PINAGMASDAN niya ang walang buhay na maid. Malapit na niyang matapos ang kaniyang misyon. Kaunti na lang at makababalik na siya sa dati niyang pamumuhay.
Naglakad siya papunta sa lababo. Napunta ang tingin niya sa kabinet na hindi mabuksan-buksan ngunit nakaawang ito ngayon.
Hinila niya pabukas ang pinto at sumalubong sa kaniya ang iba't ibang armas. Dito rin siguro kumuha ng baril ang head maid. Tsk.
Kinuhanan niya ito ng litrato.
Pagkatapos, kumuha siya ng first aid kit at nagtungo na pabalik sa kuwarto ni Nero. Naabutan niya ang lalaki na nakaupo pa rin sa kama. Nang makita siya nito ay kaagad itong naglakad papalapit sa kaniya.
"Nero--" Hindi niya natapos ang sasabihin nang bigla siya nitong yakapin.
Siniksik nito ang mukha sa kaniyang leeg habang humihikbi. Nalilito si Enigma kung anong gagawin niya. She was hesitating to hug him back, but when she felt his tears on her neck, she decided to wrap around his arms.
Hinahagod niya ang likuran nito upang mapatahan ang lalaki.
"Were you scared?" bulong niya.
Tumango naman si Nero. "You . . . t-they said . . . dead."
"I won't be killed by the likes of them." She patted his head. "Thank you for calling me, Nero."
Humiwalay ito sa kaniya. Inagaw nito sa kaniyang kamay ang first aid kit at hinila siya papunta ng kama. Pinaupo siya nito.
"What are you doing?" Nagtaka naman siya.
Binuksan nito ang first aid kid, kumuha ng alcohol at binudbod sa cotton. Marahang pinahid ng lalaki sa kaniyang noo ang cotton upang tanggalin ang dugong nakakapit sa kaniyang mukha.
Natigilan siya pero agad ding napatawa nang mahina. She brought the first aid kit to clean his wound and not the other around, but this man just proceed to clean her face while still looking at her with worry.
"Wow, Nero. Masiyado ka naman yatang nag-aalala sa akin." Ngumisi siya pero agad na pinagsisihan dahilan kumirot ang kaniyang pisngi.
Mabilis namang tumango si Nero.
Muli siyang nagulat.
Whoa. Himala yata at hindi ito nagsusungit sa kaniya ngayon. Akala niya pa naman iirapan na naman siya nito.
"Aw." Bahagya siyang napalayo dahil sa hapdi ng alcohol sa kaniyang labi.
"S-sorry," paumanhin nito.
"Do you like me this much?" pang-aasar niya.
Inasahan niyang titigil ito sa ginagawa at iirap sa kaniya pero muli na naman siyang natigilan nang tumango ang lalaki. Nagitla si Enigma at hindi nakagalaw. Nag-loading sa kaniyang isipan ang ginawa nito.
"Why are not denying it? Ganito ka ba natakot at umaamin ka na sa akin?"
Muli itong tumango.
Napataas ang dalawa niyang kilay at manghang tinignan ang lalaki. Hindi siya makapaniwala. She already knew that Nero liked her because it was obvious, but seeing that the man didn't deny made her speechless.
Isang minutong katahimikan ang namayani sa kanila bago siya humalakhak. Napapalakpak pa siya habang nakatingin pa rin kay Nero na abalang gamutin ang kaniyang sugat.
"D-don't move," sabi nito at hinawakan ang magkabila niyang balikat.
Hindi siya nakinig at tumayo. Hinila niya ito upang ito ang maupo sa kama. Tinulak niya ito upang humiga.
![](https://img.wattpad.com/cover/310393477-288-k537645.jpg)
BINABASA MO ANG
Agent Series 7: Lady Rogue and the Pandora's Box
ActionAbilio Cryptic is an exclusive agency made for women. It is founded by the government with the purpose of training and raising expert agents who will be assigned to dangerous jobs. They are expected to excel in any field, completing their job faultl...