Chapter 2

6 0 0
                                    

.
.
.
.
"This girl, she was the one I was looking for almost 2 years ago."

Bigla akong napalapit at tiningnan siya ng harapan. "Bakit hindi niya ako kilala?" Nagtatanong ang mga mata na tinitigan ko siya. Tumitig din ito saka nagsalita:

"Ah hindi ko siya kilala tito, ngayon ko lang siya nakita. Isinabay lang ni manang." Seryosong tugon nito.

Parang nawala ang masiglang aura nito kanina. "Pero bakit ganoon? Ikinakaila niya ako. Hindi na ba niya ako kilala?" Malungkot na sambit ko sa aking sarili.

"Tito doon na muna ako sa kuwarto. Sumakit po kasi bigla ang ulo ko eh." Pilit ang ngiting sabi nito.

"Ah ganoon ba, oh sige magpahinga ka muna anak, at uminom na rin ng gamot ha?" Nag-aalalang tugon nito.

Umalis na agad ito nang hindi man lang ako nililingon. Parang gusto ko siyang sundan, ang tagal ko din siyang hinanap. Dito ko lang pala siya makikita.

"Hindi na ba talaga niya ako kilala?" Bulong ko.

"Sige Maya kumain ka muna, siguradong pagod ka sa byahe." Masiglang aya ni tito.

"Sige po tito salamat." Sagot ko sabay ngiti ng bahagya.

Habang kumakain kanina ko pa inaantay na lumabas ulit si Giday or lemme say Bea. Kung hindi ako nagkakamali siya talaga si Giday.

Sa kwarto hindi rin mapalagay si Bea.

"Bakit nakita ko pa siya ulet?" Malungkot na tanong ni Bea sa sarili niya. "Hindi dapat ako paapekto."

Biglang may kumatok.

"Bea? Tawag ka na ni Papa. Kain narin tayo." Si Jov. Bestfriend ni Bea, Siya talaga ang anak ni tito.

"Sige lalabas na ako maya-maya bes."
Sigaw ni Bea. "Kaya mo yan Bea, show her you have moved on." Kausap ni Bea sa sarili.

Pagkalabas ni Bea, napalingon agad ako habang naglalakad ito.

Nag-iba na ang kulay ni Giday, She was now TAN and more Hot. At ang maikling buhok niya dati na blonde ngayon ay maitim at mahaba na.

She was still as pretty as she was before. Isa lang tingin kong nagbago, hindi na niya ako mahal at wala na siyang pakialam sa akin.

Nakasuot lang siya ng maikling short at oversized t-shirt, ganun pa man, halata parin ang magandang hubog ng katawan nito.

Biglang namula ang mga pisngi ko. Tila may naisip akong karumal dumal (hahaha)

Tumaas ang tingin ko sa mukha niya. Bigla itong nagtaas ng kilay. Nahalata ata na parang hinuhubaran ko na siya sa mga tingin ko. >.

"Bea iha, mabuti naman at lumabas ka na. Gusto ko kasing ipakilala sayo ang anak ng kumpadre ko. Balik bayan yan." Pagmamalaking turan ni tito.

"Pasensya na po kayo tito, sumakit kasi ang ulo ko kanina." Nakangiting sagot nito na hindi naman pinansin ang pagpapakilala ni tito.

"I understand iha." Ngiti nito. "Nga pala Maya, this is Bea, she is Jov's Bestfriend. She came here a year ago and worked in our business.

See, siya na ang namamahala sa Ferry Boat." Mahaba at masayang paliwanag ni tito.

"Wow, how come it wasn't Jov tito?"

"You know naman Jov, it wasn't her forte. She's not interested." Maikling sagot nito.

"Thanks for your understanding papa." Nakangiting sabat ni Jov. Iba kasi ang hilig nito. She's a Manila Girl.

Samantala tahimik lang na nakikinig si Bea. Paminsan minsan sinusulyapan ko siya pero wala man lang ito pagsulyap sa akin. "Wow, snob ah." Bulong ko, sabay sipa sa paa niya.

The Painful PartTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon