Chapter 14

0 0 0
                                    

.
.
.
.
Matalim na tumingin ako kay Bea bago ako tumingin sa babae at nagsalita ng..

"Hindi mo ba alam na may jowa tong babaeng to.." Hindi ko pa man natatapos ang sinasabi ko tinakpan na ni Bea ang bibig ko.

Iwinaksi ko ang kamay niya.

"Tama na. Wag ka ng magsalita."

"Anong wag. Tang-ina ka, dinala mo pa talaga dito yang babae mo!"

"Tama na sabi." Sagot ni Bea sabay tulak. Napaatras ako sa may pinto.

"Ang galing mo din eh nu!..."

"Wag ka na sabing magsalita. Ako na ang bahalang magsabi sa kanya!" Sabay tulak na naman niya.

Napaatras ako ulit. Di ko na napigilan at itinulak ko na rin siya. Nagbangayan kami at nagtulakan hanggang sa nagkasugat ang bibig ko at dumugo kakatakip niya.

"Nasaan na ang mga litrato kung nakadikit dito sa dingding? haha inalis mo para di niya makita ha?!"

"Tumahimik ka na sabi!" Tinulak na naman ako nito at napadikit ako sa dingding.

Sinakal niya ako gamit ang mga braso niya pero banda sa baba lang ng leeg para di ako makagalaw. Sinamantala ko ang pagkakataon na harapan siyang makausap.

"Kinamumuhian kita Bea!" Nauutal na ako pero pinipigilan kong umiyak.

"Pinagsisisihan ko na nakilala kita at Minahal! Ayaw ko ng makita yang pagmumukha mo buong buhay ko!" Bawat kataga ko, dinidiin ng galit.

Napapikit si Bea. Halatang naapektuhan sa sinabi ko pero di ito nagpatinag.

"Oo alam ko. Hayaan mo nalang ako."
Sagot nito saka ako binitiwan.

"Lumayas na kayo dito sa pamamahay ko bago pa magdilim paningin ko."

"Wag ka ng magsalita! Oo aalis kami ngayon din mag-antay ka!" Una niyang pinalabas ang babae.

"Bilisan niyo!"

Nagtulakan na naman kami ni Bea dahil kaming dalawa nalang sa loob.

Hindi ko alam kung saan ko galing ang lakas ko pero nagawa kong sakalin ng madiin si Bea.

Madiin na Madiin. Nagdilim na ang paligid ko at hindi ko na napapansin na nahihirapan na pala itong huminga.

Nagising nalang ako ng bigla itong umubo kaya binitawan ko na siya. Pero sinampal ko siya ng malakas sabay sabing...

"Para yan sa lahat ng sakit na ibinigay mo sakin!"

Napatingin ako sa mga kamay ko at naupo sa sulok.

"Bakit hindi siya gumanti? Bakit hinayaan niyang sakalin ko lang siya." bulong ng isip ko.

Tahimik lang itong gumalaw at kinuha ang mga gamit. Bago umalis nag-iwan muna ito ng mga katagang...

"Paano niyan? Masaya na ako ulit. Matagal na kitang hindi MAHAL. Alam mo yan." Saka ito tumalikod.

"Tang-ina talaga. Aalis nalang sinaksak pa ulit ang puso ko ng kutsilyo." Sigaw ng isip ko.

Tumayo ako para sundan silang dalawa.

Hanggang labas, nagbalyahan kaming dalawa.

Habang naglalakad ng mabilis, magkahawak kamay sila.

Wala na akong nagawa kundi panuorin nalang sila. Kahit puno ng galit ang mga mata ko, hindi parin nito napigilan na may tumulong luha habang nakatingin sa mga kamay nilang magkahawak kamay. :'(

"What had just happened hack?" Tanong ko sa sarili ko. Ang tanga tanga mo! Nagmahal ka na naman ng taong mananakit lang pala sayo!"

Bagsak ang balikat na naglakad ako pabalik ng dorm.

The Painful PartTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon