Kabanata 2

3.1K 142 40
                                    

"MAAYONG buntag, Rogue," bati ng isang agent sa kaniya.

Kahapon lang siya dumating sa Butuan City at tumatambay siya ngayon sa quarter ng ACA na nandito rin sa Butuan.

"Required bang magbisaya pati rito sa quarter?" pabiro niyang sagot habang nakahilata sa sofa at abalang nagta-type sa kaniyang laptop.

She was busy memorizing every information he could get from the bachelor. His properties, businesses and even the people linked to his name.

Inabot niya ang map ng buong Butuan na nasa sahig at kinabisa rin ito. Mas mabuti nang alam na niya agad ang mga pasikot-sikot para puwede na siyang magtanim ng kanyang mga eksperimento.

Her alarm from her phone rang, signaling her that thirty minutes had already passed. Sinara na niya ang laptop, kinumpol pabilog ang mapa at parang bola ng basketball na tinira sa basurahan na ilang metro ang layo sa harapan niya.

She was ready. Her knowledge was all set. Pati na ang kaniyang kasuotan na kahit ayaw niya talagang magsuot ng mumurahin at simpleng puti na t-shirt at mahabang saya, kailangan niya itong gawin para sa kanyang pagkukubli.

"Oh well, maganda naman ako."

Sinukbit na niya ang kaniyang bag na may laman ng mga kakailanganin niyang gamit at lumabas na ng quarter na ikinubli sa isang kindergarten.

"Ang ganda mo po, Ate," saad pa ng bata nang dumaan siya sa harapan nito.

Napatigil naman siya sa paglalakad. Kinuha ang wallet sa kaniyang bulsa at humigit ng isang libo.

"At dahil honest ka, ito ang para sa 'yo."

Tuluyan na siyang lumabas pagkatapos bigyan ang bata ng isang libo. Naghintay siya ng tricycle na masasakyan papunta sa mansiyon ng mga Pandora.

Ang akala niya'y mabilis siyang makakasakay dahil wala namang masyadong pasahero pero madalang pa lang dumaan ang mga sasakyan dito.

Napairap siya habang nababagot na kakahintay. Ayaw niya pa naman na pinaghihintay siya. She could ride her car but that woud mess up her disguise. Her role in this mission was a breadwinner from a poor family who are in dire need of money so she needed to apply for a job to make ends meet.

And according to her research, the Pandora's mansion had been hiring workers, particularly a maid. Kapag may nakapasok sa trabaho, sinasara ang hiring pero agad din namang ulit na nagbubukas. Ano ang dahilan? Aalamin niya pa.

Nang makakita ng tricycle si Enigma, mabilis pa sa umaga niya itong pinara.

"Asa ta, Ma'am?" (Saan po kayo, Ma'am?)

"Sa Bobon rako, Kuya." (Sa Bobon lang ako, Kuya.) She spoke the language as if it was her mother tongue.

The ACA agents had been taught to speak different dialects and languages in order to converse globally.

Tumango naman ang driver kaya pumasok na siya sa loob. Umupo siya sa harap, katabi ng driver.

"Mag-unsa diay kas mga Pandora, Ma'am? Mag-apply kag trabaho?" (Ano po bang gagawin niyo sa Pandora, Ma'am? Mag-a-apply po kayo ng trabaho?) tanong ng driver na 'di niya pa masyadong marinig dahil sa ingay ng makina ng tricycle.

Idagdag pa ang mabatong daanan kaya aalog-alog ang sinasakyan niya.

Ilang beses na napura si Enigma. Nakakabwisit. This was what Enigma hated the most as an agent. To disguise herself as a low-class human being.

She never wanted nor dreamed to be poor. Ayaw niya ng ganitong buhay. Gusto niya na bumabaha palagi ang bulsa niya ng pera at punong-puno ng mga luxuries ang paligid niya.

Agent Series 7: Lady Rogue and the Pandora's Box Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon