Chapter 25

44 5 1
                                    

Chapter 25: Second Chance?

“Did Suzanne do anything to you?”

“H-Huh?” naguguluhang tanong ko. “A-Anong ginawa?”

Nanatiling seryoso ang mukha niya at hindi binibitawan ang braso ko na hawak niya.

Bumaba ang tingin ko roon kaya napatingin din siya kaya binitawan niya ang braso ko.

“Sorry.”

Umingos ako sa kanya. “Teka nga, bakit ka ba biglang sumusulpot na parang kabute at hihilahin ako papasok ng banyo? Ano na namang kailangan mo?” masungit na tanong ko.

Napakamot siya sa batok. “I-I just wanted to know if Suzanne did anything to you.”

Concern citizen ‘yan?

“Ano namang pakialam mo? Bakit? Sasampahan mo ba siya ng kaso at ipapakulong kapag may ginawa siya sa akin?” pagtataray ko.

“Don’t underestimate the things that I can do,” ngisi niya.

Don’t underestimate the things that I can do, hindi mo nga kami nahanap noon e. Daming say,” ngiwi ko.

Napawi ang ngisi niya at napalitan ng pagseseryoso. Tila ba unti-unti siyang binabalutan ng maitim na usok.

“If my brother wasn't helping you, mahahanap ko kayo,” he breathe out. “That bastard was misleading my men when I was searching for you. ‘Yun pala ay nasa puder ka niya kaya hindi ka namin mahanap.”

Nagkibit-balikat ako. “Thanks to your brother, then. Kung hindi dahil sa kanya, wala ‘yung dalawa. He was helping me out during my hard times.  He was fulfilling your duties dahil wala ka noong mga oras na ‘yun.”

Nagkaroon ng sandaling katahimikan sa pagitan namin.

It was hard through the years, without him. But with the help of Kuya Xavian naging maalwan sa amin ang lahat.

“I’m sorry if I wasn't there for you and our kids,” he murmured.

Huminga ako ng malalim at ngumiti sa kanya.

“Tapos na ‘yun, Xavier. Parte na lang iyon ng nakaraan natin. We should focus on co-parenting to our child.”

Tumalikod ako sa kanya at hindi na inantay pa ang sasabihin niya.

Pipihitin ko na sana ang seradura ng pinto nang mapatigil ako sa sinabi niya.

“Is there still a second chance to us? To fix everything I’ve done and to fulfill my duties as your husband and father to our child?”

Natahimik ako.

This is it. The moment I’ve been waiting for.

Is this what I want right? Him, asking for a second chance. To be with us and be a complete family, this is what I want right?

But, in this complicated situation, I don’t think I can give us that chance. Lalo na at nandiyan si Suzanne na kini-claim na kasal pa rin sila ni Xavier.

Hindi ko alam kung sino ang paniniwalaan ko.

I can't think straight lalo na at hindi pa umaayos ang lagay ng mga anak namin.

“Pag-usapan natin sa ibang araw,” tanging nasabi ko at iniwan siya roon.

Bumungad naman sa akin ang masasamang tingin ng mga tao na nakaabang pala sa labas ng banyo.

Napatungo na lang ako sa hiya at agad na umalis sa lugar na iyon.

Nagtungo ako sa maliit na chapel ng ospital para ipagdasal ang kambal. Pagkatapos ay nagtungo ako sa 7/11 para bumili ng ice cream.

Palengke Series #6: Slice of Love With Miss Pandesosyal Where stories live. Discover now