Chapter 5: Caught.
Hopia’s Point of View
Lumipas ang ilang buwan at opisyal na ngang nanligaw sa akin si Xavier. Opisyal niya na ring hiningi sa tatay ko ang pahintulot na ligawan ako.
Ekk, forever na this.
Pero naudlot ang kilig ko dahil kay tatay.
‘Hindi’, ang unang katagang lumabas sa bibig ng tatay nang humingi si Xavier ng pahintulot sa kaniya.
Yari, tatandang walang dilig.
“Hindi mo liligawan ang anak ko, tapos ang usapan.”
“I understand, sir. But, sir. . . I will still pursue your daughter until I get you approval.”
Napangiti ako. I like how persistent he was. Kapag may gusto siyang isang bagay, pagsisikapan niyang makuha hanggang sa mapa-sakaniya. Hindi siya titigil hangga’t hindi niya nakukuha.
Ako rin, malapit na nitang makuha.
Sa mga lumipas na buwan ay mas lalo ko siyang nakilala. Nalaman ko na nay lahi rin siyang British dahil sa tatay niya. Kaya pala iba ang mata niya at may pagka-tisoy siya. Flipina naman ang nanay niya. May dalawa siyang kapatid, si Sir Xavian at Xavira. Nalaman ko rin na successor siya ng Fajardo Clan, isang kilalang clan dito sa Pilipinas.
Nagmula siya sa isang kilalang angkan kaya hindi ko naman maiwasang manliit sa kaniya. Galing siya sa kilalang pamilya at ako naman ay sa mahirap. Mayroong takot din akong nararamdaman dahil baka ipagpalit niya ako bigla sa isang mayaman at mas maganda sa akin.
Kalat na rin sa baranggay namin na nililigawan niya ako. May naririnig akong usapan na ginayuma ko raw si Xavier kaya ito napunta sa akin. Mayroon namang nabuntis raw ako kaya ako nililigawan. May usap-usapan rin na ginagamit ko lang siya para umangat kami sa hirap ni tatay.
Hayss, ni isa wala man lang tumama sa kanila.
But in rhe other hand, he gave me the assurance not to doubt him. Consistency, time, efforts and love.
Mas lalo ko siyang nagustuhan hindi dahil sa guwapo at may itsura siya o kaya ay mayaman, kundi dahil sa ugali na ipinapakita niya. Mabait, maalalahanin, matiyaga, pursigido. Nasa sa kaniya na ang lahat ng hinahanap ko. Pero si tatay lang ang may ayaw sa kaniya.
Wala tayong magagawa, tatay ko ‘yun lagi pang nanghahabol ng itak.
Pero kung tutuusin, dapat ako na ang magdedesisyon para sa sarili ko, hindi si tatay o kung sino man. ‘Yung mga ka-edaran ko, may asawa at anak na. ‘Yung iba nga ay kasal na at masaya pa.
Samantalang ako, NBSB! Gusto ko man lang maranasan ang magka-boyfriend! Gusto ko ring maranasan ‘yung may mag-iintay sa akin, may susundo, may hahalik, may yayakap!
Pero nga-nga!
Pero wala kasi ayaw ni tatay! Gusto ko ngang magalit sa kaniya dahil sa panghaharang niya sa mga manliligaw ko pero sa kabilang banda naisip ko, siguro ginagawa niya lang ito para maiiwas ako sa maling tao. Ginagawa niya ito para kilatisin kung tamang tao ba ang mapupunta sa akin. Para maiiwas ako sa possibleng trauma na puwede kong makuha kapag napunta ako sa maling tao. At saka isa pa, sino ba namang magulang ang nanaisin na mapunta ang kaisa-isang anak sa isang bare minimum? Protective ang tatay sa akin dahil nag-iisa niya akong anak na babae.
Kahit sinong tatay naman ‘di ba?
At saka isa pa, bata pa rin naman ako kaya siguro intay-intay na lang muna ako sa tamang tao.
Sana si Xavier na ‘yun.
“Bakla, may bisita ka oh,” kulbit sa akin ni Vincent at inginuso ang harapan kaya napatingin ako sa harap.
YOU ARE READING
Palengke Series #6: Slice of Love With Miss Pandesosyal
RomanceHopia D. Nilamas, isang baker at may-ari ng isang kilalang bakery sa lungsod. Simple at maganda, ngunit habulin siya ng mga lalaking kargador sa palengke. Kilalang ligawin ng mga kalalakihan sa baranggay nila dahil sa taglay niyang ganda. She wante...