CHAPTER ONE .Edited
"Tonyang ano ba tanghali na! Sus ikaw talagang bata ka!"
Tinakpan ko ng unan ang tenga ko. Ang ingay talaga ni Mita, umagang umaga mas nauna pa siya sa mga manok na pumuputak eh. Araw-araw ganito yung situation namin.
Urrrgghh!
"Tumayo ka na nga dyan! Maligo na at mag-almusal, malelate ka na sa school!" Sabay baklas ng unan at kumot ko.
"Mita naman eh! Ang aga pa!" Reklamo ko.
"Maaga?? Di mo ba nakikita? Maliwanag na sa labas! Ala sais na!"
See? Ala sais pa lang naman eh, pero dito tanghali na yan. Eh ano naman kung alas kwatro ng hapon, gabi na? Psh!
Aaargh! I hate this! Inaantok pa ako. Nakakahaggard gumising ng maaga.
"30 mins pa Mita, pretty please ..." ungot ko sabay talukbong ng kumot.
"Ay naku di mo ako madadaan sa lambing mo. Kung di ka nagpuyat kagabi hindi ka magkakaganyan ngayon. Hala bangon na o bubuhusan kita ng malamig na tubig??!"
Syempre wala na akong choice kundi bumangon. Eh wala naman talagang choice.
Di makakatulog ulit dahi sa pagbubunganga ni Mamita or bubuhusan niya ang ng malamig na tubig.
Bakit ngaba ako nandito sa Iloilo?
I cant remember why.
Naamnesia ata ako sa pagoda tragedy na mga nangyayari.
Ghaaad! Mahahaggard ang beauty ko!! I miss Matira City!
"Tonyang! Natutulog ka ba na naka dilat?" Singhal sa akin ni Mita.
"Edi wow Mita! Isda lang ang peg ko??" padabog akong bumangon at hinanap ang tsinelas ko.
"Ay hindi ba?? Ang laki ng eye bags mo oh! Mukha ka ng talakitok!!"
O_O?!
Wow naman! Icompare ba ako sa ex ko??
True love ko ba siya at magkamukha kami?? Di ba nga sabi nila kapag magkamukha daw kayo, kayo ang magkakatuluyan at destined for each other!
Yuck!!!
No way!!!
Sa ganda kong to?? *Flips hair*
Magmamadre na lang ako!! The nerve nung talakitok na yun. Ghaaad! Bakit ang aga-aga siya ang pinag-uusapan. psh! Pumapanget na tuloy ang araw.
Sa dinami dami ng taong babanggitin siya pa? Well not exactly na siya but sa word na talakitok, siya yun eh. Siya!
"Over ka naman Mita! Malaki na eyebags talakitok na agad?? Di ba pwedeng stress lang??" sagot ko habang nagsuswimming sa ilalim ng kama. Paano ba napunta dun sa pinakadulo ang tsinelas ko? Tsk!
Ghaaad! Ang beauty ko! Need ko na magpa facial.
Bakit ba kasi ako nandito sa Iloilo? Akala ko lahat ng taong malapit sa akin umaalis, yun pala pati ako aalis din. Tsk!
Nung una, dagsaan ang mga bumabalik pagkatapos dagsaan din ang umaalis, kasama na ako dun?
What a life?! Tama nga, napaka daming surpresa, expect the unexpected talaga. Sabi nila you're the captain of your own ship, pero hindi pala. Dahil ikaw mismo sumusunod sa agos kahit hindi naman yung direction na tinahak mo.
Shocks! Ang deep!
"Oh stress?? Gusto mo stressin kita??"
Napa lingon ako at napahalakhak sa sinabi ni Mita.
