Chapter 8

49 7 2
                                    

Chapter 8: Days and Night as a Couple

Hopia’s Point of View

“Damn, I miss eating this!”

“Eh, ako? Hindi?”

Napatingin siya sa akin at napatigil sa pagkain. I pouted when he sighed heavily and put down his Pandesal in his plate.

“Sinong may sabing hindi kita nami-miss?Eh, sa sobrang pagka-miss ko nga sa’yo ikaw na ang gusto kong kainin,” he scoffed and came towards to me and pulled me into a tight hug.

Ako naman ay napangising aso sa sinabi niya. “Ano, g ka ba tonight?” biro ko at tiningala siya.

Walang matutulog hangga’t hindi pagod.

Ngumisi siya sa akin sabay kagat-labi. “Bakit, ready ka na ba ulit sumubo?” biro niya rin. Tinampal ko ang braso niya bago ako napatakip sa mukha ko nang mamula ito.

Narinig ko ang matunog niyang pagtawa sa ginawa ko bago ako pinanggigilan.

Siraulo ‘to. Susupalpakan na naman ako ng jumbo hotdog.

“Nakakangalay kaya sa panga,” ngiwi ko sa kaniya. “Pero kumusta ang trip mo? Nakuha niyo ba ‘yung deal?” Pinahid ko ang amos sa gilid ng labi niya.

Galing kasi siya sa isang business trip sa Thailand. Isang linggo siya roon kasama ang kapatid niya para sa isang business deal.

Ayaw pa nga niyang sumama dahil sa akin kaya binantaan ko ang loko na wala siyang kiss sa akin ng isang buwan. Kaya kahit napipilitan ay sumama siya.

At sa loob ng isang linggong iyon ay hindi siya pumalya sa pagtawag at pagte-text sa akin. At sa bawat pagtawag niya ay ngumungolngol siya na miss niya na daw ako. Tinatawanan ko lang ang loko kahit sa loob-loob ko ay miss ko na rin siya.

Pero kahit nasa Thailand siya ay araw-araw akong nakakatanggap ng bulaklak at pagkain mula sa kaniya kaya naman kahit nasa malayo siya ay dama ko ang pagmamahal niya.

Iniwanan niya rin ang isa sa hood at pabango niya in case na ma-miss ko raw siya bigla.

Iba talaga ang nagagawa ng miss.

At saka inaamin ko, spoiled na spoiled na ako sa kaniya simula pa lang na nanliligaw siya sa akin kaya nagsisimula na rin akong dumipende sa kaniya.

Wala namang masama ‘di ba?

“Yup!” he even popped the word ‘p’. “Mukhang no’ng nakita lang nila ang guwapo kong mukha, nakuha na agad namin ang deal,” pagmamayabang pa niya sabay kindat sa akin.

Humangin bigla.

Umingos ako sa kaniya sabay ngiwi. Humiwalay ako sa kaniya nang may lumapit na costumer sa counter para bumili. Nasa shop ko ako ngayon sa lungsod dahil Linggo ngayon.

“Wala naman bang babaeng umaaligid sa’yo roon?” tanong ko na hindi lumilingon sa kaniya. “Hi, good morning! Ano po ang sa inyo?” nakangiting baling ko naman sa costumer sa harap ko.

“Isang box ng assorted Pandesosyal, twelve pieces, two box of red velvet cookies and one box of brownies,” aniya . Tumango ako sa kaniya at inilista ang order niya.

Naramdaman ko namang tumabi sa akin si Xavier dahilan para mapatingin sa kaniya ang costumer na babae.

Nanliit ang mata ko sa babaeng costumer na namumula na at napatulala sa katabi ko. Naglipat-lipat ang tingin ko kay Xavier na nakakunot-noo at sa babaeng costumer.

Feel ko manghila ng hair, try ko kaya kay ateng costumer?

“Iyon lang ba lahat, miss?” tanong ni Xavier na bigla na lang nagsusungit. Mukhang natauhan naman ang babae naming costumer sa tanong ni Xavier kaya dali-dali itong tumango.

Palengke Series #6: Slice of Love With Miss Pandesosyal Where stories live. Discover now