Chapter 3

3 0 0
                                    

.
.
.
.
Sa Umaga.

Nagising ako na nakayakap na si Giday rather Bea sa beywang ko. Bigla akong napangiti. "Aayaw ayaw pa ng human blanket kagabi ah." Sabi ko sa isip ko sabay tawa ng bahagya.

Bigla itong gumalaw.

Nagkunwari akong tulog. Maya maya lang ay may dumamping kamay sa noo at leeg ko.

Nang matiyak ata nito na wala na akong lagnat ay dahan dahan itong bumangon.

At dahil ayoko pang umalis siya sa tabi ko, nagkunwari akong gumalaw at iniyakap ang mga kamay ko sa beywang niya.

Dahan dahan ulit na inalis niya ang mga kamay ko, ngunit lalo akong kumapit.

Napaghalataan yata ako dahil maya maya lang katakot takot na kurot ang ginawa niya sa tiyan ko. (haha)

"Aray naman. Natutulog yung tao eh." Medyo natatawang reklamo ko.

"Tulog nga ba? or tulug-tulugan? Manyak!" Sigaw nito sabay tayo.

"Grabe ah, kung makapagsalita naman to." Sagot ko habang hawak hawak ang kinurot niyang parte ng tiyan ko. Ang hapdi kasi. (haha)

"Oh anong grabe dun aber?" Mataray na tanong nito.

"Ikaw nga diyan ang manyak eh, nakayakap ka sa akin kanina paggising ko." Natatawang ganti ko.

Bigla itong namula. Di makaapuhap kung ano mang sasabihin kaya mas pinili nalang nitong tumalikod.

"Bahala ka diyan!" Sigaw nito habang palabas ng kuwarto.

"Manyak!" Sigaw ko na natatawa.

"Whatever!" Pahabol na sigaw nito bago tuluyang lumabas ng pinto.

Tawa lang ako ng tawa. Naisahan ko din siya.

Maya-maya lang ay may kumatok.

"Oh manyak bumalik ka?" Natatawang tanong ko.

"Ah eh, ineng hinihintay ka na sa labas para mag-almusal." Si manang pala ang kumatok.

"Ah ay sorry po kala ko si Bea." Natatawang sagot ko. "Sige po lalabas na ako." dugtong ko.

Pagkalabas hindi ko na nakita si Bea. Hindi ko rin siya nakasabay sa pagkain.

"Asan na kaya ang babaeng yun." Nagtatakang tanong ko sa sarili ko.

"Ah Maya ipapahatid nalang kita dun sa may pantalan, hindi pa kasi kita maipagdadrive ngayon eh. Magsisimba kami ng tita mo." Paliwanag ni tito.

"Ah sige okay lang po tito, maraming salamat po pala sa lahat." Nakangiting sambit ko.

"Nako walang problema. Para na rin kitang anak. Dumalaw dalaw ka dito minsan ah."

"Opo tito. Ah siya nga po pala, asan po si Bea?" Nahihiyang tanong ko.

"Ah si Bea, nako hindi mo talaga makikita yun dito ng ganitong oras. Dahil maaga palang bumibisita na siya dun sa Ferry Boat at minsan sumasama siya sa byahe."

"Ah kaya pala medyo naging TAN na ang kulay niya." bulong ko sa isip ko.

"Oh paano Maya, mauna na kaming umalis sayo at baka malate na kami sa Church. Sila na bahala maghatid sayo ha?"

"Sige po tito at tita ingat po kayo." Magalang na sagot ko.
.
.
.

Habang pauwi naisipan kong dumaan muna sa pantalan kung nasaan ang Ferry Boat.

Pagdating, nakita ko agad si Bea. Busy sa pakikipag-usap sa mga Crew at passengers. Napalinga ako at naghanap ng mapagtatanungan.

"Ah kuya, anong oras ang byahe lage ng Ferry boat kung manggagaling dito?" Tanong ko sa isa sa mga crew.

The Painful PartTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon