.
.
.
.
."Saan pala ako matutulog mahal, sa inyo ba?" Biglang tanong ko ng maalalang mag-aalas diyes na pala ng gabi. Isang oras na din pala kami sa park.
"Siyempre sa bahay po." Nakangiti ng sagot nito.
"Pero mahal, baka may alam na din ang kuya mo eh?" Nag-aalalang tanong ko.
"Hindi pa siguro mahal. Hindi pa naman sila nagkakateks ni ate." Sagot nito. "Halika na." Nakangiting dugtong nito.
End of Flashback
"What?" Pasigaw na tanong ni Nehy sa phone. "Paano nila nalaman ang tungkol sa inyong dalawa ni Giday?"
"Dahil sa issue na yun, dineactivate niya yung account niya. The guy saw her Madeline account kasi unsearchable na yung dati. Then that's it. The guy told her Ate about us. Kami kasi ang nasa Profile picture."
"Then?"
"The guy sent me a message. Asking who I was. But i returned the question. He said he was Giday's boyfriend."
"Did you believe him?"
"At first I got shaky. But I remembered Jha's statement. She broke up already, the guy just can't accept."
"Parang bakla naman yung guy ah. To think na isinumbong pa kayo."
"Yun nga ang naging problema namin noon ni Giday. We can't stay in their house anymore. Even in her Tita's house."
"Why?"
"Her father found out also that she doesn't go home for 3 days everyweek. Dinadala ko kasi siya sa bahay."
"Then?"
"Ayun, natakot ng umuwi noon si Giday. Kasi lahat halos alam na sa kanila. At baka bugbugin daw siya ng papa niya."
"So you mean, nagtanan na pala kayo?" Gulat na tanong nito.
"Exactly. She was restless then at takot na takot na. She even left her Job. So i brought her to my sister's dorm."
"At ayaw na talaga niyang umuwi?"
"Yes, maliban sa takot niya na mabugbog at mapagsabihan ng mga ate at mama niya, natatakot daw siya na baka hindi na niya ako makita."
"Wow, umabot pala talaga kayo sa ganoong punto. She even left her family for you. Ganoon ka niya kamahal hack? Wow ikaw na talaga. Haha."
"Kaya nga eh. Ang tanga ko lang at hindi ko agad napahalagahan yun. So I lost her. " Malungkot na sagot ko.
"Ay grabeng katangahan talaga yun hack. She left and gave up everything for you and you took her for granted!"
"I was just scared then."
"Look what happened."
"I know. Kaya ngayon gagawin ko ang lahat to win her back."
"Sana lang bumalik pa siya. 2 years have passed already hack. It's not easy."
Bigla akong nalungkot sa mga sinabi ni Nehy. Dalawang taon na nga ang lumipas, malamang marami ng nagbago, lalo na sa nararamdaman nito.
"Bahala na."
"Oh siya, pahinga ka na hack. Malalim na ang gabi. Next time ulet ah."
"Sige salamat din sa pakikinig. Goodnight buddy."
"Ok, goodnight."
Binaba ko na ang phone saka naglakad pauwi ng bahay.
AFTER 3 DAYS.