Chapter One

9 3 0
                                    

A/N : holabels, again enjoy reading!

.............

I CAN'T BREATH.

Mawee's POV

Naiwan na naman ako dito sa apat na sulok ng aking kwarto. Batid kong nais akong isama ni Kuya Maursh pero tingin pa lamang ni Ate Vynee ay hindi na ako maaring isama. Kahit anong pagpupumilit ni Kuya V-Maurx ay balewala dahil umiling na agad si Daddy ng sabihin ni Ate Vynee na hindi siya sasama kapag sinama ako. Hindi ko naman ipinagpipilitan ang sarili ko na isama nila ako. Ayaw na rin sanang sumama ni Kuya Maursh at Kuya V-Maurx pero pinilit ko na lamang din silang sumama dahil na rin ng kagustuhan ni Ate Vynee, kagustuhan niya ang maiwan ako dito kasama ang mga maid namin.

Nasa balcony ako ng kwarto ko kung saan matatanawan ko ang magagandang tanawin sa may dalampasigan. Dinadama ko ang sariwang hangin na dumadampi sa mga balat ko. Dama ko ang maaliwalas na hangin nito dahil sa suot kung maong short at sando. Kasabay ng pagmumuni-muni ko ay ang pag-inom ko ng kape na tinimpla ni Nanay Marhyl.

Nang matapos kong higupin ang kape sa tasa ay pumasok na muli ako sa kwarto ko mula sa balcony ng mahagilap ng mata ko ang pintuan kung saan nakasilip doon si Khiram.

"Pasok ka. Anong ginagawa mo dito?" tanong ko habang kumukuha ng tubig sa ref ko na nasa loob ng kwarto.

"Sisilipin ko sana kung nandito ka. Umalis na kasi sila sa baba pero hindi ko napansin kung isinama ka nila kaya dumiretso na lang ako dito." sabi niya at dahan dahang umupo sa sofa ko na malapit sa kama.

"Yeah, sanay na naman din ako e. Hindi ko naman sila pipiliting isama ako lalo na at nag-iinarte ang reyna reynahan kong Ate. HAHAHA." sabi ko naman at pilit na tumawa.

Napatingin naman ako kay Khiram ng hindi siya tumugon at hindi nagreact sa sinabi ko. Tahimik siyang nakamasid sa bukas na pinto ko na patungo sa balcony at wari'y pinagmamasdan niya ang payapang karagatan.

Umupo na rin muna ako sa kama at tinanaw ang karagatan na siyang tinatanaw din ni  Khiram. Ang sarap lamang sa pakiramdam na may magagandang tanawin na sumasalo ng mga kalungkutan ko.

Habang tahimik kaming nakamasid ni Khiram sa payapang karagatan ay may nagsigawan sa baba at nakarinig kami ng mga bagay na nagdulot ng malakas na ingay. Mabilis kaming tumayo ni Khiram at humawak ng mga bagay na pwede naming ipandepensa. Nagkatitigan pa kami ni Khiram habang nagpapakiramdaman at ng mag-uumpisa pa lamang kaming humakbang ay nagbukas na agad ang pinto at tumambad sa amin ang dalawang malaking tao na may hawak na baril. Agad lumapit sa akin ang isa at kay Khiram lumapit ang pangalawa. Hinawakan niya ako sa kwelyo at sinigawan.

"Sabihin mo sa Ama mong magaling na sa oras na hindi niya pirmahan ang dokumentong pinag-usapan nila ni Mr.Licasim ay makikita niya ang hinahanap niya!" sigaw na sabi niya sa akin kasabay ng malakas na sampal na ikinawindang ko.

"Ahhh!!!" tanging nasambit ko.

Kita ko sa gilid ng mata ko ang nagpupumiglas na si Khiram pero dahil sa malaki ang lalaki ay hindi na ito makapalag.

"Ito, Ibigay mo ito sa ama mo !" sigaw muli niya sa harapan ko sabay abot ng maliit na bagay, wari ko ay isa itong USB.

Hindi niya pa rin binibitawan ang kwelyo ko at hindi naman ako makapagpumiglas dahil alam kung hindi namin kaya ito ni Khiram. Ramdam ko din ang panginginig ng tuhod ko kaya hinayaan ko na lang siya. Hinayaan ko na lamang siya na bugbugin niya ako. Sinapak at sinipa niya ako at hindi pa siya nakuntento dahil sinabunutan niya rin ako. Sa sobrang panghihina ko ay nakita ko pa rin si Khiram na nagpupumiglas pero hindi siya bitawan ng lalaki. Malaki na lamang ang pasasalamat ko dahil kahit papaano ay walang lumapat na kamay sa kanya.

"Ahhhh!!" tanging sambit ko ng bitawan niya ako at tuluyan akong natumba sa sahig. Okay lang kahit ako ang masaktan 'wag lang itong mga taong nasa paligid ko.

