CHAPTER TWO

178 4 0
                                        

CHAPTER TWO .Edited

FLASHBACK...

Nakaka lungkot naman, lahat na lang umaalis. Nung una lahat bumabalik ng hindi mo inaasahan at nakakahaggard pa ng beauty, tapos ngayon biglang magsisilayasan nanaman.

Anubey!?

May balat ata ako sa pwet eh. Invincible nga lang, kasi tiningnan ko naman wala naman ako nakita eh.

O sadyang malas lang ako sa mga lalaking nahahanap ko?

Hindi naman ako masyadong malandi ah as in malanding malandi na nagpapansin, kasi sadyang pansinin na talaga ako at sila naman ang lumalapit sa akin ah. I'm just returning the favor. Tsk!

Sa ganda kong to? *flips hair*

Kailan ba to nagsimula?

Hmm ...

Alam niyo naman about kay Grunt di ba? Natutunan ko siyang magustuhan ng totoo. He is so sweet and thoughtful. He accepted me as I am kahit alam niyang may mga hindi magandang rumors about me but he doesn't care and pinaniwalaan lang ang mga sinabi ko sa kanya.

He's too good to be true. Kung nagatagal pa, I can picture out na mafafall in love ako sa kanya, he is worth to invest feelings. Then, there comes the irony of love.

Perfect na sana eh, okay na eh, nandun na eh, naka buntis pa siya. Mahal daw niya ako at hindi niya sinasadya yung nangyari.

Cliché right?

Ganyan naman lahat ang sinasabi eh, hindi sinasadya at ikaw ang mahal nila. Pero may magagawa ba yun? Wala. Dahil nangyari na ang hindi dapat nangyari at nagawa na niya kahit ikaw pa ang mahal niya.

Before Grunt, there's Tok. Ang talakitok kong ex-boyfriend. Bakit pa kasi ako naniwala sa kasabihan na "Magboyfriend ka ng panget at mamahalin ka niya ng tunay." hahahaH

Edi ako pa ang na naloko. Ang kapal din naman kasi ng mukha nung isdang yun eh. Sa lahat ba naman ng nilalandi ko siya yung sinagot ko na inakala kong okay, yun pala, ipinagpalit pa niya ako sa babaeng cup D ang boobs na white version ni Wilma Doesn't!

Hay naku, kung hindi lang siya magaling humalik hindi ko siya sinagot! Hmph!

Sa kanya ata nagstart yung kamalasan ko eh. Psh!

Pero ... hindi din eh. Kasi meron pa nauna sa kanya eh. Yung isang linggong pag-ibig ko. Si James.

Yun pa ang isa, niloko din ako, pinaglaruan at pinagpustahan. Leche!

Ako din naman si malandi, nagpalandi din. Syempre crush mo tapos lalapitan ka niya at nagtapat sayo? Ghaad! Alangan naman tutunganga ka lang, opportunity comes only once!

Yun lang, pinaglaruan lang ako. Oh di ba? Ang ganda ng journey to find forever ko noh? Kasing panget lang ni Kendra! Ahahaha!

Anyway, hindi pa rin eh, kasi meron pa din nauna pa sa kanya eh. Yung past na naging present, si Elmer.

Isa siya sa mga taong bumalik pagkatapos ng ilang taon. Yung iiwan ka sa ere ng walang paalam and then, one day biglalang susulpot at gustong ituloy ang naudlot niyong ugnayan.

You're considered lucky kung binalikan ka, hindi lahat ay binabalikan. Only those who are really special to you at mahal mo, hindi lahat nagkakaroon ng tapang para harapin ka at humingi ng chance, kahit alam mong walang kasiguraduhan.

Just take the risk and cross the bridge when you get there. char!

Pero, oo, you'll never know kung hindi mo titingnan di ba?

ANG DIARY NG MALANDI 2Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon