CHAPTER SIX
"Bakit nandito ka?!"
"Kyaaaaaaaah! Aswaaaaaaang!!" Sigaw ko sa sobrang gulat at napaatras pa malapit sa bangin.
"Oi!" Hinawakan niya ang wrist ko at hinila ako pabalik bago pa ako ulit mapa atras at mahulog. "Ako to, si Kenneth."
Inaninag ko ang mukha niya sa dilim, at nakahinga ng maluwag.
"God! Papatayin mob a ako sa sobrang galit mo sa akin?!" Singhal ko sa kanya ng nakabawi sa pagkagulat at takot.
Lumipad ata ang kaluluwa ko sa sobrang pagkagulat at takot. Yun bang nanahimik ka, nagmumunimuni, appreciating the natue around you, tapos napapaisip ka ng mga nangyari sa buhay mo, napapaiyak ka na tapos ... tapos ...
Tumawa siya.
Tumawa siya.
Tumawa siya.
Oh dear!
Tumawa siya!!!!
"Magugulatin ka pala?" Natatawang wika nito, sabay upo sa inuupuan ko kanina.
GOSH! Kung kanina pinalipad niya ang kaluluwa ko, ngayon pinabalik niya naman sa tawa niya.
Haaaay!
Wait .. Tonyang, kalma lang. Huwag ka ng maglalandi, you're just in love in the idea of being in love, don't forget na nandito ka dahil doon.
You need to focus para makabalik ka na.
Focus.
Focus.
Fo ... cus ...
Mayghaaad! Mas lalo siyang gumwapo pag naka smile!! Mapuputi at pantay-pantay na ipin, nawawala yung nagsasabong niyang makakapal na kilay. Its just ... Haaaay..
"Hey!" He snapped his fingers.
"Huh? Ano yun?!" Pakurap kong tanong.
Napailing lang siya at tinaasan ako ng kilay. "I said, why are you here alone?"
Umupo na din ako sa tabi niya. Gosh parang nagdidate kami neto. hihi and besides ako kaya ang nauna dito, ginulat niya lang ako at nakakangawit tumayo noh.
"Uhmm ... wala naman may iniisip lang. Ikaw?" Napabuntong hininga ako at tumingala sa langit.
Kahapon pa kami dumating dito kaya lang sa pagod sa byahe at pag-iikot para magfamiliarize ngayon lang kami nagka oras para magtipon tipon.
"Nakita kasi kita dito mag-isa while yung iba nagkakasayahan. First time mo ba?"
"Yung alin?"
HUmiga siya sa damuhan. "Ito? Yung immersion, three months din to. I bet you're home sick. Wala pa naman signal dito."
Yeah, wala nga signal dito. Kanina ko lang na confirm na wala nga, kahapon ko pa tinatry na magkasignal, I thought mahina lang talaga, yun pala wala. NAsa dulo na ata kami ng Pilipinas!
Nahiga din ako. Char! Gaya-gaya lang? Hehe ala Angelo at Ina lang sa Pangko sayo!
"Namiss ko na nga sila, kaya I'm doing my best para makabalik na ako sa amin. Oo, three months nga to, but I've been here for like almost 6 months. Kaya wala sa akin ang three months."
Yeah, I miss my mom and brother. Ito yung pinakamatagal na hindi ko sila nakikita. Madami na din nangyari sa amin sa mga kabulastugang nagawa ko pero ito nakaya nilang wala ako doon.
Nagulat ako ng pinadaan niya ang likod ng palad niya sa pisngi ko. Umiiyak na pala ako.
Dali dali akong bumangon at patakbong pumunta sa bahay na tinutuluyan namin.
BINABASA MO ANG
ANG DIARY NG MALANDI 2
Humor"Meron kaya ako balat sa pwet kaya ganito ang nangyayari sa akin? Maganda naman ako ah! Hmph!" *flips hair* Tonyang is back to find her forever!! Date started: April 28, 2015 Edited: June 19, 2016 Copywrite 2015-2016 FinkAnne .: This book is a work...
