A/N : Mga labidabs ko, pagbigyan nyo na lamang muna ang aking grammar at ibang mali sa spelling ha, edit ko na lang soonest. Basta enjoy reading mga madam ko!
.........
THE BEGINNING
Third Person POV
Makalipas ang ilang linggo ay nakarecover at naging maayos na din si Mawee. Si Vynee naman ay nakaconfine pa rin at hindi pa gumagaling. Nakauwi na ng bahay si Mawee pero tila nagbago ang lahat sa kanya. Kung noon ay malayo na ang loob niya sa Magulang niya, noong umuwi siya mula sa ospital ay mas lumayo pa ang loob nito sa kanila. Simula ng umalis papuntang ibang bansa ang dalawa niyang kuya ay naging mahirap sa kanya ang lahat. Tanging si Aling Marhyl, Khiram at ilang maid maging si Kuya Jupiter na driver ng mga ito ang naiwan na kasama ni Mawee sa bahay. Nasa hospital at bantay naman ang Mommy at Daddy niya sa kapatid niyang hindi pa din nagigising simula ng maaksidente ito na siya din naman pala ang may kagagawan. At dahil dito ay hindi maipagkakaila na si Mawee ang sinisisi ng mga magulang nila sa nangyare kay Vynee.
Mawee's POV
Kahit na mabigat sa kalooban ko ang First Day of classes ngayon ay pinilit kong bumangon at mag-ayos ng sarili. Nagtooth brush at naligo na ako at dumiretso sa kusina.
"Mawee kumain ka na." sabi ni Nanay Marhyl.
Umupo na ako at nagpatuloy sa pagkain na inihain ni Nanay Marhyl.
Tapos na akong kumain at umiinom na lamang ako ng gatas ng dumating si Mommy.
"Nanay Marhyl pakikuha nga ng ibang damit at gamit ni Vynee, salamat." sabi niya agad kay Nanay Marhyl na mabilis na umalis.
"Oh Maushei, papasok ka?" nakangiti niyang tingin sa akin pero malungkot ang mata.
"Yes Mom..." sambit ko sabay tayo. "Aalis na po ako."
"Mag-iingat ka." umambang yayakap siya kaya't kahit nakakailang ay umakap na din ako.
Close na close kami ni Mommy dati pero ibang iba na ngayon. Aaminin ko pero lumayo na ang loob ko sa kanya. Ramdam niya rin yun kaya 'di gaya dati hindi na siya makalapit ng sobra sa akin.
Nang makalabas ako sa bahay na iyon ay nakita ko si Khiram at si Kuya Jupiter na driver namin na kinakawayan ako.
Luh ano yun?. Artista ampeg ng Mawee niyo for todaiz chika.
Pilit na ngiti lang din ang naitugon ko sa kanila at mabilis na pumasok sa kotse.
"Mawee, ang ikli ng palda mo." puna agad sa akin ng kapapasok na si Khiram.
"Sa tro, pati ako e inis na inis sa nagtahi nito."
Sa totoo lang talaga habang nagbibihis ako kanina ay inabot ako ng siyam-siyam dahil sa pagsusuot ng palda na ito .Hindi dahil sa mahirap suotin kundi dahil nag-iisip ako kung paano reremedyuhan kaso wala e ito na talaga dapat.
"Mawee nakikinig ka ba?" nakangiting sabi ni Kuya Jupiter.
ngi, may sinasabi ba 'to?...
"hmm-mm ano ulit yun kuya?" takang tanong ko na ikinatawa niya.
Haluh siya naman, what's funny??!!
YOU ARE READING
Typical Girlalu
Teen FictionTYPICAL GIRLALU Hola labidabs ko, Ang kathang mababasa ninyo dito ay tanging mula lamang sa malikot kong kokote dahil gumawa ng kung ano-anong imahinasyon sa aking kaisipan. Ang mga pangalan, petsa at maging lugar na mababangit sa storya ay pawang i...