Chapter 3

87 6 5
                                    

Chapter 3: Mess.

Hopia’s Point of View

“X-Xavier is that you?”

Napatakip ako sa bibig ko kasabay nang panlalaki ng mata ko nang tanggalin niya ang suot na shades. Napasinghap ako nang hagudin niya ang buhok niya kasabay ng pag-ngisi niya sa akin.

Ngising nakakanginig ng obaryo.

“Shutangina beh, kahit bakla ako, magpapaanak ako rito,” bulong ng katabi ko na tila ba naglalaway na kay Xavier.

“Wala kang matres, tanga,” bulong ko pabalik. “At akin ‘yan.”

Hindi pa rin naalis ang mata ko kay Xavier. Tila ba kumikinang siya sa aking mata at parang tinamaan ako sa karisma niyang dala. Hindi rin ako makapaniwala na nasa harapan ko na siya ngayon.

“Hi, Miss Pandesosyal! Miss me?” Xavier asked in a husky yet alluring voice. He was smirking all the way, flashing his white perfect teeth.

Muling suminghap ang katabi ko maging ang mga nakarinig sa boses niya. Maging ako ay napasinghap rin.

Bigla naman akong tinampal ng pamaypay ng katabi ko. “Kilala ka? Langya ka, gumagana pa pala ang kaharutan mong impakta ka.”

“S-siya beh, siya ‘yung naghatid sa akin kagabi,” sagot ko na hindi inaalis ang tingin kay Xavier. “Hi baby este Xavier! Miss mo ‘ko ‘no?”

“Talandi na ang bakla! Puwede nang diligan,” bulong sa akin ng katabi ko. Pinandilatan ko lang siya ng mata.

Puwede na nga, didilig na lang ang kulang.

He smirked at me. “Kinda! I didn’t expect to see you here! Damn, why you have to be always beautiful?”

Kinilig naman ako sa sinabi niya. Bahagya ko pang isinumping ang takas na buhok sa likod ng tainga ko.

Lalandi tayo for todays bedyow!

“Ehe, ene ke be? Lege nemen ekeng megende,” malandi kong usal. Umismid ang katabi ko na tila ba diring-diri sa ginagawa ko.

Inggit, pikit!

“Anyways, is this the bakery you’re talking about last night?” he asked, leaning on the display counter. Iginala niya ang paningin sa kabuuan ng bakery ko. Nangulambaba naman ako habang tinitiigan at  pinapapantasyahan ang kaguwapuhan niya.

Lord, kahit balato niyo na lang po sa akin ito.

“Oo,” nangi-ngiting sagot ko. “A-ano nga pa lang ginagawa mo dito at napadpad ka rito sa bakery ko?”

He smirked at me while wiggling his thick eyebrows. “I just buying some fresh fish for my dinner later. Then I heard someone saying that there’s a bakery here, selling delicious breads so I asked them where it was because I’m curious. . .” Nagulat na lang ako nang bigla niyang abutin ang kamay ko na nasa ibabaw ng display counter at dalhin iyon sa labi niya bago patakan ng isang magaan na halik. “I didn’t know that it was your bakery that you were talking about last night.”

Suminghap ang katabi ko. Pinalobo ko naman ang pisngi ko at pakiramdam ko ay kasing pula na ng kamatis ang pisngi ko. Bigla ring bumilis ang tibok ng puso ko nang makipagtitigan sa akin ang pares ng kulay abo niyang mata.

I was mesmerized by the beauty of his eyes together with his thick eyebrows. His eyes  looks like I was staring in a fog on a winding road and in a clouds in the thunderstorms. It was so deep and hypnotizing.

Hubog na hubog rin ang panga at ilong niya na mas lalong dumagdag sa karismang taglay niya. My breath hitched when my eyes landed on his thin, reddish sinuous lips. His lips looks like it was already taken a lot of virgin lips. Mukhang nakita niya ang pagtingin ko sa labi niya. Suddenly, he licked it, seductively. Making his lips glow in red and wet. It makes me crave for his lips.

Palengke Series #6: Slice of Love With Miss Pandesosyal Where stories live. Discover now