.
.
.
Kinabukasan ng umaga.Nagising si bea ng maramdamang may nakadantay na kamay sa mga kamay nya. When she opened her eyes, she saw me, holding her hand while sound asleep. Napatitig ito saglit.
And as usual bigla na naman akong nagising. (Haha)
Dahan dahan bumukas ang mata ko at napansin kong biglang nag iwas ng tingin si Bea.
"Ginising mo na naman ata ako gamit lang ang magagandang mata mo." pang-aasar ko, sabay ngiti.
"Excuse me Hacky, hindi kita tinititigan no!" Sabay irap nito.
"Sinabi ko bang tinititigan mo ko?"
"Hmm hindi."
"Eh nakita lang naman kitang nag iba ng tingin pagbukas ko ng mata ko." nakangisi parin na sagot ko.
Mukhang nabadtrip ito at biglang tumayo.
"It's nonsense to argue with you." naaasar na biglang tayo nito.
"Oopps, bawal ang pikon. Tara let's have breakfast na." Nakangisi parin ako sabay tulak sa kanya papasok sa dining area.
"Huwag mo nga akong hawakan, hmp."
Tinulak ko parin siya sabay tawa. (Haha)
While having breakfast, I often throw glance at her. Natatawa ako, she's still careless when she eats. Kala mo buong araw di nakakain. (Hahaha)
Napansin ata ako nito. "What's so funny hacky?" Lumalaki ang ilong este ang mata nitong tanong. (Haha)
"Nothing, you look so pretty lang while eating." Nakangiting sagot ko.
"Sus. Mukha mo." Paismid na sagot nito.
Kinindatan ko siya. "Ang cute mo."
Natawa lang ito sabay ikot ng mata. (Haha)
After we ate maya maya lang lumabas kami at naglakad lakad na sa tabing dagat. .
.
.
.
Wala paring pinagbago ang view. The breathtaking sea, Islands, white sand...I look at her ...
"At ang pinakamagandang view sa tabi ko." Ang mata ko punong puno ng paghanga at pagmamahal na nakatitig sa kanya.
Tahimik lang itong nakatingin sa dagat.
Her eyes, it really makes me crazy. >.<
Maya maya lang nagsalita nako.
"Alam mo ba, kung saan saan din kita hinanap. Hindi ko inakala na dito lang kita matatagpuan." Seryosong umpisa ko ng usapan.
Tahimik lang ito at di sumagot.
"I know i was so harsh on you. And I took you for granted. But god knows, sising sisi ako sa mga nagawa ko noon." Masuyong dugtong ko. My eyes looking straight to her.
She's still mute, but I can see her eyes starting to get teary. She took a deep breath then answered.
"I got coward then. Hindi ko na alam kung paano pipigilan ang puso ko na umaapaw na ang pagmamahal sayo noon hacky. Natakot na ako na malunod." Sagot nito na tuluyan ng tumulo ang mga luha.
"Pero Mahal kita Bea. What made you think na hindi ko kayang tapatan ang pagmamahal na binibigay mo?"
"Ewan ko. Sobra lang talaga siguro akong natakot noon." Naluluha paring sagot nito.
"Alam mo bang namiss kita ng sobra?" Nakangiting sagot ko pero nagbabadya na ang mga luha sa mata ko.
Napalingon ito. I can see the emptiness and loneliness in her eyes. And the familiar longingness.