A/N: Mga labidabs ko, enjoy reading! Next time ko eedit kapag may mali sa typo, grammar at spelling. MWA
.......
THE COMEBACK
Third Person's POV
Matapos sa pagkain ay nagpahinga lamang ng kaunti ang apat at nagsimula ng linisan ang paligid ng bahay nina Ella at Cath.Ang likod bahay ay tinaniman nila ng mga gulay at ang gilid at harapan ay tinaniman ng mga namumulak-lak na halaman ni Khiram. Nilinis din nila ang balcony sa harap ng front door at naglagay ng lamesa na may apat na upuan. Ang Garage naman ay nilinis na din namin dahil may plano ang magpinsan na bumili ng sasakyan para mas mapadali sila kapag may pinupuntahan.
Mabilis din nilang naayos ang paligid at tila bago ulit. Pati ang gate at paligid ay napinturahan nila at napaganda.Bago mag-alas kuwatro ay natapos sila kaya't nagpahinga sila sa balcony at lumanghap ng sariwang hangin.
"Natapos din tayo" sabi ni Khiram sa tatlong kasama.
"Oo nga e, nakakapagod." sabi ni Ella.
"Pero worth it, diba Maw-Maw." sabi naman ni Cath.
"Uhm... oo naman, worth it." sagot nito dito.
Nang makalipas ang ilang minuto ay nagpaalam na si Khiram at Mawee sa magpinsan. Panay naman pasasalamat ang dalawa dito.
Mawee's POV
Nakakapagod pero hindi naman lugi kasi napuno ng tawanan ang maghapon ko kahit nangalay ang buong katawan ko. Napagdesisyonan ko na dumiretso sa kusina tapos tutulog na pero 'di pa kami nakakalapit ni Khiram ay may narinig na ako.
"Mommy why this Sinigang na baboy ang ulam natin?" maarteng sabi ni Ate Vynee.
Yah, you heard it right. Bumalik na nga si Ate Vynee.
Babalik na sana ako pero huli na kasi nakita na ako ni Daddy.
"Hey Maushei, come here" tawag niya sa akin.
"Bakit madumi ka?" sabi ni Mommy na medyo mataas ang boses.
"Yuck, 'wag kang lalapit dito." sabi ni Ate Vynee.
"Don't you worry hindi ako lalapit sayo." sabi ko sabay alis sa kusina. Sumunod sa akin si Khiram pero dumiretso siya sa kwarto nilang mag-nanay.
Nang makaligo at makapag-ayos ako ng katawan ay may kumatok sa pinto ko. Binuksan ko 'yon at bumungad si Ate Florimay at Judilyn. May dala silang pagkain at maiinom sa akin.
"Dito ate" sabi ko sabay turo sa may round table ko na kinakainan ko talaga.
"Baka kasi hindi ka na naman maghapunan." sabi ni Ate Florimay.
"Kaya dinalahan ka namin." sabi naman ni Ate Judilyn.
"Salamat mga Ate ah." sabi ko at ngumite sa kanila.
"Walang problema" tugon naman nila.
Nang maihatid nila ay umalis din sila kaagad kasi may liligpitin pa daw sila. Sila na rin daw ang kukuha mamaya nito dito pag nakatapos sila.
Kumakain ako ng pumasok bigla si Mom and Dad.
"Anak Maushei." tawag ni Mommy sa akin.
Nakatingin lamang ako sa paglapit at pag-upo nila sa tabi ko dito sa sofa.
YOU ARE READING
Typical Girlalu
Teen FictionTYPICAL GIRLALU Hola labidabs ko, Ang kathang mababasa ninyo dito ay tanging mula lamang sa malikot kong kokote dahil gumawa ng kung ano-anong imahinasyon sa aking kaisipan. Ang mga pangalan, petsa at maging lugar na mababangit sa storya ay pawang i...