DRIFTING DAYS
Unang araw niya sa bahay, masaya pa kami at ramdam na ramdam namin ang pagkamiss sa isa't-isa.
Yung tipong pagkakita palang nagyakapan na kami at naghalikan. ❤
That night, sinulit na namin ang pagkamiss sa isa't isa. At ramdam na ramdam ko ang pagmamahal niya.
.
.
.
.Pero sa mga sumunod na araw, parang may nag-iba na. Sa mga lumipas na araw nagawa pa naming mamasyal at umakyat ng bundok. At magcelebrate ng monthsary.
Pero may kakaiba na talaga.
One time, I got angry because she has plans of attending a drinking session with a boy. We fought and everything has started.
She started hiding her phone. All of her cellphone applications has lockd. And I am not allowed to access them anymore.
Her reasons? PRIVACY.
Dahil daw madalas na kami mag-away sa mga konting bagay na nakikita ko sa cellphone niya.
So, hinayaan ko lang at hindi ko na masyadong pinansin ang biglaang pagkagusto niya sa PRIVACY.
Kasi hindi naman nagbago ang pakikitungo sa akin ni Bea. Malambing parin.
Pero sa paglipas ng araw, kakaiba na talaga ang mga kinikilos niya.
Madalas kapag katabi ko siya, ayaw niyang ipakita kong anuman ang mga ginagawa niya.
Minsan din bigla nalang siya nawawala sa gabi, tapos ayon pala may kausap. Ganoon din sa umaga.
At dahil doon, lalong dumalas ang pag-aaway namin ni Bea.
Napadalas rin ang pag Facebook ni Bea. Ang paggamit ng messenger. At madalas talaga iniiwas niya ang phone niya para wala akong makita.
Hindi na ako nakatiis at dinala ko siya sa park para kausapin ng masinsinan.
"Mahal, gaano mo nalang ako kamahal?" Seryosong tanong ko.
"Bakit mo naman natanong mahal?" Nagtataka ito.
"Kasi, napapansin ko ang mga pagbabago?"
"Tulad ng?"
"Hmmm yung madalas na paggamit mo ng phone? Yung privacy mo?"
"Marami lang akong problema hack."
"Andito naman ako, bakit di mo sakin ishare?"
"Kasama ka kasi sa mga problema ko hack." Seryosong sagot nito.
Huminga ako ng malalim at yumuko.
"Mahal mo pa ba ako?" malungkot na tanong ko.
"Ayan, lagi mo tinatanong sakin yan. Naiistress kasi ako sayo."
"Kasi nararamdaman ko na may nagbago."
"Mahal parin naman kita hack. Pero hindi na nga lang tulad ng dati."
Bago pako maiyak itinaas ko na ang mukha ko, saka ako tumingin sa kanya.
"Bakit? May nagawa ba ako mahal?" May hinanakit na sa boses ko.
"Napapagod at nagsasawa lang ako sa away natin mahal. Pero mahal pa naman kita. Kaya wag na tayo mag-away please?"
Huminga na naman ako ng malalim.
"Isang tanong na lang." Hirit ko.
"May iba na ba?"
"Saan mo naman nakuha yang idea na yan?" Natatawang tanong nito.
"Napapansin ko lang."
"Wala na nga akong pera, paano ako makakapambabae? Maliban nalang kung bibigyan mo ko." Natatawa parin ito.