Ang akala kong aalis na itong dalawa ay mali ako. Kumuha sila ng tali at itinali kami ni Khiram sa magkahiwalay na parte ng kwarto ko. Nilagyan niya din kami ng tape sa bibig. Nang masiguradong nasa ganon na pwesto na kami ay nagsimula na silang lumabas ng kwarto ko. Tanging malakas na busina ang pinakawalan nila bago sila tuluyang umalis ng mansyon.

Matapos kong marinig ang busina ay doon mabilis tumulo ang luha ko. Doon ko mas ininda ang sakit ng katawan ko. Doon ko mas napagtanto na kawawa ako. Hikbi na lamang ang nagawa ko sa kabila ng sakit na nararamdaman ko. Alam ko na nakamasid sa akin si Khiram at nakikita ko din ang awa sa mga mata niya pati na ang wari ko'y pagsisi niyang tingin dahil siguro'y hindi niya ako natulungan. Pero okay na rin yun para atleast hindi siya nasaktan.

Sa takot at sakit na nararamdaman ko ay doon ko nadama ang bigat ng talukap ng aking mga mata. Hindi ko na napigilan at kusa itong nagsara.

        
            𒊹︎︎     𒊹︎︎︎     𒊹︎︎︎

Isang malakas na sigawan sa harapan ko ang naging dahilan ng paggising ko. Nagulat pa ako ng sampalin ni Mommy si Daddy.

Nakatali pa rin ako at nakatape pa rin ang aking bibig habang nasa harapan ko si Mommy at Daddy na may pinapanood sa laptop na wari ko ay yung USB na iniwan sa akin nung malaking lalaki. Namataan ko din ang boredom na si Ate Vynee habang nakaupo sa sofa at nilalaro ang sariling daliri. Nagtataka na ako kung bakit hindi pa rin nila kami inaalis dito ni Khiram. Sinulyapan ko siya at wari ko ay natutulog siya.

"Anong ibig sabihin niyan Vyn!?" sigaw ni Mommy sabay turo sa screen ng laptop.

"Hon, i'm so sorry." nakayuko na sabi ni Daddy matapos makatanggap ng sampal kay Mommy.

"Nagtiwala ako sayo,Vyn. Naniwala ako na hindi mo yan magagawa sa akin at sa pamilya natin!" sigaw pa rin ni Mommy habang patuloy na nagbabagsakan ang mga luha.

I knew it. Those videos are my dad with his mistresses. Alam ko na yan una pa lang kaso walang handang makinig sa akin kaya sinarili ko na lang.

"Mooommmm!! Daaaadd!!"sigaw ni Kuya V-Maurx.

"Mawee! Mawee!" sigaw naman ni Kuya Maursh.

Mabilis silang nakarating sa kwarto ko at sabay din na huminto sa tapat ng pinto at pinagmamasdan ang sitwasyon.

Pero patuloy pa rin na umiiyak si Mommy at nakayuko si Daddy sa harap niya. Naaawa ako kay Mommy pero tampo pa rin ako sa kanya kasi kung una pa lang ay pinakinggan niya ako ay sana nalaman niya ng mas maaga at hindi na umabot sa puntong ito.

Tumulo na namang muli ang aking luha at kahit nakatape ang bibig ko ay hindi ko na maiwasang humikbi. Napansin siguro nila ako kaya natigil sila at sabay sabay na napatingin sa akin maliban kay Ate Vynee.

Mabilis na tumakbo sa harap ko ang dalawa kong kuya. Si Mommy at Daddy na nakalimutan ata ako kanina ay humarap na din sa akin at hinihintay na makalas ako sa pagkakatali. Pero wala pa ring pag-aalala ang nakikita ko sa mga mata nila.

Matapos nilang maalis ang tali at ang tape sa bibig ko ay doon na nagtuloy tuloy ang pag-iyak ko. Hindi ko na mapigilan at wari'y boses ko lamang ang naririnig sa buong kwarto. Hinawakan ako ni Kuya Maursh sa braso at tila tinatayo ako pero hindi ko kaya masyadong masakit ang tinamo kong mga sugat at pasa.

"K-kuya, s-i si K-hi r-ram." sabi ko kay kuya Maurx sabay turo ko kay Khiram na bahagyang nagising na din. Agad naman din na pinuntahan iyon ni Kuya V-Maurx at kinalas sa tali.

Kinausap ako ni Mommy and Daddy pero hindi ko magawang magsalita at tanging hikbi lamang ang nagawa ko. Nakamasid ako sa mga mukha nila na nakatingin din sa akin. At habang nagsasalita sila ay humihina ang pandinig ko at tila ba nagslow motion sila sa harapan ko. Lalong nagtuloy tuloy ang pag-agos ng luha ko at kasabay n'on ang pagbilis ng tibok ng puso ko na naging dahilan ng-

"I- I c-cant b-breath" sambit ko sa pinakamahinang boses kasabay ng paghawak ko sa dibdib at doon ko na naramdaman ang pagdilim ng paningin ko.

Typical GirlaluWhere stories live. Discover now