntukin niya rin ito pabalik.
"Gago ka! 'Di porket nakakagalaw ka na, puwede mo na akong suntukin."
Hindi pa nga okay ang mukha niya, nakatanggap na naman siya ng isang suntok.
"Fuck you! You will not get away with this!"
"Argh. Shut up! Huwag kang sumigaw sa tainga ko!" Inis niyang sabi at muling sinuntok ang lalaki.
Dumudugo na ang ilong nito dahil sa mabigat niyang kamao. Namumutla ang mukha dahil sa dami ng dugo na nawala mula sa natamong tama ng bala sa mga paa. Hindi ito makakatayo kung hindi nakasuporta ang kaniyang bisig.
Napabalik ang atensyon niya kay Nero na inumpisahan nang itipa ang passcode. Kaagad itong nagbukas at bumungad ang face recognition censor.
Tinapat niya ang mukha ni Alex.
Napalunok si Enigma habang hinihintay na magbukas ang pader. Lumipas ang tatlong minuto pero walang nangyari.
"Hindi gumana?"
Maglalakad na sana siya papalapit ngunit biglang yumanig ang kinatatayuan nila. Gumalaw ang pader dahilan para lumikha ito ingay. Humiwalay ito sa kisame. Dahan-dahan itong bumababa hanggang makita na nila ang laman ng kabilang kuwarto.
Ang kuwarto na parang isang normal na office. May table sa gitna at swivel chair. Sa bawat sulok ng pader ay napapalibutan ng mga itim na drawer na hula niya'y naglalaman ng mga files.
Napangisi si Enigma nang makita ang loob. Binitawan niya si Alex, hinayaang bumagsak ang katawan sa sahig. Naglakad na siya papasok. Sumunod din si Nero sa kaniya.
![](https://img.wattpad.com/cover/310393477-288-k537645.jpg)
BINABASA MO ANG
Agent Series 7: Lady Rogue and the Pandora's Box
ActionAbilio Cryptic is an exclusive agency made for women. It is founded by the government with the purpose of training and raising expert agents who will be assigned to dangerous jobs. They are expected to excel in any field, completing their job faultl...