"Wow Mita! Minsan ka lang magjoke waley pa! Hahahah" :D
Kapag ba ang mga matataray at magandang dalaga waley mag joke? hahaha
*+*+*+*+*+*+*+*+*+*
Second week ko na sa school and first time ko pumunta na magcocommute kasi nga tampururot si Mamita kong bungangera kasi waleyang joke niya! :D
Matanda nga naman tampuhin na haha :D
Ayun hindi niya ako hinatid or should I say, iniwan niya ako. Proffessor kasi siya sa school, actually Dean siya ng department namin but she loves to teach kaya may mga subjects pa din siyang tinuturo. Sabi niya she doesn't want to be stuck at her desk all day. Oh di ba? Ang bongga niya? Hehe
That's why madali akong nakapasok sa university. Ahaha
She's not really my grandmother, na nanay ni mommy. Bali kapatid siya ni lola as in kakambal, so auntie siya ni mommy, so to sum it up, lola ko pa din siya. Hahaha
She's an old maid. Kaya ganun na lang ka sungit at mataray. Ewan ko nga kung bakit hindi siya nag-asawa eh.
"Bayad po!" Abot ko ng pamasahe while nag uupdate ng Twitter at FB ko.
Hindi ako nagselfie kasi I'm so stressed!
Nahahaggard na ang beauty ko! ghaaad!!
Flat na nga ang Dede, stress pa. Edi wow! Ako na ang talakitok! psh!
"Off to SXU" – feeling stressed!
"Saan galing?" Tanong ni mamang driver.
Huh?? "Sa akin po!" Baliwalang sagot ko.
"Saan papunta??" Tanong ulit niya.
Ay ulyanin na ata si manong driver. O di kaya Hindi naka pag-almusal makakalimutin.
"NOTE TO SELF: always eat breakfast para iwas memory loss" – feeling determined.
"Manong driver sa akin po galing yan kasi pamasahe ko yan baka kasi magpaparinig ka na kung sino pa ang hindi nakabayad kahiya naman po kasi sayo. At sayo po yan papunta kasi ikaw ang driver, wala ka naman kasi konduktor, kung meron edi sana sa kanya ako magbabayad. Ikaw talaga manong ang aga mo magjoke!" natatawa kong sagot.
Buti naman dalawa lang yung pasahero ni manong, hindi na madadagdagan ang pagkahaggard ko. Nakakahaggard kaya kapag puno ang jeep.
Siksikan tapos kapag minamalas ka may katabi ka pang amoy bayabas! Ghaad!!
Napa kamot lang ng ulo si manong driver. "Naku ineng ikaw din ang aga mo."
"Oo naman manong, baka malate daw ako sabi ng lola ko. No choice kasi ang ingay maaga pa niya ako binungangaan at bubuhusan pa niya ako ng malamig na tubig pag di ako bumangon. Tsk!"*pout*
"Dapat binuhusan ka na lang niya ng malamig na tubig." bulong nito.
"May sinasabi ka manong?" hindi ko kasi narinig, busy ako sa kaka fb. Ang dami na kasing likes and comments kakapost ko pa lang, ang famous ko talaga. *flips hair*
"Wala, sige bumaba ka na."
"Bakit? Doon pa sa kanto ako bababa manong." kunot noo kong sabi sabay turo sa kanto.
"Hindi kami pwede magbaba ng pasahero doon, dito lang."
Huh? Ganun ba yun?
Iba naman dito hindi pwede magbaba ng mga students sa harapan ng school? Eh ang layo pa ah at saka hindi naman pwede tumawid dito kasi doon din sa kanto ang overpass.
Nakakahaggard naman ang mag commute. Hindi ko na lang aasain si Mita sa waley niyang joke. ahahah
Maka suggest nga sa mayor dito.
Wait ...
Teka lang ...
...
...
"BAKIT MAY NAGBABA NG PASAHERO SA KANTO?? SABI NI MANONG DRIVER DI DAW PWEDE!!!!"
0�z���
BINABASA MO ANG
ANG DIARY NG MALANDI 2
Humor"Meron kaya ako balat sa pwet kaya ganito ang nangyayari sa akin? Maganda naman ako ah! Hmph!" *flips hair* Tonyang is back to find her forever!! Date started: April 28, 2015 Edited: June 19, 2016 Copywrite 2015-2016 FinkAnne .: This book is a work...