Chapter 24

77 6 0
                                    

Chapter 24: She’s back.

Hopia’s Point of View

“God knows how much I love you that time. Do you think I could still fuck other women while thinking our future?”

“Then, sino ‘yung babaeng sumagot sa tawag ko?” naghahamong tanong ko.

Nagtagpo ang mata namin at taas noo ko iyong sinalubong.

He closed his eyes before sighing. The familiar pain suffocates my heart.

“I-Its Suzanne---”

“E’di lumabas rin! You’re with that girl that night while I’m waiting for you dahil sabi mo ay susunduin mo ako!” I exclaimed, disappointed.

He sighed and looked guilty but looked amused at the same time. “Calm down, mapapagusapan natin ‘to nang hindi nagtataasan ng boses, hmm?”

I scoffed. Umikot ang mata ko sa hangin sa kabila ng lambing ng kanyang boses. “Kausapin mo mukha mo,” inis na sambit ko.

Shuta, hindi na’ko rurupok sa’yo! Mark my words!

“You’re still the girl I love before,” mahinang usal niya. Natigilan naman ako roon.

Hindi nga ako marupok--- charot.

“Paliwanag mo ang kailangan ko hindi ‘yang mabubulaklak mong salita,” sikmat ko sa kabila nang pagkakarambola ng puso ko. Tumawa siya bago umupo sa sofa.

“Okay, I’ll explain everything to you but, promise me one thing?”

Nangunot ang noo ko at umupo sa single sofa sa harap niya.

“Ano na naman ‘yan? Hindi ba puwedeng dumiretso na lang sa paliwanagan dahil kukuhanan ka pa po ng dugo!”

He chuckled. “Promise me that you won’t freak out when you found out everything.”

“Oo na! Dami mong say d’yan!”

***

“The twins are in good condition now, but we’re still monitoring them. For now, let's wait for them to wake. Dahil ano mang oras ay puwede na silang magising,” ani doctor. Napahinga naman ako ng maluwag at umusal ng pasasalamat. “I’ll go now, magro-rounds pa ako.”

“Thank you, doc,” pasasalamat ko. Inihatid ko ang doctor palabas ng kuwarto.

Nasalinan na ng dugo ang kambal at inaantay na lamang namin ang paggising nila.

Natawagan ko na rin si Tatay at sinabi ang nangyari. Noong una ay kabado ako dahil alam kong magagalit siya. Natural at talagang magagalit siya dahil sa nangyaring kapabayaan ako.

Agad-agad siyang sumugod dito sa ospital at kasama pa si Vincent at Thiago.

Ipinaliwanag ko sa kanila ang nangyari at ang lagay ng kambal.

“Hops, bumili ako ng pagkain. Kumain ka muna,” sambit ni Thiago na may dalang supot. “Favorite mo ‘to kaya ‘wag mo nang tanggihan.

Ngumuso ako at hindi na nagreklamo. Alam na alam kung paano ako kunin. Napailing na lang ako at lumipat sa lamesa para kumain.

Naamoy ko pa lang ang mabangong luto ng sisig ay agad na kumalam ang sikmura ko.

Kumuha siya ng pinggan at nilagyan iyon ng kanina at pang ulam. May dala rin siyang fruit shake at panghimagas.

“Si tatay? Saka si Vincent?” tanong ko ay naupo sa lamesa. Naginat-inat pa ako dahil mukhang mapaparami ang kain ko.

“Nasa labas may kausap,” sagot niya. Akmang kukunin ko na ang kutsara at susubo nang magsalita ulit siya. “Sinong may sabing sa’yo ‘yan?”

Palengke Series #6: Slice of Love With Miss Pandesosyal Where stories live. Discover now