.
.
.
Habang papalapit sa maliit na bangka na sasakyan ko papuntang consuelo bigla akong napalunok pagkakita na madaming pasahero."Isa nalang aalis na!" Sigaw ng driver.
Nagdadalawang isip ako kung sasakay ako dahil tingin ko overloaded na. Wala si papa kaya walang sasagip sa akin sakaling malunod ang bangka. (haha)
"Sasakay ka po ba? tara na po." Magalang na tanong ng driver.
"Eh manong hindi ba tayo masyadong marami?" Nag-aalangang tanong ko.
"Nge, konti pa nga yan neng." Natatawang sagot ng driver.
"Huh? konti pa yan sa lagay na yan?" Natatawang kausap ko sa sarili ko. "Hay bahala na, jusko lord." dugtong ko sabay sign of the cross bago sumakay."
Habang nasa kalagitnaan na ng byahe, nakasalubong namin ang G&M Ferry boat nila Bea. Nasa may bubong ito at nakasuot ulit ng sunglasses.
Hindi mawalay walay ang titig ko sa kanya kahit lumagpas na ito.
Mabilis ang takbo ng malaking Ferry boat kaya nadaanan namin ang alon na naiwan nito at gumewang ang aming bangka. Naku! muntikan na.
Ilang minuto lang nakarating din kami sa pantalan ng consolacion. Sinalubong agad ako nila lolo.
"Hi lo, mano po."
"Kaawaan ka ng diyos apo. Mag-isa ka lang ba?" Nagtatakang tanong nito.
"Ah opo lo, namiss ko lang kasi ang lugar natin at kayo kaya napadaan ako."
"Ganoon ba, oh siya tara na doon at hinihintay ka na nila." Masiglang sambit nito.
Naging masaya naman kami at nagkaroon ng maliit na salo salo.
Kinagabihan.
Naupo muna ako sa may pantalan para kumuha ng signal at makapagtext. Very remote na kasi ang area kaya mahina ang signal.
Habang tinataas ko ang phone, nasisilayan ko ang langit.
Ang tahimik at ang gandang tingnan nito kasama ang mga bituin.
"Ang mga bituin." bulong ko. Mahilig kasing manuod si Giday ng mga bituin sa langit.
"Mahal tingnan mo, ang ganda ng mga bituin noh?" Si Giday habang nakahiga sa mga hita ko.
"Kasing ganda mo mahal." Nakangiting sagot ko.
"Hmp bola mo." sambit nito sabay kurot ng marami sa tiyan ko.
"Aray naman love, tama na please?" Nagmamakaawang samo ko na natatawa. Natawa nalang din ito.
Nang bigla itong nagseryoso.
"Mahal uuwi na naman tayo sa kanya-kanyang bahay. Naiinis na ako na saglit lang tayo nagkakasama." Malungkot na turan ni Giday.
"Darating din ang panahon na magkakasama tayo ng matagal mahal ko, konting tiis pa." Malambing na sagot ko.
"Hays, nakakainis kasi hindi man lang kita madalas maisama sa bahay. Baka kasi mahalata na tayo eh."
"Hayaan mo na mahal, antayin nalang natin na makapagwork at makapagdorm ka." Sabay kintal ko ng halik sa noo niya.
Mahirap kasi talaga ang sitwasyon namin ni Giday. Dito siya sa Manila at ako naman sa pampanga. Every weekends lang talaga kami pwedeng magkita dahil permanent teacher na ako sa aming lugar.
------
Bumalik sa kasalukuyan ang alaala ko ng biglang nakakaresiv na ako ng messages.Sunod-sunod na may dumating. Grabe kanina pa kasi ako walang signal sa bahay. Una kong naresiv mga text ni mama tapos sa aking kaibigan.
Mama: Maya kumusta ka diyan? Nakarating ka na ba ng dapa?